A/N:
First gusto ko pong magsorry ULET. Yep i know huhu. Aware po ako na kada week, isa lang update ko at ako din naiinis sa sarili ko. So i understand kung wala ng nagaabang huhu.Busy lang po talaga ako sa school tsaka sa bangtan. Kasi papalapit na comeback nila.
Let's take a recap. So nagkaselective amnesia si Aki right? Nakalimutan nya yung part kung nasaan sya niloko ni Cyrus at ni Eleasha. At ang naalala nya ay mahal pa nya si Cyrus.
Ang bad lang ni destiny, o sige pati ako na haha. Kasi kung kelan magpopropose na manligaw si Cole, dun pa naaksidente.
So eto po yung katuloy ng last update :)
Chapter 55: I won't give up
Heaven Akira's POV
Biglang sumakit yung ulo. Ayoko namang gisingin si Cyrus lalo na yung kapatid nya na si Cole ba yun? Oo Cole ata. Madaling araw pa naman.
Sa totoo lang nawiweirduhan ako dun. Sabi nya sakin nung pagkagising ko nung isang araw, sya daw mahal ko?
E hindi ko nga sya kilala.
Pero sabi ng doctor pati narin nina beyb na nagka selective amnesia daw ako. So it means kilala ko na sya?
But I admit, gwapo sya ah.
Kinakabahan pa nga ako para mamayang umaga eh. Kasi kakausapin daw nila akong lahat. Sasabihin daw nila sakin lahat hanggang sa bago ako maaksidente para masanay daw ako sa ganong set up.
I wonder kung ano yung mga nakalimutan ko na dapat kong maalala.
"A-a-aray." Napahawak ako sa ulo ko kasi kumirot nanaman. Hininaan ko lang yung pagdaing ko para diko sila magising. "Shit. A-aray."
Napapikit nako sa sobrang sakit at pilit na kinukuha yung baso ng tubig dito sa side table.
Biglang nagising yung Cole nung mahulog ko yung baso. Napakagat ako sa labi ko. Shet nakakahiya ako leche.
Tumingin sya sakin ng mapungay ang mata. Halatang bagong gising. Napatingin ako sa mata nya.
Bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko. Luh.
Iniwas ko yung tingin ko at yumuko. "Pasensya na."
Mabilis syang tumayo sa pagkakahiga sa folding bed dito sa hospital room ko at lumapit sakin. "May problema ba? Okay kalang? Teka tatawagin ko yung doctor."
Nagmadali syang lumabas pero bago sya makalabas tinawag ko sya. "C-cole.. W-wag na.. Sumakit lang yung ulo ko."
Pero sa sinabi ko, imbis na huminahon sya ay mas lalo pa syang di napakali.
"Saan masakit? Teka gusto mo bang tubig? Mag restroom? Kumain?" Sunod sunod nyang tanong.
"Hindi.. Masakit lang talaga ulo ko. Pero hayaan mo na konti nalang naman. Tulog ka na ulit, pasensya na." Yep, dito sila natulog ni Cyrus sa hospital.
Sabi ko nga na si Cyrus nalang pero nagpumilit talaga si Cole.
Di sya sumagot at kumuha ng walis tsaka dustpan at winalis yung nabasag kong baso at pinunasan yung tubig na natapon.
Then lumapit sya sakin at hinipo yung noo ko. Medyo nailang ako ng hipuin nya rin yung leeg ko.
"May lagnat ka." Seryoso nyang sabi. Na para bang nawala bigla yung antok nya. Huminga sya ng malalim at pumunta sa C.R.
Maya maya lumabas sya dun na may dalang mangkok na may tubig tsaka face towel.
"Uy anong gagawin mo?"
BINABASA MO ANG
She's The Man Hater Since Then
Novela JuvenilHIGHEST RANK REACHED: #41 in TEEN FICTION Broken by ONE, now hates EVERYONE. One thing about me? I. HATE. BOYS No Boys No Problems Maybe other thinks, they can't live without boys. But me? I can't live when there are boys. Maybe Gays. But not...