Episode Eleven

242 26 4
                                    

A/N: Waaaaah. Sooory guys may nakalimutan akong paragraph sa episode TEN! Tsk. You can read it back. Yun yung part kung saan nalaman ni Ace na umalis si Kate. Medjo na shortcut ko kasi dun pero nainsert ko na yung paragraph dun . Hope you read it. Mwaaaaah! And anyways thanks a lot po sa mga nagbabasa although my typoerrors pa rin. Tsk tsk tsk!

Please don't forget to vote and comment po. weeeeeew!!!

~~AnonymousWon

ACE'S POV:

It's been 1 week simula ng nagkita sina Dylan at Clarrise. Fortunately, di natuloy yung marriage namin dahil nagbackout na si Clarrise. Walang magawa yung papa ni Clarrise kundi tanggapin si Dylan. And guess what? Ikakasal na sila. 

Si Papa, wala na rin siyang nagawa. Pero still nakikipag deal pa rin yung papa n Clarrise sa kanya. Nagsorry din si Papa sakin dahil kung hindi dahil sa marriage na yun hindi daw sana kami maghihiwalay ni Kate. Gusto sana ni Papa makita din si Kate. Pero until now di ko parin siya matagpuan. 

Nasaan ka na ba Kate? Bakit iniwan mo ko kaagad? Hindi ko naman siya masisisi sa nagawa ko sa kanya. I deserve this. Kasalanan ko naman lahat eh. Kung makita man kita Kate ikaw na ang pinakahuling babaeng mamahalin ko habang buhay at hinding hindi na kita pakakawalan pa.

Kakatapos lang ng appointment ko sa aking bagong client. Andito ako sa isang restaurant. Habang tinatapos ko yung mga ginagawa ko, may napansin akong isang babae sa isang table. Mag-isa lang siya. Hindi ko inalis yung mata ko sa kanya but she's very familiar to me.

Nang lumingon siya sa akin, hindi ko naalis yung tingin ko sa kanya. She's my Mom. Mommy Yen. Parang gusto kong magwala dun at puntahan ko kaagad siya pero parang may pumipigil. Yung galit ko noon sa kanya, unti unti nawawala nang makita ko siya ulit. Na miss na kita ng husto Mommy Yen kung alam mo lang. Umiwas siya ng tingin, tumayo siya, at pumunta sa labas. Hindi na ba niya ako naalala? I know bata pa lang ako noon pero bakit hindi niya ako namukhaan?

Sinundan ko siya. Gusto ko siyang makausap. Gusto kong tanungin kung anong nangyari sa kanila ni papa at bakit niya kami iniwan. Gusto kong malaman lahat lahat!

Nakasunod lang ako sa kanya. Mukhang hindi naman niya nahalata na nakasunod ako sa kotse niya. Habang sinusundan ko siya, huminto yung sasakyan niya. Napakalaki ng bahay sa tapat ng kotse. Dito ba siya nakatira? Lumabas na siya at dali dali rin akong lumabas.

"Hello Po. Excuse me po." Tawag ko sa kanya. Lumingon siya sakin. Nagtaka siya.

"Sinusundan mo bya ako? May I know you?" Sagot niya sa akin. Impossibleng di niya ako makilala. Ako ang anak niya! Tumalikod siya.

"Mommy Yen. Di mo na ba talaga ako nakilala? Bakit mo kami iniwan ni Daddy?" Di siya nakasagot. Humarap siya sa akin at nilapitan niya ako at niyakap niya ako. Umiiyak siya. Kilala ng niya ako pero bakit dinideny nya? Ang sakit isipin.

"I'm sorry Ace. Ang inang katulad ko kailanman hindi makakalimutan ang anak niya. Patawarin mo ako kung iniwan man kita noon. Bata ka pa lang noon kaya hindi mo pa maiintidihan ang lahat. But now, you are already grown my child." Paliwanag niya habang umiiyak siya. Napakahigpit ng yakap ni Mommy sakin. Sobra akong natuwa dahil nakilala niya talaga ako at hindi niya ako nalimutan.

Bumitaw siya sa pagyakap. Pinapasok niya ako. Mukhang mahaba yung kwentuhan namin ngayon. Ang laki pala ng bahay ni Mommy Yen, I'm wondering if nagkaanak ba siya sa lalaking kinasama niya ngayon. Noong una oo galit na galit kao kay mommy, pero nang makilala ko si Kate bigla akong nagbago. naisip ko na hindi habang buhay itatago mo ang galit mo sa isang tao.

Naalala ko yung mga times na sinasabihan ako ni Kate. Yung mga oras na chinecheerup niya ako. Nung time na hindi pa niya alam na gusto ko siya. Kaya simula noon, naisip ko si Mommy Yen, yung times na andun kami sa resort nung tinanong niya ako kay Mommy Yen, hindi ko siya nasagot agad dahil nahihiya ako na eopen up sa kanya.But now hindi na Kate, thanks to you.

HE'S MY FIRST, SHE'S MY LAST (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon