Episode Thirty Three

12 1 0
                                    

*3 Months After*

FELICE'S POV:

Matapos kung salinan ng dugo si Kate, hindi na ako nagpakita ulit. Umalis ako at nangibang ibansa. Nandito ako ngayon sa US.

~Flashback

Pagkatapos kung mag donate ng dugo, hindi na ako muling bumalik pa ng ospital. Nakiusap ako kay Terrence na ihatid niya ako pauwi ng condo. Wala siyang ka alam-alam na yun na pala ang huling gabi na makikita niya ako.

~End of Flashback

Wala na akong balita sa kanila. Alam ko naman na walang kapatawaran ang ginawa ko kay Kate. Dahil ba sa ampon ako kaya ako nagkaka ganito? Kulang nga ba ako sa atensyon nang mga magulang ko? Siguro nga, naghahanap ako nang pagmamahal na kailanman hindi ko naramdaman sa mga magulang ko. Mga magulang ko na umampon sa akin.

Alam ko naman na mahal nila ako dahil inampon nila ako pero bakit may kulang? Bakit pakiramdam ko walan nagmamahal sa akin kahit alam kung nandiyan sila. Sino ba naman ako para mag reklamo diba? Wala akong karapatan. Pinag aral nila ako at binihisan. Pinatira sa isang malaking bahay at namuhay nang mayaman.

FELICE'S MOTHER'S POV:

"It's been 3 months dad! At hanggang ngayon, hindi pa rin natin nakikita si Felice!" Parang aatakihin na ako sa puso sa sobrang pag aalala ko kay Felice. Hindi man kami naging tunay na magulang ni Felice, sa puso't isip ko, totoong anak ang pagtingin ko sa kanya.

"Tumigil ka na nga sa ginagawa mo!I know! Martha! Ginagawa ko naman ang lahat!" Simula nang mawala si Felice, walang araw na hindi kami nag aaway ni Robert. Humingi na rin ako nang malaking despensa sa pamilya Salvacion dahil sa ginawa ni Felice.

"Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama kay Felice dad!" Umiiyak na naman ako, halos gabi gabi na akong umiiyak. Kasalanan rin namin to dahil hindi kami naging sapat kay Felice. Simula nang inampon namin siya, naging busy na kami at bihira na namin siyang naaalagaan.

~Flashback

Hirap na hirap kami ni Robert sa pag process ng aming mga papeles nung bagong kasal pa lang kami. Hindi pa kami naka ipon ng malaki at that time at ang laki pa ng income tax na kinakaltas sa sweldo namin dahil sa hindi kami nagkakaanak. Kahit anong gawin naming pag pursigi, wala talagang nangyayari hanggang sa dumating si Felice sa buhay namin.

Habang naglalakad kami ni Robert papalabas ng building kung saan nag pass kami ng business permit application,  may nakita kaming isang bata sa labas.  Nakaupo ito sa isang bench at umiiyak. Nilapitan namin ni Robert ang bata para tanungin kung nasaan ang mga  magulang niya.

"Baby? Nasaan ba ang mga magulang mo? Ano ba ang pangalan mo baby?" Binuhat ko siya at pinunasan ang mga luha niya. Namamaga na ang kanyang dalawang mata sa kakaiyak.

"Mommy! Mommy!Huhuhu!" Wala siyang ibang bukambibig kundi ang Mommy niya. Nagpasya kami ni Robert na dalhin namin ang bata sa bahay dahil buong maghapon naming inantay ang mga maulang niya ngunit walang dumating ni isa sa mga magulang niya.

Ilang araw na ang lumipas, ngunit wala pa rin kaming nabalitaan na may nawawalang bata kaya kami na lang ang gumawa ng paraan. Gumawa kami ng Visual Aids, pinaskil namin sa labas, at sa buong syudad pero wala talagang tumawag sa amin ni isa.

HE'S MY FIRST, SHE'S MY LAST (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon