Episode Nine

236 28 4
                                    

A/N: Eto na guys ooh.  Hope you like it. Better read this one! xD

KATE'S POV:

Nagising kami ng maaga ni Irish. Well, susulitin namin ang araw na to dahil malapit na kaming bumalik at isa pa, bukas na ang photoshoot namin. Sino kaya magiging partner ko? Naghire kaya sila? Ah basta kung sino man yun, okay lang photoshoot lang naman.

Maaga akong nag prepare ng food. Tapos na rin kaming magbihis ni Irish kaya ready to eat na kami. Bacon, Hotdog at fried egg lang naman niluto ko eh. Haha. Napakadali lang. Habang kumakain kami, may nag knock ng door. Tumayo ako at pinuntahan ko kung sino. Tiningnan ko, si Paolo pala. Ano kaya ginagawa niya dito?

Pinapasok ko siya tapos niyaya ko syang kumain. Pagdating namin sa table nawala na dun si Irish. Ano nangyari dun?Hindi man lang niya tinapos ang pagkain niya. Di kaya masama pakiramdam nun? Umupo na lang kami sa table.

"Oh? Nasaan na pala yung kasama mo? Ano nga ulit yung pangalan niya?" Tanong ni Paolo sakin. Ewan ko nga ba bakit nawala nalang bigla yung babaeng yun siguro nandun yun sa CR.

"Ah. Eh kumakain lang yun dito kanina eh. Siguro nasa CR, masama siguro pakiramdam." Sagot ko sa kanya. Wala kasi ako maisip na sagot eh kaya yun nalang dinahilan ko haha. Napaka weird talaga ng babaeng to.

"Ah ganun ba, yayayain ko sana kayo ngayon." Sabi ni Paolo sakin. Pero tinanggihan ko siya dahil sinabihan ko siya na may lakad kami ni Irish. Naiintindihan naman niya yun kaya di nalang niya pinilit. Hehe. Umalis na siya at saktong pag alis niya lumabas ng CR si Irish. Nagtataka na talaga ako sa kanya.

"Hoi. Ba't di mo inubos yung pagkain mo ha? Bigla ka nalang nawala, alam mo nandito si Paolo hinanap ka nga niya eh." Paliwanag ko kay Irish.

"Ah. Sumama yung tiyan ko eh. Kaya dali dali akong nagpunta ng CR. Grabe ka naman magluto, ayosin mo naman. Tsk" Aba tong babaeng to. Ako pa ginawang may kasalanan? Tsk.

"Ang weirdo mo eh!" Sigaw ko sa kanya habang papasok siya sa kwarto. Di na niya ako sinagot. Ganun naman talaga siya eh. Hilig talaga mang talikod. Sabagay sanay na talaga ako sa kanya. Itong si Irish talaga, kahit kelan. Tsk, umiling iling nalang ako.Pgkatapos kong magligpit sa kusina, pinuntahan ko si Irish sa kwarto at niyaya ko na siya na lumabas kami. Nakikinig lang siya ng music at nakaheadset. 

"Hoi Irish, ano tayo na, lumabas na tayo." Sabi ko sa kanya sabay yugyug sa mga braso niya. Nakahiga kasi siya sa kama. Ano ba problema ng babaeng to.

"Tinatamad akong lumabas Kate eh, alam ko na manood na lang tayo ng movie, nagdala ako ng maraming dvd copies dito." Hayy. Naku itong si Irish. Pabago bago na naman ang isip eh. Nakakinis na talaga tong babaeng to. Napaka weirdo niya talaga.

"Teka lang akala ko ba lalabas tayo? Ba't biglang nagbago ang isip mo?" Naiinis kong sabi sa kanya.

"Tinatamad nga ako, ayoko nang lumabas. Sorry Kate, bawi na lang ako next time."  Sus kung di ko lang to kaibigan at bestfriend, sinabunutan ko na ito dahil sa inis ko. May gana pang magpa cute! Kainis. Wala na akong nagawa at nanood na lang kami ng Movie. 

Buong maghapon talaga kaming nandito sa room. Kwentuhan dito, kwentuhan doon, kung ano-ano nalang ang mga sinasabi namin. Tawa dito tawa doon, hanggang sa nakatulog kami. Tinitingnan ko yung phone ko, di pala nakatawag si Ace. Siguro busy yun? Nalungkot tuloy ako bigla pero okay lang may bukas pa naman eh.

ACE'S POV:

Naiinis ako kay papa! Nang makarating ako sa bahay namin, pinuntahan ko agad siya sa office at kinausap ko siya tungkol dun sa marriage na sinasabi niya. Di na rin ako nagpaligoy ligoy pa at sinabi ko sa kanya na may girlfriend na ako. Ayoko magpakasal sa di ko kakilalang babae. Kung nuon pa sana niya ginawa to siguro papayag ako. Pero it's already too late. I have Kate already and I loved her so much.

HE'S MY FIRST, SHE'S MY LAST (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon