Chapter 48: Torpe Moves
Heaven Akira's POV
"Si Cole yun diba?" Turo ni Jake sa kaharap naming cafè kaya napatingin rin ako.
May kahawak kamay syang babae at parang ang saya saya nya, yung babae naman halatang kakatapos lang umiyak. So ano yun, nagpropose si Cole tapos naiyak sya? Tss.
Katapos ni ate, may bago nanaman sya.
Sa totoo lang, hindi nako nasasaktan. Namanhid na ata ang buo kong katawan to the point na wala nakong maramdaman.
Kahit maghalikan pa sila, wala nakong pakialam.
Ipapahinga ko na muna ang puso ko, masyado ng maraming dinanas. Baka kapag puso ko na mismo ang sumuko, hindi nako makapagmahal ulit.
"Okay kalang?" Tanong ulit ni Jake pagkatapos nyang ubusin yung icecream nya.
I nodded and smiled at him, "oo naman. Wala namang rason para hindi ako maging okay.
~*~
"Beyb may susuotin ka na sa Christmas Party? Tara shopping tayo!"
"Wag na. Di naman ako pupunta. Tsaka wag kamunang maingay, makinig ka nalang."
Tumango nalang sya at hindi na nagsalita after. Nakinig nalang rin ako sa prof namin.
Malapit na kasi ang Christmas Party namin, malapit narin kasi ang pasko. Wala man lang excitement ang nararamdaman ko. Feel ko namanhid na talaga ako.
"You may have your break now." Sabi ng Mapeh Prof namin at umalis na sa room.
"Break? Naging kami ba?" Nakingiwi kong bulong habang inaayos ang gamit ko.
"Mas bitter kapa sa kapeng ininom ko kaninang umaga." Iiling iling na sabi ni beyb kaya napatingin ako sakanya. Nanlalaki ang mata nya na nakatingin sa likod ko kaya napatingin rin ako.
Papalapit samin si Drew na hanggang langit ang ngiti. Aalis na sana si beyb pero hinarang sya ni Drew na nakangisi.
"San ka pupunta babe?" Sabi ni Drew. Lakas din talaga ng apog ng lalaking to eh.
"Babe mo mukha mo gago!" Sigaw naman sakanya ni beyb at tinulak sya ng konti para makaalis.
Nagulat naman si Drew, "gwapo daw?" Tanong nya habang nakaturo sa sarili nya tapos patakbong sumunod kay beyb. "Babeee koo wag mokong iiwan!"
Napailing nalang ako habang tatawa tawa.
Mga abnormal.
Halata naman na gusto nila ang isa't isa pinapatagal pa nila. Tsk tsk.
"Hindi ako makakasabay ng lunch ngayon, pinapatawag kasi ako sa faculty eh.." Napalingon ako kay Jake na nasa gilid ko.
"Ganun? Sige okay lang." Sagot ko at umalis naman sya.
Kinuha ko muna ang mga librong hindi ko na gagamitin at pumunta sa locker.
Kaya lang pagkabukas ko, may nakita akong kalahati ng shell. Alam ko tong shell na to eh, yung..
Yung kalahati ng shell na binigay sakin ni Cole, yung napulot nya sa tabing dagat nung nag outing kami.
BINABASA MO ANG
She's The Man Hater Since Then
Novela JuvenilHIGHEST RANK REACHED: #41 in TEEN FICTION Broken by ONE, now hates EVERYONE. One thing about me? I. HATE. BOYS No Boys No Problems Maybe other thinks, they can't live without boys. But me? I can't live when there are boys. Maybe Gays. But not...