Episode Seventeen

240 22 12
                                    

A/N: Pasyensya na talaga kung natagalan ang pag update. Haha. I'm really soooory sa nabitin! at dahil jan. Edidicate ko sa kanya ito yung parating sumusubaybay! You know who you are! <3 Thank you so much talaga! Mwaaah!

And sa lahat ng gustong magpadedicate. Please send me a message or comment lang sa story or sa MB ko! <3

~~AnonymousWon

ACE'S POV:

1 week na ang lumipas nung nanggaling kami sa resort. 1 week na rin kaming okay ni Kate. Grabe ang saya saya ko sobra. Sobra pa sa nanalo ng Lotto. Haha

Sana tuloy tuloy na to. Sana naman natauhan na rin si Felice sa sinabi ko sa kanya nung last nagkita kami sa resort. Grabe talaga siya. Nasundan pa niya kami sa Resort. 

Hindi ko kasi alam na ganun kalaki ang galit niya sa akin. Akala ko alam niya na naglalaro lang kami noon but in fact sineryoso niya pala ang relationship namin na laro lang. F*ck lang but I'm sorry, kahit sinong maganda pa ang maghuhubad sa harapan ko, hinding hindi ko na papatulan.

Nandito ako ngayon sa office ko. Di ko alam ilang days na akong absent e. Haha. Nakalimutan ko yata dahil sa Love ko? Haha. Sorry OA na talaga ako. Inlove eh.

"Pare! Kumusta?! Long time no see ah? Ano okay na ba?" Nagulat ako ng biglang nasalita si Paolo. Di ko namalayan na pumasok pala siya. Tsk ang tagal din naming di nagkita nang taong to. Mukhang may ibang pinagkakaabalahan to ah.

Ngiti lang sinagot ko sa kanya. Yung ngiti na minsan lang niya nakita. Di ko kasi mapaliwanag yung saya na nararamdaman ko eh. Tsk. Habang tumatagal, mas lalo akong nahuhulog kay Kate. I can't resist her. Araw araw ko na siyang nami-miss.

"Sabi ko na nga ba eh, ibang iba yung ngiti mo oh. Tuluyan na talagang nagbago ang Cassanova." Dagdag pa niya. Tsk. Noon yun noh. Iba na ngayon. Paolo talaga, nang-asar pa.

"People change. Anyway, may appointment ka ba sa akin ngayon?" Tanong ko sa kanya. May inabot siyang mga folders. Tiningnan ko, isang investment files para sa bagong branch namin. Pinermahan ko na iyon at ibinalik ko ulit sa kanya.

"Haha. Habang wala ka dito, alam mo ba naging busy ako? Para na din akong naging CEO. Tsk, Di ko na tuloy nahanap yung babaeng gusto kong hanapin." Paliwanag niya. Tungkol ba yun sa pinag-usapan namin sa bar? Tsk. May balak pa siyang hanapin yun? Eh di nga niya nakita mukha nun eh. Haha. Pangalan nga niya di alam. Haha. Stupid Paolo.

"Asa ka pa mahanap mo yun?" Tipid kong sagot sa kanya tapos kumunot noo niya. Haha. 

"Joke lang pre. Haha nakakatawa ka." Sabi ko sa kanya tapos sinuntok niya ako sa braso.

"Alis na nga ako, send my regards to Kate ha?" Sabi niya tapos nag smile pa ang tarantadong to. Sinamaan ko siya ng tingin. Akin lang si Kate noh!

"Haha! Seloso ka talaga. Alis na nga ako. Joke lang yun. Bye na!" Sabi niya sakin at tuluyan ng umalis. Maya mayay pumasok si Love sa office ko.

Nakangiti siya sa akin. Oo nga pala bumalik na pala si Kate sa pagtratrabaho pero hindi as Secretary kundi Marketing Assistant na siya dito. Kakabalik lang din niya. 

Pinakilala ko na rin siya kay Daddy at tuwang tuwa nga si Daddy sa kanya eh kaya abot langit talaga ang saya ko ngayon. Eto na ang pinakamasayang achievement na nagawa ko sa buong buhay ko.

"Alam mo, gusto ko palagi kang ganyan. Nakangiti." Sabi niya sa akin at may inabot din siyang folder.

"Mga stocks ng producto ang laman niyan. Gusto ko e double check mo para walang errors. Please?" Sabi niya sakin with a puppy eyes pa talaga. Eto talagang Love ko ang cute cute na, ang ganda pa.

HE'S MY FIRST, SHE'S MY LAST (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon