SOMEONE'S POV:
"Nagawa niyo na ba ang inuutos ko?" Sa wakas at dumating na rin ang panahon. Ito na ang panahon para makaganti sa pamilya Miguel.
"Yes Boss. Nakita ko na po ang pinahahanap niyo." Masaya ako dahil sa wakas nakita ko na rin sila.
KATE'S POV:
Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko. Wala kasi akong ibang maisagot kaya napilitan kong sabihin yon. Hays
Pero deep inside, may parte ng puso ko na gusto ko siyang makasama ulit.
"Haaays! Tumigil ka nga Kate!" Napa gulong-gulong tuloy ako sa kama. Hindi rin naman kasi ako nagtagal dun eh, konti lang din ang pinag usapan ni Ace.
Ang weird lang kasi bakit masaya ako sa mga sinasabi ni Ace kanina. Hays. Ewan ko! Umiiling iling ako para mataohan ako nang biglang nag ring ang phone ko. Si Paolo tumatawag. Hmp! Isa pa to eh. Sarap kurotin.
*Phone Rings*
"Hello Paolo?! Oh ano, are you--"
"Nandito ako ngayon sa ospital! Sinugod ko si Irish, nawalan kasi siya ng malay pagkatapos sumakit ang ulo niya."
"OMG?!! Saang ospital kayo? Pupunta ako diyan!" Napatayo ako sa aking kama at dali dali akong lumabas .
*Call Ended*
Pagkarating ko sa parking lot, ay agad kong pinaandar ang aking kotse pero may problema. Namamatay yung kotse sa tuwing pinaandar ko. Tsk! Kainis naman to oh.
Pag minamalas ka nga naman oh. Hays. Pinalo palo ko nalang ang manubela ng kotse dahil sa sobrang inis ko.
"Kelangan mo ba ng tulong?" Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa gilid ng bintanan. Pag lingon ko ay si Ace.
O__O
Anong ginagawa niya dito?
"Teka Ace? Anong ginagawa mo dito?" Nagsmile siya sa akin. Tsk. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Lumipat na ako dito nang malaman kong dito ka sa condo na to nakatira." He smirked and i stare at him seriously.
"Anyway, mamaya na yang tanong mo. Pumunta na tayo nang ospital." Huh? Alam niya kung saan ako pupunta? Siguro tinawagan siya ni Paolo.
Dahil wala na akong magawa, sinundan ko na lang si Ace at sumakay sa kanyang kotse. Nag aalala na rin ako kay Irish kaya wala ng time na mag inarte.
FELICE'S POV:
This can't be. Tsaka ko lang siya naalala nung pinakita na niya sa akin ang hairpin ko! OMG!
I thought ibang Terrence lang siya. Ni hindi ko nga siya na mukhaan. Ibang iba yung itsura niya. Tinignan ko siya. All this time Terrence hindi mo pala ako kinalimutan. I started to cry. Buong akala ko hindi niya ako hinanap.
"Please wag kang umiyak. Masisira ang makeup mo. You're so Gorgeous tonight." Pinalis niya ang luha ko. I'm just very happy. Yung feeling ko na nagiisa ako biglang nawala nang malaman kong siya ang Terrence na matagal ko na ring hinihintay.
BINABASA MO ANG
HE'S MY FIRST, SHE'S MY LAST (ONGOING)
Fiksi RemajaOngoing. Copyrighted by AnonymousWon. All rights reserved 2014.