Episode Twenty One

156 10 0
                                    

ACE'S POV:

Kakauwi ko lang galing sa condo ni Felice. Paano ba naman kasi, hindi ko siya matanggihan dahil takot daw siyang umuwi mag-isa kaya napilitan akong ihatid siya.

Habang nagdadrive ako, naisip ko si Kate. Hinahanap ko ang phone ko. Shit hindi ko mahanap, tsaka ko lang naalala na naiwan ko sa office ni Kate. Hindi ko naisip na nilagay ko pala yun sa mesa niya habang nagpapaalam ako sa kanya.

Dumeretso ako agad sa condo niya dahil alam kong pauwi na yon. Isa pa, ayokong malaman niya na magkasama kami ni Felice baka ano pang isipin niya. Haay.

Nakarating na ako sa condo. Agad akong nagdoor bell. Saktong sakto at si Kate ang nagbukas ng pinto. Parang wala siya sa mood ngayon. Bakit kaya? Siguro may dalaw. 

"Hi Love --" Hindi ako nakapagtapos ng salita dahil inunahan niya ako.

"Naiwan mo ang celphone mo." Sabi niya at inabot niya sa akin ito. Napakalmig niya ngayon. Kilala ko si Kate hindi ganito ang trato niya sa akin eh.

"Love, galit ka ba?" Malungkot na sabi ko sa kanya.

"Bakit naman ako magagalit?Di ka paba uuwi?" Sagot niya sa akin. Halata namang galit siya dahil hindi niya tinwag yung endearment namin. Tatalikod na sana siya pero yinakap ko siya.

"Love naman, oh, Sorry na. Kung ano man yang kasalanan ko Please, I'm sorry na Love. Wag ka nang magalit oh? Please" Pagmamakaawa ko sa kanya. Kahit na hindi ko alam kung anong dahilan, humingi ako ng sorry sa kanya. Ayoko magaway kami.

Humarap siya sa akin and then she kiss mi on my lips. Smack lang. Nasa labas pa kasi kami. Mahirap na. Haha. Salamat naman at ngumit na siya. Lambing lang naman pala katapat nito eh. Tsk. Girls kahit kailan ang hilig magpakipot.

"Na miss lang kita ee. Kainis ka." Sabi niya sakin and then pinisil niyang ilong ko. Arrrgh. Ang hilig niyang pumisil ng ilong. Matangos naman ilong ko ah. Di na niya kelangan pisilin pa. Haha

"Ano bang namiss mo Love?" Sabi ko sa kanya and I smirked to him. Sinamaan niya ako ng tingin kaya tumawa ako. Haha. Naasar kasi siya.

"Joke lang Love, biro lang naman eh." Sabi ko sa kanya and then niyakap ko siya. 

"Aheem!" May biglang nagsalita, at nakita naming si Irish pala nasa likod. Haha. Bumitaw kami agad at pumasok kami sa loob.

"Irish naman eh! Kita mo namang magkayakap kami ng Love ko! Nang iistorbo ka lang eh. Insecure!" Sigaw ni Kate kay Irish. Grabe hindi ba siya natatakot magsalita kay Irish ng ganyan? Bilib talaga ako sa babaeng to.

"Tsk. Ang landi mo ew. Over my dead body." Sagot naman ni Irish.

"Aminin mo na kasi, siguro may crush ka dun sa ka meeting mo nuh? Ayeee?! Wag kang choosy te! Bagay kayo in Fairness. HAHAHAHA" Mas lalong naasar si Irish sa kanya. SInamaan siya ng tingin ni Irish and then pumunta ito sa kwarto niya. 

"Love? Galit na yun noh?" Tanong ko kay Kate.

"Hayaan mo nga yun. Sanay na yun sa akin. Haha" Sabi ni Kate na nakatawa pa talaga. Nandito kami sa sofa ngayon at nakaupo.

"Siya nga pala Love. Timing pagdating mo. Naghanda ako ng ulam. Kain tayo. Dalii" Sabi niya sa akin at hinila niya ako papuntang dining table.

Habang kumakain kami, bigla siyang nagsalita ng di ko inaasahan...

"Love, akala ko ba may ka meeting kang iba? Bakit si Felice yung nakita ko kanina?" Deretsong tanong niya sa akin. Muntik na akong mabilaokan sa kinakain ko.

HE'S MY FIRST, SHE'S MY LAST (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon