FELICE'S POV:
"Felice anak, kung nasaan ka man ngayon, sana nasa mabuti kang kalagayan. Anak, umuwi ka na please? May dapat kang malaman."
I received an email from my mom. Ano kaya ang importanteng sasabihin niya? Kung tungkol sa pagkatao ko, matagal ko nang narinig at alam na ampon ako. Yun nga lang, hindi ko sila na confront. Nag change kasi ako ng number simula nung umalis ako. Hindi ko alam kung uuwi ba ako, o handa na ba akong harapin sila.
Natatakot ako. Natatakot ako na baka, itakwil nila ako. Pero napa isip ako. Paano kaya kung babalik ako? Baka pagbalik ko maari pang magbago ang lahat?
"Ms. Felice, ready na po ba kayo?" Nandito ako sa isang company na inaapplayan sa US. Sana matanggap ako. Gusto kung baguhin ang sarili kong mag isa. Pag iisipan ko ang sinabi ni Mommy sa akin.
"Okay, thank you." Sagot ko sa Assistant.
After my interview, natanggap ako. Sobrang saya ko dahil ito na ang stepping stone ko para magbago. Kaya ko to. Kakayanin ko tong mag isa.
KATE'S POV:
Unti unti ko nang nakakalimutan ang mga masasamang nangyari sa akin simula nang nag participate ako sa pagiging Assistant ni Irish. Haha!
Tama nga nabasa niyo. Assistant na niya ako ngayon kasi palagi naman kaming magkasama. Nung una ayaw niyang pumayag dahil kaibigan niya ko. Pero nag insist ako dahil ayokong nabobored, hindi ako mapapakali kapag wala akong ginagawa.
Hindi nagtagal ay pumayag din siya. Kelangan niya kasi ng assistant dahil marami siyang projects na hinahawakan at habang nag tatagal, nagiging super busy na siya sa trabaho niya.
Simula ng penirmahan niya yung contrata nila ni Paolo, dun din nagsimula ang pagiging busy niya. Buti na lang at nandito ako. Panahon na para ako na naman ang tumulong. Sa mga panahong down ako, siya lang naman ang palaging nasa tabi ko kaya it's time to repay her.
Nasa kotse na kami ni Irish. Pupunta kami sa restaurant kung saan may event na gaganapin. Kinuha kasi siya as Special Guest. Hindi niya ito matanggihan kasi Family Friend ito ng mga magulang niya. While trying to start her car, biglang nag ring yung phone niya.
*Phone Rings*
"Hello yes?" Sagot ni Irish.
"He-hello Maam Irish! Tumawag po kasi si Mr. Hilario. Nakikipag set po siya ng Meeting today po."
"What?! Nababaliw na ba siya? Alam niyang may pupuntahan ako ngayon." Nakasimangot siya habang sinasagot ang tawag ng kanyang secretary sa office.
"Yun po ang sabi ko sa kanya Maam eh, pero urgent po kasi raw yung paguusapan niyo po at hindi po raw pwedeng ipagliban." Mas lalong kumunot ang kanyang noo nang malaman niyang si Paolo ang makikipag meeting sa kanya.
Sinubukan ko siyang asarin. I smell something fishy sa dalawang to.
"Uyy! Baka makikipag date siya sayo Irish." Pang aasar ko sa kanya.
"Tsk." Tinakpan niya ang phone niya.
Natatawa tuloy ako sa sagot niya. Halatang namumula eh.
"Teka, ba't di ka makasagot? May gusto ka sa kanya noh? Amiiinin!" Patuloy ang pang aasar ko sa kanya hanggang sa binatukan niya ako.
"Aray!!! Irish naman eh! Inaasar lang naman kita. Alam mo, napaka halata mo. Halatang guilty ka eh! Hahahaha." Tinaasan niya lang ako ng kilay at patuloy siyang nakipag usap sa kanyang secretary.
BINABASA MO ANG
HE'S MY FIRST, SHE'S MY LAST (ONGOING)
Teen FictionOngoing. Copyrighted by AnonymousWon. All rights reserved 2014.