KATE'S POV:
Pagkatapos ng event na pinuntahan namin ni Irish ay agad kaming dumeretso sa Restaurant kung saan naman makikipag kita si Paolo sa kanya.
"Hmm, Irish, bakit kaya makikipag meeting si Paolo sayo? I'm sure na makikipag date siya sayo, wag na lang kaya ako sumama?" Sinimulan ko na naman ang pang aasar sa kanya.
"Subukan mong mag backout at lilintikan ka talaga sa akin!" Sagot niya sa akin habang naka simangot. Hindi maipinta yung mukha niya kapag si Paolo na yung topic. Hahaha
"OMG! Nakakatakot na yung mukha mo girl." Asar ko ulit sa kanya hanggang sa sinamaan niya ako nang tingin na para na akong kakainin ng buhay kaya tumigil na ako. Haha. Peace Irish.
After 20 minutes ay nakarating na kami sa Restaurant. Pagpasok namin sa loob nagulat ako nang makita so Ace. WTF?
Ganun din siya, gulat na gulat. Hindi niya maalis ang tingin niya sa akin habang papalapit kami ni Irish sa table na kinauupuan nila. Shit! Hindi ako makatingin sa kanya nang deretso!
Napaka awkward naman nito. At si Irish naman, seryoso niyang tinignan si Paolo. Kulang na lang sasakalin niya si Paolo eh.
Habang papalapit kami, tumayo si Paolo at lumapit siya kay Irish. Hinawakan niya ang kamay ni Irish at hinila ito papalabas. WTF Paolo?! Is this a setup?!
"Irish?!Ano to ha?!" Nagulat si Irish sa tanong ko. Para siyang walang ka alam alam sa pangyayari.
"Anong ano Kate? Di kita maintindihan!" Sagot niya.
"Hep, hep. Tama na muna yan. Aalis muna kami ni Irish Kate ha? Nakalimutan ko, hindi pala ito yung restaurant kung saan kami dapat maguusap eh. Ah! Ace, ikaw na bahala kay Kate! Bye!" Napaka walang hiya mo talaga Paolo! Aaaargh!
"Kate?" Shit! Hindi ako maka tingin nang deretso kay Ace!
Tumayo siya at lumapit sakin. Niyakap niya ako. Ooooomy! Biglang nag init ang buong katawan ko at hindi ako makagalaw. WTF!
Bakit ganito yung nararamdaman ko? Guilty ba ako? Or nakokonsyensa ba ako dahil sa ginawa ko sa kanyang pag ignore nung nasa ospital pa ako?
Aaargh! Wala akong maisip na ibang dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon! Shit Ace. This is too awkward!
I tried to push him away dahil nahihiya ako sa mga tao na nagtitinginan. But he's too strong to let go. Hinigpitan niya lang ang pagkayakap niya sa akin sabay sabi nang...
"Na mi-miss na kita. Sobra. Hayaan mo muna akong gawin to please?" Hindi ko siya sinagot. Hindi ko naman kasi alam kung anong isasagot ko eh.
Bumitaw siya at tinignan niya ako sa mata. Nag smile siya sa akin at pinaupo niya ako.
Ang weird lang kasi, hindi ko alam. Ewan ko, hindi ako mapakali sa nararamdaman ko. Para akong sasabog sa di malamang dahilan. Haaays!
ACE'S POV:
Hindi ko inexpect na si Kate pala ang makikita ko sa gabing ito. Ang saya saya ko. Mas lalo siyang gumanda ngayon.
Hindi maalis ang mga mata ko sa kanya dahil na mi-miss ko na siya nang sobra. Nararamdaman ko na naiilang siya sa akin ngayon pero wala akong pakialam.
BINABASA MO ANG
HE'S MY FIRST, SHE'S MY LAST (ONGOING)
Подростковая литератураOngoing. Copyrighted by AnonymousWon. All rights reserved 2014.