Episode Thirty Eight

9 1 0
                                    

SOMEONE'S POV:

"Ready na po ang lahat Boss." Mga ilang araw na rin ang natitira at malapit na malapit ko nang makakamit ang aking matagal na pinapangarap.

"Good. Aalis na tayo 5 days from now." Nag iimpaki ako ngayon para sa gagawin kong mission na matagal ko nang inaasam asam.

Handa na ang lahat. Si Felice at Kate na lang ang kulang.

FELICE'S POV:

After sa nangyari namin ni Terrence, I told him everything that I want to go back to the Philippines. Gusto niyang samahan ako, kaya lang, He's still very busy sa Company nila at naiintindihan ko naman.

Nakapag decide na rin ako na babalik na talaga ako ng Pilipinas. Gusto kong ayusin ang lahat lahat. Gusto kong humingi ulit ng tawad kay Kate. Simula nang umalis ako, hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang ginawa ko sa kanila ni Ace.

Humingi rin ako ng tawad sa Boss ko from US dahil bgilaan ang naging desisyon ko, but He said, anytime I can go back naman daw kung gugustuhin ko. I don't know if when ako makakabalik ulit dito sa US.

Hindi rin alam nila Mommy at Daddy na uuwi ako sa bahay. Gusto ko silang i-sorpresa. Alam kong sobra na ang pag-aalala nila sa akin.

ACE'S POV:

Simula ngayon, babalik na ulit ako sa pagtratrabaho sa Company. Nakiusap si Daddy sa akin na wag ko raw pababayaan ang Company. Tama nga naman si Dad. Kelangan kong alagaan ang Companya dahil sa akin din naman ipamamana ito.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa kwarto para magbihis nang may biglang kumatok. Binuksan ko at nagulat ako dahil si Kate pala.

Tinignan ko siya habang nakatingin naman siya sa ibang direction. May inabot siya na isang box.

"Para sayo Ace." Kinuha ko ang box at tinignan ang laman nito. Isang lunchbox. Napangiti ako at hinila ko siya papasok sa loob at napa yakap siya sa akin.

"A-ce anong ginaga-wa mo?" Niyakap ko lang siya. I thought that she will push me but instead she wrapped her arms around my back at mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. Matagal ko nang gustong gawin to sa kanya. It's been a long time.

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya. I kissed her forehead.

"Thank you Kate."

"You're welcome Ace. Uhm, I need to go na, baka ma late ka pa." She smiled at me and then umalis na siya.

Masasabi kong unti unti na akong napapalapit ulit sa kanya. Sana tuloy-tuloy na to. Hindi na ako makapaghihintay na magbalikan kami ulit.

Tuluyan na akong pumasok sa kwarto at nagbihis pagkatapos ay dumeretso na ako sa Company.

KATE'S POV:

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at pinuntahan ko si Ace. Aiiish. Kakainis talaga. Wala kasi akong ginagawa kaya naisipan kong gawan siya ng Lunch. Kaya ayun, binigay ko sa kanya. (Wag ka munang pa dalos dalos Kate! Gusto mo bang maulit ang nangyari noon?) - Inner Self.

"Oo na! Oo na!" Sigaw ko sa sarili ko. Magisa lang pala ako ngayon dito sa condo dahil busy si Irish. Pagkatapos niyang ma discharge sa Ospital, bumalik siya agad sa trabaho.

Kahit anong gawin pag convince ni Paolo sa kanya na magpa hinga muna, ayaw talaga papaawat ni Irish.

LEV'S POV:

Matagal ko nang hindi nakikita ang babaeng yon ah? Yung palaging naglalasing dito sa bar. Habang iniinom ko ang aking vodka, biglang may lumapit sa akin na babae.

"Hi! Ikaw yun ah? Yung laging nagliligtas kay Felice?" Hindi ko siya maintindihan. Kaya tinanong ko siya ulit.

"Felice? Sino siya?" She laughed.

"Haha! OMG, yung palaging kasama ko noon, kaso ngayon, hindi ko na siya mahagilap." Doon ko na realize, her name was Felice pala. I see.

"Ganun ba? Kaya pala familiar ka rin sa akin. I'm Lev and you're?" Inabot ko ang kamay ko at tinanggap niya naman ito.

"I'm Ayra Gonzales."

Naging mahaba rin yung pinagusapan namin ni Ayra. Nalaman ko rin na matagal nang hindi niya nakakausap si Felice at hindi niya alam kung ano nang nangyari sa kanya. I find her interesting pa naman but I guess hanggang dito na lang yata ang pagiging interesado ko sa kanya.

Interesting rin naman si Ayra. Makulit, Madaldal at palabiro. She's different from the other girls I met here. Kaya lang, first time ko pa siyang nakilala so, as for now, I can be a good friend to her.

IRISH'S POV:

Nakakairita na siya. Kung saan ako pumupunta, nandun din siya. Sino pa nga ba? Wala namang iba kundi si Paolo. Ilang beses ko na siyang sinabihan na okay lang ako pero ayaw niyang maniwala sa akin. Tsk!

"Hey, hanggang kailan ka ba magiging body guard ko?" Siya na rin ang nag mamaneho ng kotse ko. Kagagaling lang kasi namin sa isang meeting.

"Wow! Body Guard? Hindi ba pwedeng Driver Sweet Lover mo?" Ew! Ang kapal talaga nang mukha niya. Tinaasan ko lang siya nang kilay at dumungaw na lang ako sa bintana.

"Hahaha! Pikon!" Tsk. Mas lalo lang akong nairita sa kanya. Grr. I hate this feeling. Para talaga siyang aso, buntot ng buntot sa akin.

"Irish, kailan mo ba ako sasagutin?" Nagulat ako sa tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Ang kapal ng mukha niya, ni hindi nga siya nanliligaw sa akin tapos sasagtuin ko siya? Tsk.

"Haha! Ang kapal mo Paolo. Hindi ka nga nanliligaw sa akin tapos sasagutin kita? Nagpapatawa ka ba?" Bigla niyang hininto ang sasakyan at pinark niya ito.

"Bakit mo hininto ang sasakyan?" Tinignan niya ako. Napaka seryoso niya. Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Napakalapit, umatras ako hanggang sa nakasandal na ako sa bintana ng kotse dahil sa sobrang lapit niya.

"Gusto mong totohanin ko?" At nag smirk siya. Pagkatapos ng ginawa niya ay pinaandar niya ulit ang sasakyan. Hindi tuloy ako nakapagsalita dahil nagulat ako sa sagot niya.

I feel awkward kaya tumahimik na lang ako. Hindi ako nagsasaltia hanggang sa...

Tumunog ang tiyan ko. Bwesit! Pinilit kong takpan tong tiyan ko kanina eh dahil gutom na gutom na talaga ako. Tinignan ko si Paolo at halatang nagpipigil siya sa pagtawa.

"Subukan mong tumawa! At lagot ka sa akin." Hindi siya umimik pero halatang halata na natatawa na talaga siya.

"Hahaha! I'm sorry Irish. Di ko talaga mapigilan eh. Don't worry, kakain tayo." Nakangiting sabi niya sabay kindat pa. Geesh. Ewan ko sa kanya. Tsk.

ACE'S POV:

Pagdating ko sa office ay agad akong nagpatawag ng Emergency Meeting. Lahat ng reports hiningi ko sa mga staff at isa isa kong nireview. So far okay naman.

Masaya ako dahil stable pa rin ang Company. Mabuti na lang talaga at todo effort ang aming empleyado sa pagpapalago ng Companya. Hindi ko hahayaang masira ang aking soon to be Company.

Dahil malapit na ring mag anniversary ang company, isa sa aming staff ay nagpropose ng Team Building Party na gaganapin sa isang White beach sa Ilo-Ilo.

"I like your idea, please submit your final application for approval." Tumayo ako at tinapos ko na ang meeting. By next week na rin yung Anniversary. Tamang tama, isasama ko Kate.





HE'S MY FIRST, SHE'S MY LAST (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon