Episode Thirty Two

10 1 0
                                    

TERRENCE'S POV:

Pagkatapos kung tawagan si Felice ay dumeretso na ako sa company ni Ace upang sabihin ang lahat lahat. 

"Ace!"

Nagulat si Ace ng makita niya ako at sinamaan niya ako ng tingin.

"What are you doing here!" Galit na sabi niya.

"Meron kang dapat malaman tungkol sa nangyari sa inyo ni Kate". Paliwanag ko sa kanya.

"Wala akong panahon sa mga panloloko niyo Terrence Lucas!" Sigaw niya. Nilapitan niya ako at sinuntok niya ako.

"Ace ano ba!" Sinuntok ko din siya. 

"Makinig ka muna sa akin Please?" Patuloy pa rin siya sa pag suntok sa akin. Nagsuntukan kami hanggang sa hinila ko ang kwelyo niya at sumigaw ako.

"Pakana lang lahat ni Felice ang nangyari kay Kate! Sinetup lang siya ni Felice Ace! Naintindihan mo ba?!"Sinigawan ko siya  para marining niya ng husto ang mga binitawan kong salita.

"Anong sabi mo?!" 

Binitawan ko ang pagkakahawak ko sa kanya at umayos kaming dalawa.

"Walang kasalanan si Kate sa nangyari sa Boracay. Planado lahat ni Felice. Sa simula't dulo. Ang lahat lahat." Paliwanag ko sa kanya.

"Bakit ngayon mo lang sinabi ha?! Ilang linggo na ang lumipas pero bakit ngayon lang Terrence?"Galit na galit siya. 

"Dahil pina bugbog ako ni Felice sa mga tauhan niya!Yun yung time  na nakita ko ang Video ni Felice. Hindi na ako nakabalik sayo dahil pumunta ako ng Japan. Kaya nga pumunta ako ngayon dito para sabihin sayo ang totoo at para matigil na ni Felice ang kalokohan niya!"

Magpapaliwanag pa sana ako sa kanya ng may bigla kaming narinig na putok ng isang Baril.

"Shit! Putok ng baril yon ah?" Kinukutuban ako dahil baka kay Felice galing ang putok na yon.

"Si Kate?! Nasan?" Tanong ko kay Ace. Nagpapanic ako dahil kinakabahan ako.

"Hindi ko Alam!" Sagot niya na parang nag-aalala din.

Biglang may pumasok.

"Sir Salvacion! Si Maam Kate po! Nasa 3rd Floor po ng Parking lot. Natamaan po siya ng Baril!"

"What?!!! WTF?!" Sigaw ni Ace at agad siyang tumakbo papalabas papuntang 3rd floor. Hindi na rin ako nag atubili pa. Sinundan ko si Ace at tumakbo kami ng napaka bilis upang maabotan namin si Kate.

Maya'mayay nakarating kami sa 3rd Floor Parking lot at nakita ko si Felice na hawak hawak si Kate at humingi ng saklolo. Iyak siya ng iyak.

"What have you done Felice?! Anong ginawa mo kay Kate?!. Call an Ambulance!!!! ASAP!" Napakalas na ng boses ni Ace na para bang napapaos dahil sa kakasigaw niya. Agad dumating ang mga Emergency Staff sa 3rd Floor at dali daling inilipat si Kate sa stretcher upang dalhin sa pinakamalapit na ospital.

Sasama sana si Felice pero pinigaln ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya. Niyakap niya ako.

"Terrence! I'm sorry! Hindi ko sinasadya!" Humagulgol siya sa pagiyak. Nagpapanic siya, alam kong hindi niya sinasadya ang mga nangyari. Napakahigpit ng yakap niya, hinigpitan ko rin ang pagkyakap ko sa kanya. Hindi ko nanamalayan na tumulo na rin ang luha ko.

"Terrence! Please sundan natin sila! Please! Please! Please! Terrence! Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may mangyaring masama kay Kate! Hindi ko sinasadya, Terrence help me! Look, I didn't expect it to happen, tinakot ko lang naman siya. Huhuhuh" Nagmamakaawa siya sa akin. Punong puno na ng luha ang mukha  niya at pinunasan ko ang mga ito. 

HE'S MY FIRST, SHE'S MY LAST (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon