Episode Twenty

188 22 4
                                    

KATE'S POV:

Kakarating lang namin sa bahay at sinalubong kami agad ni Tita Yen at Tito Red. Na miss ko talaga sila, matagal na rin hindi kami nagkasama simula nang bumalik na ako sa trabaho.

"Hi Kate! I miss you! *Tsupp*" Bati sakin ni Tita Yen habang papasok kami sa loob ng bahay. Ganun din kay Ace. Dumeretso na kami sa dining table.

Namalayan kong tahimik si Tito Red. Parang may malalim na iniisip pero inignore ko na lang baka kasi guni-guni ko lang. Baka iba yung iniisip niya baka sa business lang.

"By the way Dad, may sasabihin ka kay Kate diba?" Biglang nagsalita si Tita Yen kay Tito habang kumakain kami. Nagtaka tuloy ako. Ano ba yung sasabihin ni Tito sa akin?

"Meron akong sasabihin sayo Kate. I guess this is the time para malaman mo ang katotohanan." Paliwang ni Tito Red sa akin. Hindi ako nakasagot agad. Huminga ako ng malalim tsaka ako nagsalita ulit.

"A--no po yun Tito?" Nauutal kong sabi kay Tito. Kinakabahan talaga ako kung ano sasabihin niya. Wala kasi akong maisip kung ano kung tungkol ba sa parents ko o kung anong bagay man iyan.

Naging tahimik ang paligid at tiningnan ko si Ace. Nagsmile lang siya sa akin and then he hold my hand and he enter-twined his fingers kaya mas naging comfortable ako.

"May Kakambal ka Kate." Nagulat ako. Tama bang narinig ko? May kambal ako? Nasaan ba siya? Kamukhang kamukha ko ba talaga siya?? Ang daming lumalabas sa isip ko ngayon pati si Ace nagulat din ng malaman niya.

"Ti--to, tama bang narinig ko?" Tanong ko kay Tito tapos biglang tumulo ang luha ko. Hindi ako nakadama ng galit, nakadama ako ng saya. As in sobrang saya ko dahil may kapatid pala ako. Biglang nasagi sa isip ko si Felice.

"Anong pangalan niya Tito?" Tanong ko sa kanya. Kung Felice man yan matutuwa talaga ako. Dahil unang kita ko pa lang sa kanya, gustong gusto ko na talaga siya maging kapatid eh. Ewan ko basta magaan talaga ang loob ko sa kanya.

"Siya si Cathy Kate" Sagot sakin ni Tito. Lumapit sa akin si Tito at niyakap niya ako. Iba pala ang pangalan niya akala ko si Felice. Parang nakaramdam ako ng konting kirot pero okay lang. Masaya ako na malaman ko may Kambal ako.

"Kate, patawarin mo ako kung ngayon ko lang nasabi sayo ha? Hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sayo dahil natatakot ako baka magalit ka." Paliwanag sakin ni Tito. Hindi niya kelangan humingi ng tawad dahil mahal na mahal ko sila ni Tita. Sila ang tumayo bilang mga magulang ko nung nawala ang mga parents ko.

"No Tito, wala kang dapat ihingi ng tawad sa akin. Sa totoo nga ang saya ko ng malaman ko may kakambal ako. Kamukha ko ba siya Tito?" Tanong ko sa kanya. Kumalas na siya sa pagkayakap sa akin at bumalik sa kanyang upuan.

"Fraternal Twins kayo ng ipananganak kayo ng nanay mo iha, kaya hindi ako sigurado kung magkamukha talaga kayo pero nasisigurado ko may mga similarities sa physical niyong anyo." Paliwanag sa akin ni Tito. Fraternal twins pala kami so ibig sabihin, hindi 100% na magkapareho talaga kami ng mukha. At isa pa, rare lang sa same sex yung fraternal twins. Mostly sa Fraternal twins ay opposite sex.

"Ah, ganun po ba Tito, Okay lang po alam niyo excited na excited tuloy ako makita siya. Saan po ba siya ngayon?" Tanong ko ulit kay Tito.

"Matagal na siyang nawala Kate. 2 years old pa lang nang mawala siya sa akin Kate. Patawarin mo ako, hindi ako naging mabuting Ama sa kanya." Paliwanag ni Tito sa akin. Kinwento niya sa akin ang lahat lahat.

Natapos din ang dinner namin na napakasaya. Kwentuhan kami dito, kwentuhan doon. Grabe ang saya saya ko ngayon.  Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Pati si Ace, masaya siya para sa akin. Wala na akong mahihiling pa.

HE'S MY FIRST, SHE'S MY LAST (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon