SOMEONE'S POV:
--->Kinabukasan
Nandito siya ngayon sa condo ko. Di ko naman kase alam kung saan siya nakatira. Nakita ko lang naman siya sa Bar na hilong hilo na naglalakad kaya tinulungan ko siya.
Ano kaya pangalan ng babaeng ito. Curious tuloy ako sa kanya. 2 years na rin nung naghiwalay kami ng babeng pinakagusto ko noon. Kasalanan ko naman ang lahat kung bakit kami naghiwalay at pinagsisihan ko ang nangayri.
Pero ang isang bagay lang ang hindi ko pa nagawa. Yung kausapin ko siya at para humingi ng tawad. Hindi para bumalik sa kanya. Alam ko na mang wala na akong babalikan pa sa kanya.
Ang tanging gusto ko lang ay mapatawad niya ako. Simula kasing naghiwalay kami, bigla na lang siyang nawala kaya nga nung nakita ko siya para kausapin sana siya, hindi nangyari dahil bigla akong sinuntok ng isang lalaki.
Simula noon, pinupuntahan ko ang iba't ibang Bar dito para lang makita ko siya ulit pero wala pa rin eh.
"Sino ka?! Bakit ako nandito? Aa--ray! " Gising na pala siya. Bigla akong napalapit sa kanya ng bigla siyang napahawak sa kanyang ulo. Hinawakan ko ang ulo niya ta bigla siyang napatitig sa akin at ganun din ako.
Naging tahimik lang ang paligid namin ng bigla niya akong tinulak dahil malapit ang mukha namin sa isa't isa. Inaamin ko ang ganda ganda niya. Parang may kakaiba din sa kanya. Hindi ko alam pero basta.
"Lumayo ka nga! Bakit ba ako nandito ha? Ang sakit ng ulo ko bwesit." Galit na sabi niya sakin.
"Pa inum inum ka kasi, di mo na naman pala kaya." Sabi ko sa kanya tapos umiiling iling ako. Tiningnan niya ako ng masama. Ang cute niya.
"Like the hell you care ba!? Wala kang pakialam." Pagtataray niya sa akin. Tsk. Maganda nga siya ang suplada naman. But I like the way she talk to me, parang na cha-challenge ako ah.
"Sayang ganda mo, kung suplada ka." Sagot ko na naman sa kanya. Inirapan niya lang ako at tumayo siya sa kama at bigla na naman siyang nahilo kaya napatayo ako at hinawakan ko na naman siya.
"Tigas kasi ng ulo mo. Magpahinga ka muna kasi." Sabi ko sa kanya. Hindi na lang siya umimik sakin at inalalayan ko siya papalabas ng kwarto at dinala ko siya sa kusina kung saan nakahanda ang isang mainit na sabaw para sa kanya.
"Ayan, inumin mo ang sabaw na yan para mawala yang hang over mo." Sabi ko sa kanya. Nakaharap kasi ako sa kanya habang hinihigop niya ang mainit na sabaw.
"Alam mo? Kahit di mo ko kilala, tinulungan mo pa rin ako. Thank You ha? At sorry sa pagtataray ko." Sabi niya sa akin. Himala at naging bumait siya. Pero okay na din yun, may good side din pala tong babaeng to. Mas lalo siyang gumanda nang makita ko siyang ngumiti sa harap ko.
ACE'S POV:
Maaga akong gumising dahil susunduin ko ang babaeng mahal ko. Walang iba kundi si Kate. si Love ko. Habang nagdadrive ako, hindi ko inisip na magugustuhan niya si Felice. Siguro nga, hindi ko na lang sasabihin kung ano yung naging relasyon namin ni Felice noon. Matagal na din yun eh.
Isa pa, nagbago na rin si Felice, nakikita ko sa mga mata niya. Yung paghingi niya ng tawad sa akin. Alam ko naman na totoo yun.
"Good Morning Love! *Tsupp*" Bati ko kay Kate. Nabigla siya dahil ang aga-aga ko daw. Syempre gusto ko siyang makita.
"Ang aga mo Love ha? Miss mo na ako kaagad? Haha" Biro niya sa akin. Buti naman at alam niya na namiss ko siya. Haha.
"Alam na alam mo Love ah?" Sagot ko rin sa kanya habang nakangiti ng malapad sa harap niya.
BINABASA MO ANG
HE'S MY FIRST, SHE'S MY LAST (ONGOING)
Teen FictionOngoing. Copyrighted by AnonymousWon. All rights reserved 2014.