Episode Twenty Six

100 5 1
                                    

KATE'S POV:

"Teka?! Nasaan ako?! Ba't wala akong damit?!" Eto ang mga salitang lumalabas saking bibig pag gising ko. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa kwartong ito at walang saplot.

Ang tangi kong naalala ay yung magkasama kami ni Felice. Pero bakit?! Nasaan ba siya? Agad tumulo ang luha ko dahil hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag ko kay Ace.

Binalot ko ang sarili ko ng kumot at nakita kong naagkalat ang aking mga damit. Agad ko itong pinulot at dali dali kung sinoot at agad na lumabas.

FELICE'S POV:

Umaga pa lang ay tanggap ko na agad ang mga pictures na kinuha ng hinire ko kagabi. Syempre malaki ang binayad ko kaya napakabilis din ng processo.

Hindi katulad ni Terrence, ang daming satsat sa mga pinapagawa ko sa kanya. Nakakainis. Anyway, hindi lang naman si Kate ang biniktima ko kagabi. Kundi pati si Ace rin. (Evil Smile)

**Flashback**

Pagkalabas ko ng bar, tatawagan ko sana si Ace pero naunahan niya ako. Syempre wala akong sinabi sa kanya tungkol kay Kate. 

"Felice? Matanong ko lang kung nasaan na ba si Kate?" Pag-aalalang tanong ni Ace habang ako nakasimangot naman.

"Ah, Ace? Hinanap ko din si Kate kasi nawawla siya eh, pero wag kang mag-alala makikita ko din siya, sasabihin ko na lang sayo kapag nahanap ko na siya ha?" Paliwanag ko kay Ace.

"Ha?! Ano?! Paanong nawala? Pupuntahan ko kayo diyan!" Yun na lang ang sinabi niya at agad pinatay yung call.

After mga ilang minuto ay nakarating na si Ace at ako naman todo iyak kunwari nag-aalala na nawawala si Kate, yun pala ay may binabalak akong iba.

Nang makita kong papalapit si Ace sakin ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Felice? Ano bang nagyayari? Nasaan na ba si Kate?" Diretsong tanong ni Ace sa akin. Hindi muna ako umimik at kunwaring umiiyak. 

"Hindi ko siya mahanap Ace. Saglit lang akong nagpunta ng CR, may kasama pa nga kami kanina eh. Pero hindi ko na rin nakita pagbalik ko." Paliwanag ko kay Ace with todo crying talaga.

Hindi naka imik si Ace ng marinig niya ang sinabi kong may kasama kami kanina. Kitang kita ko sa mata niya na galit. 

"Paanong may kasama kayo?!Akala ko ba kayo lang dalawa?!" Galit na tanong niya sa akin. Nandito kami sa loob ng bar at hinahanap namin ang punyetang si Kate.

Halos 3 hours na kaming naghahanap pero wala talagang Kate kaya napagisipan kong  itigil na ang paghahanap. Gusto ko nang umuwi pero ayaw talaga magpaawat ni Ace kaya ang ginawa ko ay umuwi nalang ako at inwian siya doon.

**End of Flashback**

"Hahaha! Ang tatanga niyo talaga! Ano kaya ang magiging reaction ni Ace sa makikita niya ngayon?" Sabi ko sa sarili ko habang nakahiga.

ACE'S POV:

Umaga na pero wala pa rin akong nakikitang Kate. Lintik! Hindi ko siya mahanap. Hindi rin siya tumawag?! F#$$ck!

Nangagalaiti na talaga ako sa galit ngayon. Sobra na ang pag-aalala ko kay Kate at halos wala na akong tulog para mahanap siya pero ni anino niya wala!

Palabas na sana ako ng kwarto para hanapin siya ng may nakita akong isang brown envelope sa front door. Kinuha ko ito at binuksan.

Nakita ko ang mga Pictures ni Kate na may kayakap na lalaki at may isang picture din na dinala siya sa isang room.

HE'S MY FIRST, SHE'S MY LAST (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon