Chapter 54: Who are you?
Steven Cole's POV
Akala ko okay na pero hindi pa pala. Akala ko pwede na kami maging masaya kasi ligtas sya pero hindi pa pala.
"Sino ka?"
Kahit na tuloy tuloy na tumulo ang luha ko, ngumiti parin ako sakanya.
"Ven naman.. Wag ka namang magbiro ng ganyan.." Marahas kong pinunasan ang luha ko at niyakap sya ng mahigpit. "Kilala mo naman ako diba? Diba? Nagbibiro kalang diba? Mahal mo ko diba?"
Mas hinigpitan ko yung yakap ko nung nagpupumiglas sya. "T-teka lumayo ka."
Pilit syang nagpupumiglas pero hindi ako lumalayo sakanya. "Cole nasasaktan na sya--"
Hindi ko na alam ang ginagawa ko to the point na nasuntok ko na pala si kuya nung pinapalayo nya ako kay Ven.
Nagulat si Ven sa ginawa ko at kahit hirap na hirap sya, pinuntahan nya si kuya.
Ang sakit lang.
Lumapit ako sakanya at hinawakan ang dalawang kamay nya. "Ako to.. Si Cole.. B-bakit hindi mo ko maalala? Hindi na magandang biro yan Ven. Ako to, yung m-mahal mo."
"Mahal? Ikaw yata ang nagbibiro sating dalawa. Nasa harap mo lang ang boyfriend ko, ang lakas naman ng loob mo." Sabi nya sakin pagkatapos ay humarap sya kay kuya Cyrus. "Mahal sino ba sya?"
Mas lalo akong naiyak. Ang sakit marinig ang mga salitang yan galing sa taong mahal na mahal ko.
Kung alam ko lang.. Kung alam ko lang na hahantong sa ganito, sana hindi ko sya pinagbyahe ng mag-isa. Sana ako nalang ang nagsundo sakanya.
"Mahal nasaan ba tayo? Bakit nandito ako? Umuwi na tayo.." Sabi nya kay kuya habang si kuya, katulad ko, hindi parin maproseso sa utak ang mga nangyayari.
Maya-maya biglang bumukas ang pintuan at pagkalingon ko, si Sophia at Drew pala ang pumasok.
"OMG beyb! Salamat sa Diyos at gising kana! Alam mo bang sobra akong nag-alala sayo?!" Lumapit agad si Sophia kay Ven at niyakap ito habang si Drew naman nilapag ang mga prutas at dala nila sa table.
Napatingin sakin si Sophia at nagulat sya ng makitang umiiyak ako.
"O Cole, bakit ka umiiyak? Di ka ba masaya na gising na si beyb?" Takang tanong nya at napalingon narin sakin si Drew.
Pinunasan ko ang mga luha ko sa pisngi at magsasalita sana ako kaso sumingit si Ven.
"Beyb kilala mo ba sya? Ka-ano ano mo? Sabi nya kasi sakin kanina, mahal ko daw sya e imposible yun kasi hindi ko nga sya kilala. Tsaka ang mahal ko si Cyrus, pano naging sya?"
Muling nagsilabasan ang luha ko pagkatapos marinig ang inosente nyang tanong sa kaibigan nya.
Putangina ang sakit. Ang sakit marinig na iba ang sinasabi nyang mahal nya sa harap ko pa.
"Wait.. D-d-don't tell me.. Omyghad what's happening?! Beyb hindi magandang biro to!" Naghysterical si Sophia at napahawak sa ulo nya.
"Bakit ba pati ikaw akala nagbibiro ako? Mukha ba akong nagbibiro? Tsaka bakit ba ako nandito?" Mukhang naiinis sa Ven sa tono ng pananalita nya.
"You mean.. Hindi mo talaga sya maalala? At ano kamo? Si..si.. Cyrus! Si Cyrus yung mahal mo?" Mas napataas ang boses ni Sophia at napatingin sya kay kuya na hindi rin alam ang gagawin.
May kumatok at tatlong katok lang, bumukas ang pinto at doctor ang pumasok.
Parang ayoko ng marinig ang sasabihin nya..
BINABASA MO ANG
She's The Man Hater Since Then
Roman pour AdolescentsHIGHEST RANK REACHED: #41 in TEEN FICTION Broken by ONE, now hates EVERYONE. One thing about me? I. HATE. BOYS No Boys No Problems Maybe other thinks, they can't live without boys. But me? I can't live when there are boys. Maybe Gays. But not...