IRISH POV:
Nakaka bwesit naman to oh. Sana tinanggihan ko na lang sina Mommy at Daddy dito sa project na'to. Di ko akalain na itong Paolo Hilario pa ang makaka trabaho ko.
Ayoko ka sa kanya. Ang daming satsat tsaka mukhang playboy pa. Kainis. Isa pa, ang kulit niya at nakakirita na promise.
"Miss Irish? Ang lalim naman nang iniisip mo?May problema ka ba?" Bumalik ako sa katinuan nang bigla siyang nagsalita. Oo nga pala. Magkasama kami ngayon at nandito kami kung saan itatatayo yung project.
Nakaupo kami pareho dahil diniscuss namin yung tungkol sa design at sa budget ng building na itatayo malapit sa companya nila Ace Salvacion.
"Wala" Tipid kong sagot sa kanya.
"Ang sungit mo talaga noh? Mapapasubo yata ako nito. Tsk" Sagot niya at tinignan ko siya ng masama.
"Ang daldal mo." Sagot ko ulit sa kanya. Ayoko ng makulit eh. Kainis. Instead na makipagdaldalan ako sa kanya, chineck ko na lang lahat ng papeles at pinermahan ko na ang lahat ng documento for approval.
"Ayan, tapos na. Ok na yan." Sabi ko sa kanya sabay abot sa folder at mga documento. Tumayo muna ako para makapag cr. Mukha kasi nahihilo ako at masama ang pakiramdam ko.
"Aalis muna ako punta lang ako ng CR." Sabi ko sa kanya pero bigla akong napahawak sa upuan dahil sumakit yung ulo ko.
"Te-teka, Irish! Ok ka lang ba?!" Biglang nataranta si Paolo at hinawakan niya ako. Hindi ko alam pero ang sakit ng ulo ko. Hinawakan ko ito at hinimas hinimas.
"Yung ulo ko, ang sakit" Parang may mga naalala ako nuon pero hindi ko matandaan. Isang lalaki ang naalala ko. Hindi ko kinaya ang sakit ng ulo kaya bigla akong natumba at nawalan ng malay.
Pag gising ko, nasa hospital na ako.
"Irish, mabuti at gumising ka na, kumusta na ba pakiramdam mo?" Tanong ni Paolo sa akin. Kitang kita ko ang pag-aalala niya sa akin. Ngayon ko lang nakita yung mukha niya na ganito.
"Paolo, salamat sa pagdala sakin dito. Okay na ako. Please wag mo ipaalam sa Parents ko ang nangyari." Paliwanag ko sa kanila. Alam ko mag-aalala na naman sila kapag nalaman nila kung anong nangyari sa akin ngayon.
"Ah, pero Irish. Sige babantayan na lang kita dito" Sabi niya. Hay salamat naman at sinunod niya ako. Kahit makulit ang mokong na ito, mabait rin pala to. Napatawa na lang ako sa sarili ko.
"Okay ka lang ba talaga? Sana sinabi mo na lang na hindi ka Okay, para hindi na lang sana tayo pupunta dito." Paliwanag niya sa akin.
"Ok lang naman talaga ako kanina, kaya lang, bigla lang talaga sumakit ang ulo ko." Sabi ko sa kanya. Hindi ko rin naman alam kung bakit naging masama yung pakiramdam ko kanina.
KATE'S POV:
"Woooooooooooh! Na miss ko ang Jetski Love! Dahan dahan lang ano ba!AHhhhh!"Sigaw ko kay Ace habang nagjejetski kami. Ang saraap talaga sa feeling. Medjo matagal na rin yung huling nagjetski kami.
"Kapit ka lang Love! Nandito naman ako. Wag kang matakaot" Sabi niya sa akin. Paano ba naman kasi, nakakatakot eh. Pero safe naman ako kay Love eh. Hahaha. <3<3
Halos isang oras kami nagjetski at grabe ang saya saya talaga! Yung iba, hindi rin nagpaawat at nagjetski rin sila Haha.
Nandito na kami sa beach.
BINABASA MO ANG
HE'S MY FIRST, SHE'S MY LAST (ONGOING)
Roman pour AdolescentsOngoing. Copyrighted by AnonymousWon. All rights reserved 2014.