A/N: Okay eto na po yung update! Sana magustuhan niyo!
Please don't forget to vote and comment po! =))
Salamat sa lahat ng nagreads!
I would like to dedicate this tory to micasrentik
~~AnonymousWon
KATE'S POV:
Hinahalikan ako ni Ace ngayon. OMG. Di ko alam anong gagawin. Bakit ba ako nagreresponse sa mga halik niya. Nakakainis na talaga to.!
We are still kissing. A passionate kiss. He's staring to hug me until kumawala ako sa halik niya. Tinulak ko siya papalayo sa akin.
"Pwede ba Ace? Di mo ko madadaan sa mga halik mo." Ewan ko ba at bakit ba nagreresponse ako. Hindi ko naman gusto to eh. Pero siya naman kasi. Nalilito na ako!
Tumayo ako at tinalikuran ko siya hanggang sa nagsalita siya.
"Mahal mo pa ba rin ako Kate?" Seryosong tanong niya sa akin. Napatigil ako. Kinabahan ako. Yung puso ko, tumitibok ng napakalakas na tila ba ako lang ang nakakarinig.
Hindi ako makasagot sa kanya. Hindi ko rin siya nilingon. Nalilito pa rin ako kung mahal ko pa rin ba siya. Ewan ko basta hindi ko pa alam.
Tuluyan na akong umalis at pumunta ako sa kwarto. Iniwan ko siya sa sofa. Hindi ko talaga siya nilingon hanggang sa nakapasok na ako sa loob at umiyak ako ng umiyak.
Nasa pintuan ako at umupo. Bakit pa ako nainlove sa kanya? Sana sa iba ko nalang binali yung attensyon ko pero kahit kailan di ko magawa.
"Oo. Ace, mahal na mahal pa rin kita, kahit na sinaktan mo ako. Hinding hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko sayo." Yun na lang ang nasabi ko sa sarili ko habang umiiyak ako.
Oo. I still love him. Hindi ko na kaya itago eh. Kainis. Siya lang naman ang unang lalaking bumihag sa puso ko eh. HE'S MY FIRST boyfriend and the one who first broke my heart! Pero kahit ginawa niya yun, bakit siya pa rin?! Kainis ka LOVE!
Pero sabi nga nila everyone deserves to have a second chance daw. Pero hindi ko alam kung deserving ba si Ace. Ewan ko. Gusto ko rin naman malaman kung ano talaga ang reason nya kung bakit niya ako iniwan bigla noon. Kung bakit niya sinabi na hindi naman niya ako minahal.
Alam kong alam niya na iniiwasan ko siya. Sinasadya ko naman talagang iwasan siya para di niya ako makausap at para di ko na rin marinig yung mga explanation niya pero parang gusto kong marinig ulit.
Para bang gusto kong bigyan siya ng isa pang pagkakataon. Susubukan ko kaya? Kung hindi ko to gagawin, baka pagsisihan ko rin sa huli. LOVE nga naman oh. Ginagawa ka talagang TANGA. Totoo naman eh. >.<
Pinahid ko na ang mga luha ko. Tumayo na ako at humiga ako sa kama. Ayokong lumabas kasi. Bukod sa nahihiya ako sa nangyari kanina, naiilang rin akong makita si Ace.
Pero paano to, eh magkasama kami sa iisang room. Kahit naman mukhang bahay ang room na to, still masikip pa rin sa aming dalawa. Gusto ko nang umuwi tuloy. Pero tsaka na kapag malaman ko na ang reason ni Ace.
Nakatanaw lang ako sa kisame, again unti unti na namang bumabalik yung mga moments namin dito ni Ace noon. Mygaaaaaad. Nakakinis naman to oh. Parati na lang akong naiinis.
Tinignan ko yung oras, 10:00 PM na. Tae, nagugutom na ako. Kape lang naman yung ininum ko kaninag umaga eh. Badtrip talaga to kainis.
Habang patuloy ako sa aking ginagawa, kuamtok si Ace sa pinto. Mygaad anong gagawin ko? Dali dali kong kinuha yung kumot at tinago ko sarili ko. Nagtutulog tulgoan effect na lang ako. Pumasok na siya. Naku ayan na. Galingan mo pag act mo Kate nang hindi ka mahalata.
BINABASA MO ANG
HE'S MY FIRST, SHE'S MY LAST (ONGOING)
Teen FictionOngoing. Copyrighted by AnonymousWon. All rights reserved 2014.