A/N: Okay guys here's the First Episode!
Well. Well. Well. Thank you so much sa nagvote first at nagcomment first sa Prologue ko! So flattered talaga! =))
Thanks Rhoda a.k.a Dang70!
At sa lahat ng gustong magpa dedicate please give me your username! =)) So that I can post it here sa updates ko.. xD
Thanks sa lahat ng nagsuporta! Highly appreciated!
Lovelots!
AnonymousWOn
~~Episode One~~
ACE'S POV:
"Good Morning Sir!" Sabay-sabay ang bati nila sa akin habang naglalakad ako papunta sa aking opisina. Meron pa nga akong naririnig mula sa mga staff na...
"Ang gwapo ni sir! Swerte naman sa magiging GF niya"
"Sana akin ka nalang sir!"
Yung iba naman, grabe kung makatitig sa akin. Syempre, sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang Gwapo at Hot na katulad ko? Isang tingin ko lang sa isang babae sigurado akong matutunaw na dahil sa kilig.
Habang papasok ako, kasunod ko naman ang aking kaibigan na si Paolo. We were business partner. Siya ang natatanging BEST BUDDY ko sa lahat-lahat. Partner in Crime kumbaga. Parati ko siyang kasama sa tuwing may pinupuntahan kami. Bestfriend na rin ang turing ko sa kanya.
"By the way Ace, Mr. Cruz told me about sa investment dito sa company. Kelan ba daw kayo mag mi-meet?" Tanong ni Paolo sakin.
"Shit! Oo nga pala! I almost forgot pare. I will call him later after my work". Mabuti at ni remind ako ni Paolo. Ang dami-dami ko kasing ginagawa.
"Paano ba yan pare, punta na muna ako sa office ko ha? By the way gala tayo mamayang gabi, puntahan natin yung bagong bar na katabi dun sa dati nating pinupuntahan, im sure marami girls na naman tayong mabibingwit dun! Haha!" Nakangiting sabi ni Paolo. Eto talagang si Paolo, nahawa na sa pagiging Cassanova ko.
I'm Ace Salvacion. CEO of our own company Salvacion Marketing Corporation. I'm already 24 years of age. Wala akong siniseryosong babae sa buong buhay ko dahil ayoko ng commitment. Isa akong Perfectionist, Suplado, Metikuloso, Seryoso, Bossy, Spoiled. Lahat ng gusto ko nakukuha ko. Sa lahat na naging girlfriend ko, ni isa walang nagtatagal sa akin. Lahat ng girls na nagiging girlfriend ko ay umuuwing luhaan.
Hindi kasi ako naniniwala sa True Love. It doesn't exist sa akin. Kaya ako nagkaganito dahil sa Mommy ko. Bata pa lang ako noon, nakikita ko na palaging may kasamang iba si Mommy. Nung umpisa hindi ko pa maintindihan ang lahat dahil 5 years pa lang ako noon. But when I reached my right age, dun ko na napagtanto ang lahat. Galit ako kay mommy. Mas pinili niyang sumama sa ibang lalaki kaysa magstay sa amin ni Dad. Simula noon, I play girls feelings at wala akong sinasanto.
KATE'S POV:
"Okay Kate, konti pa, sideview ka." Sabi ng baklang photographer.
"Ayan! Perfect!, Napakaganda mo talaga iha! Okay smile!"
"Beks, parang na sti-stiffneck na yata ako rito sa ka-kasideview eh." Reklamo ko kay beki habang naka smile. Haha
BINABASA MO ANG
HE'S MY FIRST, SHE'S MY LAST (ONGOING)
Teen FictionOngoing. Copyrighted by AnonymousWon. All rights reserved 2014.