KATE'S POV:
"Ano nga pala yung sinabi ko?" Tanong ko kay Ace. Wait. Uhm. Tangina, pumayag ba ako? Waaah.
"You just said yes." Nginitian niya ako. He smirked and pinagpatuloy niya ang pagkain niya. Aaargh.
Para tuloy akong uto-uto kasi pumayag akong sumama sa kanya. Tsk. Oo na, aaminin ko na sa sarili ko. I still loved him but hanggang dito na lang ang nararamdaman ko sa kanya. Ayokong aminin sa kanya ang nararamdaman ko ngayon.
Ayoko na maulit ang nangyari sa amin noon. Tama nga sinabi ni Irish sa akin. I just realized what she said before. Pero bakit ganun? Na realized ko na nga eh pero bakit patuloy pa ring tumitibok ang puso ko para sa kanya?
*Music Plays*
Di kita malimutan sa mga gabing nagdaan
Ikaw ang pangarap, nais kong makamtan
Sa buhay ko ay ikaw ang kahulugan
Pag-ibig ko'y walang kamatayan
Ako'y umaasang muli kang mahagkanShit! Sa lahat ba naman ng music na pinatugtog eto pa talaga? Para tuloy akong naiiyak. Tsk, hindi ko alam. Ewan. Di niya alam kung bakit ako stress. Kasi naman. Kasi...
Hindi ako maka tulog gabi-gabi.
Hindi ako makatulog dahil sa kaiisip ko sa kanya.
Tsk. Dahil hanggang ngayon umaasa pa rin naman ako. Umaasa ngunit naguguluhan na may halong takot. Takot na baka mauwi lang ang lahat sa wala.
Ikaw pa rin ang hanap nang Pusong Ligaw
Ikaw ang patutunguhan at pupuntahan
Pag-ibig mo ang hanap nang Pusong Ligaw
Mula noon, bukas at kailanman
Mula noon, bukas at kailanman
Mula noon, bukas at kailanmanHindi niya alam, na kahit kailan hindi ko siya kinalimutan dahil alam ko sa puso ko na siya pa rin. Hanggang ngayon Ace, ikaw pa rin. Kahit anong gawin kong pag ligaw sa puso ko. Ikaw pa rin ang hanap nito.
"Kate are you okay?" Napatingin ako kay Ace. Shit di ko napansin na kanina pa pala siya tingin ng tingin sa akin. Geez.
"Ha?"
"Yung pagkain mo, lalamig na." Naku! Yung pagkain ko! Emote pa more Kate. Dali dali akong kumain hanggang sa nabilaukan ako. Shit talaga!
Inabot sa akin ni Ace ang isang basong tubig at dali dali kong ininom ito hanggang sa naging okay ang pakiramdam ko.
"Salamat Ace." Sabi ko sa kanya. Mukhang nakakahalata na siya sa akin.
"May problema ka ba Kate?" Tanong niya na may halong pag-aalala.
"Uhm, wala Ace." Sagot kosa kanya habang nginunguya ko ang aking kinakain. Di ko pwede sabihin sa kanya kung anong problema ko no. Tsk. Kasi siya yung problema ko.
AYRA'S POV:
Ako si Ayra Gonzales. Ang babaeng palaban sa hamon ng buhay. Bakit palaban? Kasi nilalabanan ko ang sakit na meron ako ngayon.
Isang sakit na wala ng lunas. Ang lungkot noh? Nagkaroon nga ako ng buhay pero binigyan naman ako ng sakit. Hindi ko alam kung kailan ako mawawala sa mundo kaya inenjoy ko na lang kung ano man ang meron ako ngayon.
*Flashback*
Nakilala ko si Felice nung nasa SMC pa lang ako nag tratrabaho. Siya ang naging kaibigan ko bukod kay Kate. Pero hindi alam ni Felice ang tungkol sa sakit ko. Pumayag ako sa plano ni Felice dahil kailangan ko rin ng pera. Ginamit ko yon panmbili ng gamot. Wala na rin akong magulang at ang tanging bumubuhay sa akin ngayon ay ang aking Tita. Hindi naman gaano kayaman si Tita kaya ayokong dagdagan pa ang problema niya. Hindi ko rin sinabi sa kanya ang tungkol sa sakit ko.
BINABASA MO ANG
HE'S MY FIRST, SHE'S MY LAST (ONGOING)
Teen FictionOngoing. Copyrighted by AnonymousWon. All rights reserved 2014.