Episode Twenty Seven

142 5 3
                                    

KATE'S POV:

"Ace!" Sigaw ko sa kanya habang papalapit ako sa kinatatayuan niya. Habang papalapit ako kay Ace, nakita ko sa mga mata niya na galit na galit siya.

Bukod pa dun, nakita ko ring may hawak siyang isang papel at envelope pero hindi ko na pinansin dahil gusto kong magpaliwanag sa kanya.

"Paaaaaaak!" Nabigla ako nang sinampal ako ni Ace. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ako nakasagot.

"All this time Kate, I trusted you. You know how much I love you but what have you done?! Ano to Kate?!" Sigaw ni Ace sakin sabay hagis sa mga papel na hinawakan niya. 

Hindi ko alam kung bakit ganito ang galit niya sa akin. Hindi ko na namalayan na unti unti na palang tumutulo ang mga luha ko.

Nang makita kong nakahandusay ang mga papel sa sahig, tsaka ko na lang namalayan ang mga larawan. Mga larawan ko na may kasamang lalaki at nakayakap pa.

"Paano mo maipapaliwanag sa akin to Kate?! Oo may kasalanan ako sayo Kate pero ang buong akala ko pinatawad mo na ako. Yun pala pinaglaruan mo lang din pala ako Kate?" 

"Ace!? Please! Bigyan mo naman ako ng chance na magsalita Please. Love! Magpapaliwanag ako, hindi ko alam kung bakit--"

"Stop it Kate!". Yun na lang ang sinabi ni Ace at tuluyan na siyang umalis. Nagmamakawa ako kay Ace. Hinawakan ko mga kamay niya pero tinabig niya ang mga ito. Iyak ako ng iyak dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.

FELICE'S POV:

"Success! Ano ngayon Kate? Tuluyan ka nang iiwan ni Ace. Hahaha" Napakasaya ko sa nakita ko ngayon. Kitang kita ko kung paano nagalit si Ace kay Kate At kung paano siya nagmakaawa kay Ace para pakinggan ang mga paliwanag niya.

"Ano masaya ka na ba?" Nabigla ako ng may nagsalita sa aking likuran.Hindi ko inaasahan kung sino ang nakita ko.

"Ikaw?! Na naman?! Sinusundan mo ba talaga ako? Ha?!" Galit na sagot ko sa kanya. Ano bang problema niya?! Nakakinis siya kung nasaan ako, nandito din siya!

"Oo nga pala, Im Lev." Pakilala niya sa akin.

"Ano namang paki ko? Hindi ko tinatanong ang pangalan mo." Mataray kong sagot sa kanya at tuluyang umalis pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Ano ba?! Bitawan mo ko!"

"Itigil mo yang binabalak mo." Seryoso niyang sabi sakin. Yung mga mata niya nakatitig sakin.

"Wala kang pakialam! Bitawan mo ko sabi eh!" Sigaw ko sa kanya at pilit kong inalis ang kamay niya sa pagkakahawak.

"Pagsisisihan mo rin yan sa huli." Wala akong pakialam sa  kanya. Sakit sa ulo. Pati na rin ang Lucas na yun. Nakakinis!

---> 3 Days After

KATE'S POV:

Hindi na kami nagkausap pa ulit ni Ace. Iniwan niya ako dun sa hotel kung saan kami nag stay. Nandito ako ngayon sa office ng company niya para kausapin si siya pero wala rin siya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Napakalungkot ko ngayon. (Facepalm)

Dahil wala siya, sinubukan kong magstay sa office niya at hintayin siya buong magdamag. Eto lang ang paraan para magkausap kami ni Ace.

Ayaw rin naman kasi niyang sagutin ang mga tawag ko. Ilang beses na akong nagpaliwanag sa text, pero ni reply niya wala talaga.

Biglang may kumatok sa pintuan, dali dali kung binuksan sa pag-aakalang si Ace pero staff lang pala. Sinabihan ako na magsasarado na ang office dahil lagpas 6PM na.

"Ace, asan ka na ba? Magpakita ka naman sa akin oh". Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad ako sa kalsada.

Habang naglalakad ako, may nakita akong dalawang tao na papalapit sa akin. Habang papalapit sila, nakita ko si Ace pero may kasama siyang ibang babae.

Inakbayan pa niya ito at tiningnan niya ako ng masama, at nilagpasan lang niya ako. Ang sakit. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Agad tumulo ang aking mga luha. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig sa aking buong katawan. Ilang gabi akong walang tulog para antayin ang mga reply niya pero yun pa ang makikita ko.

ACE'S POV:

Galit na galit ako sa kanya. I trusted her with all my heart pero hindi ko alam na gagantihan lang niya pala ako. Napakasakit isipin na gawin kang tanga sa taong mahal mo.

Sobra akong nasaktan sa ginawa niya. Oo alam kong mali na hindi ko siya binigyan ng chance para magpaliwanag pero sapat na ang mga larawang yon.

Alam ko na kung ano siya ngayon. Mahal ko si Kate pero napakasakit yung ginawa niya sa akin. Kahit anong gawin ko, nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko.

After 7 days

LUCAS POV:

Hindi ko alam kung anong nagyari kay Kate, simula nang nag announce si Ace sa beach na bumalik na kami agad dito sa office, ilang araw na siyang walang kibo at napakatamlay niya.

Hindi rin siya sumasagot kapag kinakausap ko siya. Hindi ko na rin sila nakikita ni Ace na magkasama. Ano kayang nangyari sa kanilang dalawa? Hindi kaya may ginawa si Felice?

Huling nakausap ko si Felice ay yung time na pinasabihan ko na siya dahil nako konsyensa na ako sa mga pinapagawa.

Dahil may meeting akong pupuntahan, sinubukan kong puntahan si Felice sa office niya, baka sakali nandun siya at kakausapin ko siya tungkol kay Ace at kate.

Pagpasok ko sa loob, hindi ko siya nakita. Aalis na sana ako pero may naalala akong binanggit ng isang manager namin na may importanteng papeles na kunin sa office niya kaya hinahanap ko na lang sa table niya.

Habang inaarrange ko ang mga papel sa table ni Felice, may nakita akong isang CD. Hindi naman sa nakikialam ako, pero malakas ang kutob ko, para bang kinakabahan ako.

Kinuha ko ang CD at nilagay ko sa aking bag at tamang tama kakadating lang ni Felice.

"Oh? Anong ginagawa mo diyan Lucas?" 

"Ah, nandiyan ka na pala, meron sana akong itatanong sayo kaso tinawagan na ako ni Manager Lee, may kakausapin pa kaming Clients. I have to go" Sabi ko sa kanya at nagsmile lang siya sakin sabay sabi.

"Okay, Do what you want Lucas"

Natapos na rin ang meeting at agad akong umuwi para tingnan kung ano yung nasa CD. Pagdating ko sa bahay agad kong nilagay sa dvd player at nang makita ko, isang video na nasa bar.

Nakita ko si Kate na Inaakbyan ng dalawang lalake. Wala siyang malay.

"Oh, ano? Alam niyo ang gagawin niya ha? Make sure na successful ang gagawin niyo, binayaran ko kayo ng malaki kaya siguraduhin niyong hindi kayo papalpak!"

Isang boses ang nagsasalita habang kinukunan ng video si kate na walang malay. 

HE'S MY FIRST, SHE'S MY LAST (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon