- Chapter 37 -

2.4K 184 103
                                    

Chapter 37: Reality

Heaven Akira's POV

Sinampal sampal ko yung mukha ko habang humahagulgol para magising ako kung sakaling nananaginip ako na nandito talaga si Jake.

"Shhh." H-hinawakan nya yung kamay ko at humalakhak sya. "Totoo ako.. Sabi ko sayo, babalik ako kapag kailangan mo. Now, Im here."

"Luh.. Jake.." Mas humagulgol ako. Hindi ko alam kung bakit. Alam ko rin na nagmumukha nakong tanga. Naiinis ako na nabigla na masaya na naiinis ulit!

"Miss me? Tsk tsk. Hindi mo tinandaan yung huling sinabi ko sayo bago ako umalis non noh?" Huhuhu bwisit naman tong lalaking to!

"N-natatandaan ko syempre.. N-never choose someone, who needs to t-think twice a-about choosing y-you." Ngumiti siya pero unti unti rin itong nawala.

"Yan mismo ang hindi ko ma-apply sa sarili ko alam mo ba yun?" Ngumiti siya ng tipid. "Kasi kahit anong pigil ko, ikaw at ikaw parin ang pipiliin nito." Turo niya sa puso niya.

"A-ano bang sinasabi mo?" Medyo tumahan na yung pagluha ko pero for sure ang pula pula parin ng mukha ko.

"Kahit na pangalawa lang ako dyan," tinuro nya yung banda sa puso ko. "--ikaw parin. Nakakagago nga eh noh?"

Nagumpisa naman syang maging teary eyed. Ayba! Nakidrama ay!

Para hindi na matuloy yung iyak niya, tumawa ako ng sobrang lakas at laking pasasalamat ko ng makisama ang sistema ko dahil success ang pagtawa ko kahit walang nakakatawa. "Problema mo?" Taas kilay na tanong nya.

Binatukan ko siya at tumawa ulit, trying to remove the negative air/sad air around us. "Ikaw talaga! Ano? Makikidrama ka rin? Kainis to! Patahanin mo lang dapat ako, hindi yung makiki-iyak karin."

Pinunasan nya yung dapat na luha na tutulo at ngumiti ng malaki sakin.

"Tara na nga, anong room number mo?" Tanong nya sakin. Tumayo siya and he held his hand. Inabot ko yun para makatayo rin.

"143," tumango siya at biglang hinawakan yung kamay ko. Sabay kaming lumakad papuntang hotel, buti nalang alam nya ang daan kasi ako hindi na.

"Siya ba?" Bigla niyang tanong. Tinignan ko siya ng nagtatanong. Anong siya?

"Huh?" Hindi ko kasi gets. Ngumuso siya sa harap ko kaya napatingin rin ako. Gulat akong napatingin kila ate at Cole, na makakasalubong namin kapag lumakad pa kami. Kung kame, pauwi na, sila naman papunta palang kung nasaan kami kanina.

Alam kong nagulat rin silang dalawa dahil kasama ko si Jake, di makapaniwalang tumingin samin si Cole pababa sa kamay namin.

Hinigpitan ni Jake yung pagkakahawak nya sa kamay ko. Lumakad kami ng normal, and I also tried to act normal.. Even if.. It hurts.

Nung magkasalubong na kami, walang nagsalita. Nagtitigan lang kaming apat. Hinila ako ni Jake at inakbayan, saka ako hinila palagpas sakanila. Nung makalagpas kami sakanila, tumigil ako.

"Please. Kahit ngayon lang, maawa ka naman sa sarili mo." Jake whispered. Kahit ako, awang awa na sa sarili ko Jake kung alam mo lang. Kahit gusto koman silang lingunin, hindi ko na nagawa kasi alam kong masasaktan lang ako.

Huminga ako ng malalim at nagtuloy kami sa paglalakad hanggang sa....

"Ven!" Agad akong lumingon sa likod ko. Kunot noo ko silang tinignan dahil papalapit sila samin.. At.. Si ate..

Umiiyak.. Habang papalapit sila ng papalapit samin, mas lalo akong kinakabahan. Something's weird. Totally weird. Pinisil ni Jake yung kamay ko at nang makalapit na sila samin hinila ako ni Cole mula kay Jake.

She's The Man Hater Since ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon