ACE'S POV:
After 2 Months...
It's been 2 months already at pinagplanuhan ko na ang pagpo-propose ko kay Kate. Simula nung nagkaayos na kami, wala na akong mahihiling pa.
Alam ko sa sarili ko na si Kate na ang babaeng makakatuluyan ko. Siya lang ang buhay ko at wala nang iba pa. Nandito ako ngayon sa Office.
Hanggang ngayon, wala pa rin akong balita kay Cathy. Kapatid ni Kate. Sana man lang before ako magpropose sa kanya, mahanap na siya.
Balak kong magpropose sa susunod na buwan. Eto ang buwan na pinaka importante kay Kate. Sisiguraduhin ko sa birthday niya mismo ako magpropose ng kasal sa kanya.
*Telephone Rings*
"Yes Hello, Good Am. Ace Salvacion of SMC Company." Sagot ko sa kabilang linya.
"Ah, Hello po sir, may naghahanap po kasi sa inyu. Sa information desk po to. Felice po yung pangalan. Si Felice Gregory po" Paliwanag niya. Ano na naman kaya ang ginagawa niya dito? Tsk.
"Ah Ok. Just let her in." Tipid kong sagot.
Maya maya'y may kumatok sa office. Alam kong si Felice na ang kumatok.
"Hi Ace! Kumusta na? By the way, may gusto lang sana akong sabihin sayo." Bati niya sa akin habang naka smile pa.
"Oh. Felice, you're here. What makes you here? Any important matter ba?" Tanong ko sa kanya habang nakaupo ako sa aking chair.
"Oh, well. Meron lang sana akong ipopropose sayo na project and It's very inetresting. What do you think?" Paliwanag niya ulit sabay abot ng isang folder sa akin. Oo nga pala, magkasosyo na kami ngayon ni Felice the past 2 months. Gregory's company just recently merged with us kaya mas lalong lumalaki yung companya namin.
Habang tinitignan ko yung proposal niya sa akin, naisipan kong iapprove since mayaman din ang pamilya ni Felice. Hindi lang sila ordinaryong pamilya.
Marami silang companyang hinawakan galing sa iba't iabng bansa kaya nakakahiya namang tanggihan ang proposal niya sa akin.
"Well, I will think about it Felice." Sagot ko sa kanya at ibinalik ko sa kanya ang folder.
"Okay. Thanks. Why don't we go out coffee? Para naman ma discuss natin yung proposal na prinesent ko sayo." Paliwanag niya ulit. Makulit din tong si Felice. Anyway, mas mabuti siguro pagusapan nalang namin to ngayon para hindi na siya paulit ulit pa na babalik dito.
"Okay sige. Para matapos na rin" Sagot ko sa kanya.
Lalabas na sana kami nang makita kung sabay na papasok sa pintuan si Kate at Terrence. Bigla naginit ang ulo ko dahil narinig kong nagtawanan pa silang dalawa.
Para bang may pinaguusapan sila na nakakatawa. At itong si Kate naman panay din ang tawa.
"Oh, Hi! Both of You!" Sambit ni Felice kaya biglang napatigil ang dalawa. Nilingon ako ni Kate at nakita niya akong nakasimangot. Nagkasalubong din ang kilay niya.
"Hi Felice! Napadaan ka yata dito sa office ni Sir Ace?" Tanong ni Kate kay Felice.
"Well Kate, lalabas sana kami ni Ace para pag-usapan yung proposal na prinesenta ko sa kanya pero I guess mas maganda yata kung tayong apat ang lalabas, diba Ace?" Paliwanag ni Felice. Tinignan ko si Kate at nag smile lang siya kay Felice.
"Next time na lang natin pag usapan yan Felice. Aalis pa kami ni Kate" Deretso kung sabi kay Felice at hinila ko ang kamay ni Kate patungo sa labas.
BINABASA MO ANG
HE'S MY FIRST, SHE'S MY LAST (ONGOING)
Teen FictionOngoing. Copyrighted by AnonymousWon. All rights reserved 2014.