*Flashback*
TERRENCE POV:
Hinding hindi ko makakalimutan si Felice sa buhay ko. Isa siya sa mga taong nag protekta sa akin noon nung ako'y binubully ng isang grupo ng mga batang katulad ko.
Nasa probinsya ako noon. Hindi ko kabisado ang lugar na yon dahil nagbakasyon lang kami ng parents ko doon ng mga ilang linggo lang.
Habang naglalaro ako sa park ng mag-isa, may mga grupo ng mga bata na lumapit sa akin.
"Hoy! Bata! May pera ka ba? Mukha ka namang mayaman eh." Tatlo sila na nasa harapan ko.
"Wa-wala po akong pera eh." Sagot ko sa kanila.
"Anong wala! Hindi ka taga dito eh! Kaya alam namin na dayo ka lang dito. Ibig sabahin mayaman ka at marami kang pera! Akin na yang bag mo!" Pinagtulungan nila akong tatlo. Hinawakan ang magkabilang kamay ko ng dalawang bata at ang pangatlo naman ay kinuha ang bag ko.
"Wag niyo po kunin ang bag ko! Huhuhu" Sigaw ako ng sigaw at iyak ng iyak habang pinapanood ko ang pagkaw-kaw sa bag ko. Wala akong magawa dahil tatlo sila. Pilit kong lakasan ang sarili ko upang ma bitawan nila ako ngunit sadyang malakas talaga sila.
Iyak na lang ako ng iyak dahil pakiramdam ko wala ng tutulong sa akin hanggang sa hindi ko inasahang may isang batang babae ang lumapit sa kinatatayuan ko.
"Hoy! Bitawan niyo siya!" Isa isa niyang hinampas ng tsinelas ang kanilang mga ulo at nagsitakbuhan ang tatlong bata.
Gulat na gulat talaga ako sa ginawa niya dahil napakalas ng loob niya na awayin ang tatlong bata at walang awa niya pa itong hinampas ng tsinelas. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya dahil napakaganda niya. Alam kong mga bata pa kami noon, pero alam ko na ang nararamdaman ko.
"Hoy? Okay ka lang ba? Ang duwag mo naman! Bakit hindi mo nilabanan ang mga batang yun?"
"Hoy! Nakikinig ka ba? Ha?!"
Saka lang ako bumalik sa aking katinuan dahil pinisil niya ang pisngi ko ng napakalakas.
"Araaaaay! Ang sakit!"
"Tama lang yan sayo! Ayaw mo kasi akong sagutin! Hmp! Hindi ka taga dito noh?" Tanong niya habang naka pa mewang pa. Parang matanda kung umasta.
"Ah, eh oo. Hindi ako taga dito. Nagbabakasyon lang kami ng parents ko dito, pero uuwi din kami sa makalawang linggo". Sagot ko sa kanya.
"Anong pangalan mo?" Sabay abot ng kamay niya para makipag shake hands.
"Ah, Te-terre-nce" Tinangap ko ang kamay niya at ang shake hands kami.
"Ako si Felice." Napakagandang pangalan naman. Sana maging kaibigan kita Felice. Kaso, hindi naman ako magtatagal dito.
"Felice! Halika na, aalis na tayo!" Narinig kong may tumawag sa kanya. Ang papa niya. Bago siya umalis may binigay siya sa akin.
"Sayo na yan! Remembrance ko sayo. Wag mo iwala yan ha!" Kinuha niya ang kanang kamay ko at inilapag niya sa palad ko ang binigay niya sa akin at tuluyan na siyang umalis.
*End of Flashback*
KATE'S POV:
Hays, nagsisisi tuloy ako kung bakit bumalik ako ulit dito. Para tuloy akong na stre-stress. (Pagsubok lang yan Kate! Wag kang papaapekto sa kanila) - Inner Self
Oo nga! Tama, laban lang. Kababalik ko pa nga lang, susuko na agad ako? Hell, no way! Di na ako papayag na aapihin ako lalo na yang Felice na yan! Akala niya siguro natatakot ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
HE'S MY FIRST, SHE'S MY LAST (ONGOING)
Teen FictionOngoing. Copyrighted by AnonymousWon. All rights reserved 2014.