Episode Eight

259 29 0
                                    

A/N: Weeeeee.. ito na episode eight readers. Hope you like it. Hmmm parang may nasesense ako kay Irish at Paolo waaaaah. Baka may sequel din sila hihih xD. Abangan niyo na lang..

~~AnonymousWon

KATE'S POV:

Andito na ako ngayon sa kwarto. Nakakainis naman ang lungkot lungkot ko. Bigla kong naalala si Irish. OMG! Kumusta na kaya si Irish? Na miss ko na ang babaeng yun. Tiningnan ko yung phone ko kung anong araw ngayun at date. Haha. Nakakalimutan ko yata kung anong date na eh. Kainis nabusy kay Ace? Haha

Saturday nga pala ngayun so walang pasok si Irish ngayun. Alam ko nagtatampo na yun sakin. Di ko kase siya natawagan fast few days. Tinawagan ko agad si Irish im sure maaga yung nagising.

*Riiiiing, Riiiiiiing. Riiiiiiiiing, Riiiiiiiiiiing*

Bakit ayaw sumagot ni Irish? Ano kaya nangyari dun. 5 times ako nag miscall ah pero wala man lang akong natanggap na text. Nag-aalala tuloy ako. Binuksan ko yung laptop ko. Inopen ko yun Facebook ko at skype, hindi din siya online? Ano ba nangyari sa kanya? Naglogout nalang ako. SIguro mamaya mag titext din yun. Aantayin ko na lang.

Humiga ako ulit sa kama. Nagugutom na ako. Naisipan ko na lang manood ng TV. Maaga pa naman eh, wala ring meeting nakakasawa naman magstay dito. Sana photoshoot na. Bubuksan ko na sana yung tv nang biglang may knock ng pinto. Tiningnan ko kung sino. Si Paolo pala. Binuksan ko at pinapasok ko siya.

"Hello Kate Goodmorning, kumusta ka na?" Bati sakin ni Paolo.

"Hi Paolo, okay lang. ikaw kumusta ka na? Tagal din kitang hindi nakita." Matagal ko na ring hindi siya nakita simula nung nahimatay ako sa elevator. Simula noon ni anino niya di ko na nakita. Siguro may business siya inatupag kaya naging busy.

"Ahh, oo. eh kasi umalis ako sa ibang bansa may business proposal kasi dun kaya nawala ako bigla talaga." Paliwanag niya sakin. Kaya pala. Bigatin talaga sila noh. Kilalang tao kasi hehe.

"Ah. Hehe kaya pala. Ay oo nga pala sinabi naba ni Ace sayo yung tungko--" Di na ako nakatapos ng salita ng bigla siyang nagsalita ulit.

"Na kayo ng dalawa? Oo alam ko na Kate sinabi niya kanina. By the way congrats, mukhang nahulog yata ang loob ng bestfriend ko sayo. Hehe" Sabi niya sakin. Natuwa ako ng malaman ko na sinabi pala ni Ace, ibig sabihin hindi niya ako kinahiya hehe. Kakilig ka talaga Ace. Hmp!

"Salamat Paolo. Eh ikaw ba? May girlfriend ka na rin ba?" Bigla kong natanong sa kanya. Matagal din siya sumagot.

"Ahh, ang totoo niyan Kate, wala pa pero may isang babae na gustong gusto ko" Seryoso niyang sabi. Napaka mysterious niya. Haha. Natawa na lang ako.

"Naku. Ligawan mo na yan baka makuha pa ng iba, sayang naman." Pangaasar ko sa kanya. Ngumiti na lang siya. Hindi naman mahirap mahalin si Paolo. Katulad din ni Ace, gwapo siya, hot, maputi, chinito din. Nasa kanya din ang lahat kumabaga sa kanta ni Daniel Padilla (Nasayo na ang lahat) Haha. Pero ewan ko ba kay Ace ako tinamaan eh. Bigla ko naalala yung usapan nila kanina.

"Ay oo nga pala, ano pala pinagusapan nyo ni Ace kanina?" Tanong ko sa kanya. Curious lang kasi ako para kase napaka seryoso nilang dalawa kanina eh.

"Ah. Yun ba? Oo yun ang pinunta ko dito. Tungkol yun sa photoshoot. Okay lang ba sayo na Monday na tayo magstart?" Tanong niya sakin. Oo nga mas mabuti monday na magstart total okay na naman ako eh.

"Oo. Naman okay yun nababagot na rin ako dito. Hehe. Okay na rin ako" Sagot ko sa kanya.

"That's good. Well, kokontakin ko na si Maam Nancy para maka punta na sila agad dito" Nabigla ako sa sinabi niya. Sina Maam Nancy? Ibig sabihin makakapunta si Irish dito? Waaaaah. Ang saya ko! Makikita ko ulit bestfriend ko! Miss na miss ko na yun. Tiningnan ko phone ko di pa rin siya tumatawag. :(

HE'S MY FIRST, SHE'S MY LAST (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon