KATE'S POV:
Maaga kaming pinatawag sa Conference Room. May meeting daw kasi. Nandito ako sa office at inaayos ang nakatambak na paperworks.
Naisip ko tuloy yung kagabi. Kainis talaga tong si Ace. Dati hindi naman siya ganun magselos eh pero ngayon? Tsk. Napaka weirdo niya.
Ang sakit niya rin talaga magsalita kapag galit siya. Hayy naku pero eto naman ako bibigay rin naman eh. HAHA. Syempre mahal ko yun eh kaya pagbigyan.
"Hi Kate! Goodmorning, tara na? " Biglang bumungad sa pinto si Terrence. Napaisip tuloy ako, ano bang meron kay sa kanya kung bakit napakainit ng dugo ni Ace sa kanya?
"Kate? Okay ka lang?" Muling nabalik ang aking katinuan ng makita kung naka wave si Terrence sa harap ng mukha ko.
"Ay. Pasyensa kana Terrence, may iniisip lang kasi ako." Sagot ko sa kanya. Magsasalita pa sana ako pero bigla siyang nagsalita ulit.
"Yung tungkol ba kagabi?"
Hindi ako nakasagot agad. Sinuntok nga pala siya ni Ace kagabi. Tsk. Kita ko pa nga sa mukha nya yung maliit na pasa.
"Okay lang yun Kate, normal lang naman sa kanya na magselos." Paliwanag niya. Nahiya tuloy ako sa kanya. Wala naman talaga kaming ginagawang masama.
"Pasyensa ka na talaga ha? Umalis na tayo" Sabi ko sa kanya at tuluyan na kaming pumunta sa conference room.
--> Conference Rooom
Pagpasok namin doon, nakatanaw na yung mata ni Ace sakin pero naka smile siya. Tiningnan din niya si Terrence at nakasmile din siya.
Kinakabahan tuloy ako pero alam ko naman hindi magkakagulo dito eh, alam ko naman na professional si Ace pagdating sa trabaho.
"Okay, Since lumalaki na yung Company natin, I would like to give you all a break. I mean, ano kaya kung magbakasyon muna tayo?" Sabi ni Ace samin lahat.
Biglang nagngitian ang mga empleyado. Syempre natuwa naman ako sa sinabi niya, nababagot na rin ako sa trabaho eh. Haha
"Go ako jan sir Ace! Excited ako!" Sabi ng isang empleyadong babae hanggang sa nagsalita na rin yung iba.
"Okay, calm guys, I choose Boracay as our Vacation Venue. Hindi lang naman ito Bakasyon, gusto ko rin kayong e treat dahil sa hardworking niyo at dahil sa paglago ng ating Company. In short magkakaroon tayo ng Team Building." Paliwanag ulit ni Ace at nagsipalakpakan silang lahat.
Mahigit isang oras din natapos ang meeting...
"Kate." Bigla akong napatigil sa paglakad ng tinawag ako ni Ace. Papalabas na sana ako ng conference room.
"Oh, Ace." Sagot ko sa kanya habang naka smile ako. He kiss my cheeks nang makalapit na siya sa akin.
"I'm sorry kagabi my Love." Paliwanag niya. Tsk. Paulit-ulit nalang syang nagsosorry eh okay na naman kami kagabi ah. Eto talagang si Ace. Kahit kailan.
"Okay na yun my Love kaw talaga, paulit-ulit ka talaga" Sabi ko sa kanya sabay belat. Haha.
"Lunch na nga tayo." Sabi niya at tuluyan na kami umalis ng building.
Kinabukasan...
Nandito na kami ngayon sa Boracay. Excited talaga ako dahil na miss ko ang islang to haha. Nakapunta na ako dito dati pero matagal na yun eh. It's time to unwind. Sayang nga lang, wala si Irish.
Paano ba naman kasi, busy na yata siya sa project na ginagawa nila ni Paolo. Hayy naku. Kumusta na kaya yung dalawa? Matawagan nga.
(The Subscriber Cannot be Reached, Please Try Again Later) - "Ayy! Ano ba yan? Di macontact? Tsk"
"Oh, sino ba tinatawagan mo Love?" Tanong ni Ace sa akin.
"Si Irish, cannot be reach kasi siya Love." Sagot ko sa kanya habang nakasimangot na nakatingin sa Phone. Haha
"Ano ka ba, baka busy lang yun, tara na labas na nga tayo." Sabi ni Ace at tuluyan na kmi lumabas ng kotse. Pagkarating namin sa hotel, nakita rin namin sina Felie at Terrence pati na yung ibang kasamahan namin.
FELICE'S POV:
Ito na ang pagkakataon para unti unting masira ang relasyon nina Kate at Ace. Haha. I'm so excited talaga. Grabe hindi talaga maalis ang aking kasiyahan na naganap kagabi.
Syempre, inutusan ko talaga si Terrence para magulo ang relasyon nila. Sa tingin ko, ito na ang pinakamagandang bagay na mangyayari. Haha
~~Flashback~~
"Siguraduhin na hindi papalpak yung plano mo Terrence."
"Oo naman. Naka plano na lahat Felice." Sagot niya.
"Mabuti naman at hindi mo pa ako binigo Terrence. Ito na ang pinakamasayang bagay na mangyayari sakin kapag matupad ang plano ko." Sabi ko sa kanya habang tumatawa.
"Sana'y hindi mo pagsisihan ito Felice."Aba? at kelan pa siya parang naging concern?
"At bakit naman ako magsisi? Walang pagsisi ang gagawin kong to. Isa pa, hindi ko kelangan ang opinion mo." Mataray kung sagot sa kanya.
~~End of Flashback~~
Nandito na ako ngayon sa kwarto at nakahiga. Pinag iisipan ko talagang mabuti kung ano ang gagawin ko kay Ace. Hmmm. Hinding hindi ka talaga nagkamali sa pagpili ng lugar Ace. Saktong sakto para sa mga plano ko. HAHAHAHA
KATE'S POV (CONTINUATION):
Magkasama kami ngayon ni Ace. Iisa lang ang kwarto namin. Eh paano kasi, isa lang naman yun kinuha niya. Tsaka sabi niya rin daw, magiging mag-asaw rin nman daw kami eh.
"Love?" Tawag niya sa akin habang naghahanda ako ng hapunan namin. Nagluto kasi ako ng paboritong ulam niya dito sa mini kitchen ng kwarto.
"Oh? Gumising ka na pala Love, kala ko natutulog ka pa" Sabi ko sa kanya habang patuloy ako sa aking ginagawa.
"Namiss kita Love, *tsupp*" Sabi niya sabay halik sa aking pisngi. Eto talagang si Ace, kahit kailan pinapakilig ako. HAHAHA
Maya maya'y natapos na rin ako at inihanda ko na ang mga pagkain namin sa lamesa. Tinulungan na din niya ako at pagkatapos ay sabay na kaming kumain.
Pagkatapos namin kumain, nagpahinga na rin kami. Marami daw kasi kaming gagawin bukas. First day of Boracay namin bukas ee kaya susulitin namin ang bakasyon namin.
BINABASA MO ANG
HE'S MY FIRST, SHE'S MY LAST (ONGOING)
Teen FictionOngoing. Copyrighted by AnonymousWon. All rights reserved 2014.