A/N: una sa lahat gusto ko pong magsorry kasi sobrang tagal ng update. Ung mga armys na reader ko maiintindihan, kasi po BTS week since june 1-13. So bago ang 4th anniv nila, ibat iba ang nirerelease nila everyday.
So as a die hard fan, tutok ako sa twitter araw araw at inaabangan ko po talaga tuwing 11 pm ung nirerelease nila, everyday yun. Kaya walang time. Sorry po.
I dont even know kung may nag-aabang pa ba nito :(. My mistake..
Chapter 52: Something's Wrong
Heaven Akira's POV
Pagkagising ko sa bahay nila beyb sumilip agad ako sa bintana at nandun na nga ang kotse ni Cole.
"Beyyyyyybbbbbb!" Sigaw ko. Nakarinig naman agad ako ng mga yapak at maya maya lang dumating na dito si beyb na may dalang sandok.
"Problema mo?! Nagluluto ako eh."
"Kelan pa nasa labas si Cole?"
"Ah yang maarteng lalaking yan? Kanina pang alas tres ng madaling araw! Naku!" Kinamot nya ang ulo nya.
"Totoo?! Bakit di mo pinapasok?!"
"Eh aarte arte nga eh! Pinapapasok ko ayaw naman, gusto daw nyang makita mo sya na nasa labas para maawa ka daw. Kaechosan nyang lalaking yan layuan mo nga yan abnormal eh." Take note yung nanggigigil na expression nya tapos dinuduro pako ng sandok.
"Sorry na haha sige na magluto ka na. Labyu.." Nagflying kiss ako sakanya at nagbelat.
"Kadiri to." Nakangiwi syang lumabas dito sa kwarto.
Nilabas ko yung cellphone ko at may isang message.
From: Cole
Jagiya, ironaa.. Jagiya... Jagiya ironaaaaa!(Translation: Honey gising na. Honey. Honey gising na!)
Napatawa nalang ako sa isip ko. Adik talaga to. Bakit ko ba to minahal?
Naghilamos at nag-ayos lang ako ng konti at binaba na sya.
"Aga mo?"
"Inlove eh.." Ngiting ngiting sabi nya tapos lumapit sakin at hinalikan ako sa noo. "Good morning honey mahal.."
"Tigilan mo nga yang honey mahal mo. Ang corny. Animal."
"Grabe ka naman. Eh ano bang gusto mo? Babe, darling, heart, love, be, asawa ko, mahal, baby, lalabs, honeypie, sweetie pie, o babyloves?"
Muntik nakong masuka sa pinagsasabi nya. Hindi ko alam kung mandidiri, matatawa, o maasiwa ako.
"Alam mo, pabibo ka."
Tumawa lang sya sa sinabi ko at inakbayan ako then sabay na kaming pumasok sa loob.
Mamaya mag-uusap pa kami ng masinsinan. Sasabihin ko na sakanya yung gusto kong mangyari. Sa ngayon, gusto ko na muna syang makasama.
Pumunta kami sa kusina at umupo na para kumain. Kaso may biglang kumatok.
"Sandali ako na magbubukas." Sabi ni beyb. Pagkaalis nya, maya maya lang nakarinig nako ng boses ng lalaki.
"Bakit ka nandito?"
"Masama? Lagi naman ako nandito ah!"
"Nasuntok ka na ni Drew dati di ka pa nadala?!"
Napangisi ako ng marealize kung kanino boses yung lalaki. Naramdaman kong papunta na sila dito sa kusina.
"Akkkkkiiii!!!"
BINABASA MO ANG
She's The Man Hater Since Then
Teen FictionHIGHEST RANK REACHED: #41 in TEEN FICTION Broken by ONE, now hates EVERYONE. One thing about me? I. HATE. BOYS No Boys No Problems Maybe other thinks, they can't live without boys. But me? I can't live when there are boys. Maybe Gays. But not...