Episode Twenty Eight

21 1 0
                                    

LUCAS POV (CONTINUATION):

Nagsisisi ako sa ginawa ko kay Kate. Nasaktan ako para kay Kate dahil tinulungan ko si Felice sa mga balak niya laban kay Kate.

Mabait na tao si Kate kaya nako-konsyensa talaga ako. Ang tanga ko dahil ang tagal kung na realize na mali ako. Bakit pa kasi ako nakipag sabwatan kay Felice, alam kong hindi rin naman niya ako gusto at hinding hindi niya ako magugustuhan.

~FLASHBACK~

"Felice alam mong gusto kita kaya ko to ginagawa."

"Kaya nga gawin mo pinapagawa ko! Ang swerte mo na nga sa akin dahil aside sa binabayaran kita, sasagutin pa kita kapag nagtagumpay ka sa ipapagawa ko sayo!"

~END OF FLASHBACK~

Yun yung time na yon na pinagsabihan ko siya sa boracay. Dun ko na realize na ginagamit niya lang talaga ako. 

Alam ko na siya ang gumawa sa video na yon. Mabuti at na record yung boses niya, dahil kung hindi, malamang hindi ko malalaman na siya ang may pakana nito.

Ayoko ng ipagpatuloy pa ang aking pagpapangap, itatama ko na lahat ng kamalian ko, sasabihin ko kay Ace at Kate ang totoo.

FELICE'S POV:

Hindi ko mahanap ang CD! Nakaka bwesit! Nandito lang yon eh. Kanina ko pa hinahanap ang CD na may lamang video ni Kate!

Kapag may nakakita nun, magiging useless lahat ng sakripisyo ko! Nakaasar! Habang patuloy ako sa pag hahanap ng CD, bigla kong naalala si Lucas.

"Tama!" Sabi ko sa sarili ko.

Si Lucas lang naman ang huling tao na pumasok sa room ko. Malamang alam na niya kung ano ang ginawa ko ay Kate. 

"Tsk, subukan mong magsumbong Lucas. Alam mo na mangyayari sayo." 

Hindi ako nagdalawang isip na tawagin ang aking mga hired agents. Inutusan ko sila na dakpin si Lucas sa lalong madaling panahon at dalhin dun sa Resthouse ko.

"Kailangan maunahan kita Lucas. Hindi ako papayag na sisirain mo ang plano ko."


ACE'S POV:

Kitang kita ko ang lungkot ni Kate habang nakita niya ako na may kasamang ibang babae. Kahit galit na galit ako sa kanya, nakaramdam ako ng lungkot. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kalungkutan sa aking puso.

Siguro dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Gusto ko siyang kalimutan, na realize ko sa sarili ko na, wala talagang magandang idudulot ang pagmamahal.

Pinagsisisihan ko na minahal kita Kate.

Nandito ako ngayon sa condo. Magshoshower na sana ako ng biglang nag ring ang doorbell. Pagbukas ko, si Felice ang nakita ko.

"What are you doing here Felice?" Tanong ko sa kanya. Seryoso ang mukha niya. Pinapasok ko siya sa loob.

"Ace, I need to tell you something." Pinaupo ko siya sa sofa at tiningnan ko siya. Ano kaya ang sasabihin niya? Tungkol kaya kay Kate? 

"Tungkol ba to kay Kate? Kung tungkol sa kanya, ma-aari ka ng umalis. Ayokong pag-usapan si Kate, kaya you can leave now Fel--".

"Its about Terrence Lucas, Ace." 

"I'm sorry dahil hindi ko nasabi agad sayo, recently ko lang din nalaman na, matagal ka nang niloloko ni Kate at Terrence." Biglang nag init ang ulo ko sa nalaman ko kay Felice.

HE'S MY FIRST, SHE'S MY LAST (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon