A/N: Hi guuuuuys! Etooo na po UD ko . Pasensyaaaa na talaga sa sobraang delay!
Please don't forget to vote and comment po!!! <3
~~AnonymousWon
KATE'S POV:
Gusto ko sanang alisin yung ulo niya na nakasandal sa balikat ko kasi nakakailang eh! Ano ba tong nararamdaman ko para ba akong kinukuryente sa kilig. Tsssk.
Tiningnan ko siya pero tulog na siya. Ano bang gagawin ko? Hahayaan ko nalang ba siyang naka ganito? Hay. Tsk. Ewan ko ba.
Dahil nga may sakit siya, di ko na lang inalis yung ulo niya. Hinayaan ko nalang na nakasandal ito hanggang sa nakatulog na rin ako.
---> Kinabukasan
Nauna akong nagising kay Ace. Nakasandal kami sa isa't isa. Biglang lumakas na naman ang tibok ng puso ko. Ano ba?! Kakainis ka na Kate. Pigilan mo nga yang puso mo!
Tiningnan ko si Ace. Tulog pa rin siya. Hinawakan kong noo niya to check his forehead kung mainit pa rin ba. Hay salamat at okay na siya. Hindi na masyadong mainit.
Dahan dahan kong inangat yung ulo niya sa pagkakasandal at dahan dahan ko din siyang pinahiga. Ano bang meron sayo Ace? Bakit ba sa tuwing nakikita kita, di ka pa rin maalis sa isip ko. Does it mean that I still love you? Arrgh! Kainis!
Paano nalang kung mahulog ako ulit sayo? Ayokong mangayari to! Umiiling iling ako at inalis ko sa utak ko yung mga iniisip ko. Di pwede. Kelangan mo rin maranasan yung narasan ko sayo.
Bumangon na ako sa kama, naligo at nagbihis. Bumaba ako tapos nagpadala ako ng pagkain sa room namin para kay Ace. Nandito ako ngayon sa restaurant at umiinom ng kape. Gusto ko mag-isip ng mabuti sa nararamdaman ko.
Bigla kong naisip si Irish. Tama nga, nasaan kaya siya ngayon? Matawagan nga. Alam kong maaga pa ngayon, pero sigurado naman akong pipickupin nya to.
"Hello?! Ano ba Kate? Ke aga-aga naman eh." Sigaw ni Irish. Sabi ko na eh. Magagalit talaga to.
"Hay, naku. Ikaw talaga, tulungan mo ako ngayon!Di ko na alam anong gagawin ko kay Ace eh." Paliwanag ko sa kanya.
"Sus. Kaya mo na yan. Yan lang bang itinawag mo ngayon? Grabe ka naman Kate."
"Eh, sa wala na kasi akong masabihan eh. Irish naman." Talagang nagmamakaawa ako sa kanya na tulungan ako. Wala na kasi akong ibang masabihan. Siya lang talaga nakakaintindi sa akin in Good and in Bad Times.
"Oh siya, ano ba yan kase?" Tanong niya.
"Tulungan mo ako anong magandang gawin kay Ace." Sagot ko sa kanya.
"Eh di simple, pahirapan mo siya ng husto gaya ng ginawa niya sayo noon. Saktan mo rin siya." Paliwanag niya. Mukhang napa aray yung puso ko ng sinabi niyang saktan ko si Ace. Pero bakit nga ba?? Sinaktan naman ako ni Ace ah, pero yung idea na sasaktan ko siya para bang ang hirpa gawin?
Bakit ba ganito cupido? Ako na nga agrabyado dito tapos ako pa yung maawa saktan ang taong sinaktan din ako? Hayy. Nakakainis naman oh!
"Hoi? Ano? Nakikinig ka ba?!Basta yan ang opinion ko ha. Sige na bye. May gagawin pa ako eh!" Inend na niya ang call.
"Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan"
"Ang tamang bagay saka tamang panahon wala na ring saysay kapag wala na yung tamang tao. Ang tao, pwedeng mag adjust, pero ang bagay at panahon, hindi."
BINABASA MO ANG
HE'S MY FIRST, SHE'S MY LAST (ONGOING)
Teen FictionOngoing. Copyrighted by AnonymousWon. All rights reserved 2014.