2 Weeks After...
KATE'S POV:
Nagulat ang lahat sa aking pagbabalik.
"Good Morning Everyone!Sorry, I am late. By the way, what's the topic for today?"
Biglang nagsitayuan ang mga tao sa Conference Room at binati nila ako maliban lang sa isang tao na expected ko nang makikita. Si Ace Salvacion ng SMC. Oo nga pala, nasa SMC ulit ako. Simula nang nagusap kami ni Tita Yen, dito na ulit ako mag tratrabaho.
"Kate? You're not supposed to be here" Gulat na gulat siya ng makita niya ako. Hindi ba nasabi sa kanya ni Tita? Well, I don't care. Isa na ako ngayon sa Marketing Supervisor ng Company.
"What are you talking Mr. Ace? Hindi mo alam? Ako ang pumalit sa dati niyong Marketing Supervisor. Can we continue now?" Hindi siya nakapag salita at takang taka siya sa mga nangyayari.
Habang nakikinig ako sa discussion ng isang staff, nakita kong naka titig siya sa akin. Isang titig na naguguluhan.
"Okay, meeting adjourned! Let's go back to work."
Nagsialisan na lahat ng tao sa loob ng conference room. Nagpaiwan si Ace. Alam ko naman na magpapaiwan siya dahil marami siyang itatanong sa akin.
"Kate? Anong laro ba to? Why are you here? Why are you pretending to be a Marketing Supervisor? I didn't expect you to be here." Wala akong time sa mga tanong niya. Tumayo ako sa aking kinauupan at aakma na sanang lumabas ng conference ng bigla niya akong pinigilan.
Hinawakan niya ang kamay ko.
"What are you doing Ace? Bitawan mo ko."
"Sagutin mo ang tanong ko." Seryoso siya, nagtinginan kami. Mata sa mata. Sinamaan ko siya ng tingin at itinaas ko ang aking kilay.
"Why should I answer you? Hindi pa ba malinaw sayo? I'm your new Marketing Supervisor. Bakit di mo kausapin ang Daddy mo? I already answered your question, now let me go!" Tinaasan ko siya ng boses, pero ayaw niya pa rin akong bitawan.
"You can't do this to me! Ginagantihan mo ako? Diba ikaw naman ang may kasalanan?" Unti unting lumalakas ang pagkahawak niya sa kamay ko. Mas lalo ko siyang tinignan ng masama.
"Bitawan mo ko at wag na wag mo nang eoopen up kung ano man ang nangyari noon. Hindi na ako ang Kate na kilala mo Ace. Nandito ako para magtrabaho. Nasagot ko na ang tanong mo diba?" Binitawan niya rin ako sa wakas.
Linagpasan ko lang siya. Halatang halata sa kanya na galit siya. Tsk. Siya pa tong my gana na pagsabihan ako ng masama? Ang kapal niya talaga.
Pagkarating ko sa sa aking office ay napa buntong hininga talaga ako sa ginawa ko,
"Wooh! Mygod ang init ng nangyari kanina." Sabi ko sa sarili ko.
"Maam Kate? Okay ka lang po ba?" Tanong ng aking secretary. Ay oo nga pala, may secretary nga pala ako. Haha. Hays, ang dating Kate na simple lang, nagbago na talaga.
"Ha? Ah, oo, wag mo na akong pansinin hehe."
"Alam niyo maam, masaya po ako at kayo po yung boss ko, sabihin niyo lang po sa akin kung ano gusto niyo, gagawin ko po maam Kate!" Masayang sabi ng aking secretary. Nag smile lang ako sa kanya.
Siguro nga nagbago na nga talaga ako. Ewan ko, pero siguro. Well, lahat naman ng tao nagbabago kapag nasaktan ng husto. Pero muntikan na talaga ako kanina. Wew. Buti na lang talaga at nagtapang tapangan ako kay Ace.
BINABASA MO ANG
HE'S MY FIRST, SHE'S MY LAST (ONGOING)
Teen FictionOngoing. Copyrighted by AnonymousWon. All rights reserved 2014.