Simula
Reasons—that's all I ever wanted.
Ang kawalan no'n ay nagdudulot ng kaguluhan tungkol sa mga bagay-bagay. Nagtutulak sa mga tao na umakto pabigla-bigla, nakalilimutan ang maaaring mangyari pagkatapos no'n. At sa dulo ay wala nang ibang magawa kun'di magsisi kung bakit nila ginawa 'yon.
But when it comes to men and their thinking, I wonder, did Cloud even think of this possibility?
Wala akong mairarason tungkol do'n, pero may mairarason kaya si Cloud kapag tinanong ko siya kung bakit may ibang babae siyang hinahalikan kung girlfriend niya ako?
Malinaw ang mata ko at hinding-hindi ako maloloko ng mga 'to, pero hindi ko alam kung bakit hiniling kong mabulag. Gano'n na ba kapag ayaw maniwala sa nakikita?
I treasured him so much. I treasured him more than my life. He made me feel safe and secured. He made me feel at peace but were those the end of it?
I know he's a joker and I got fooled with that, but why did I let myself be joked around farther from his words? Sawang-sawa na siyang lokohin ako kaya ngayon, sasaktan niya ako?
Sana kalokohan lang 'tong ipinakikita niya dahil do'n ako sanay.
Pero kailangan ko ba talagang masanay?
Pwede naman akong umalis at hindi sila pansinin, lokohin ang sarili na hindi ko 'yon nakita, hindi ba? Pero bakit ako naglakad para hanapan sila ng rason?
Isa yata ako sa mga taong tinutukoy ko kanina—umaakto pabigla-bigla at hindi na inalam kung ano ang mangyayari pagkatapos no'n. Nirarason 'yon bilang isang taong may kagustuhang sumugal.
Pero ano pa nga ba ang magagawa ko?
I kept on being driven by my anxiousness and fear, reasoning this as a part of my personality of being a risk-taker, but what I can do?
This is what I wanted to do—to confront him and tell him to end his jokes because it's not funny... it was never funny.
"Cloud," I called.
Humarap siya sa 'kin, gulo-gulo ang damit pagkatapos halikan ang babae niya.
Humugot ako ng malalim na hininga.
I wonder... did I even like him because of who he is? Or I liked him just because he's good at making me laugh?
Girls often fall to men with humor, am I right? If it was true, he humored me. He turned me into a fool.
Napatitig ako sa abo niyang mga mata. Sa pagtingin pa lang do'n ay naubusan na ako ng hininga.
Pero nilakasan ko ang loob ko dahil gusto kong manghingi ng rason sa kan'ya.
Bigyan mo ako ng rason, Cloud, kahit gaano pa kababaw 'yan. Iyon lang ang kailangan ko. Pagkatapos kong marinig 'yan ay...
"Freesia," he called. "It is what you think."
Ikinuyom ko ang kamao at hiniling na doon ibaling ang sakit.
I don't want to cry because there's no reason to. Bakit ko pagsasayangan ng luha ang taong niloko ako?
You should've known better, Freesia. In this cruel world full of risks, friendliness doesn't mean like.
"Wala kang irarason kung bakit mo ginawa 'yan?" Pilit kong pinatatatag ang nanginginig na boses.
He only gave me a passive look with his ashen-gray eyes.
With a sharp tick of his jaw, he shook his head.
Palihim akong humugot ng hininga at dahan-dahang tumalikod, tinatanggap ang kawalan niya ng rason.
Naglakad ako papunta sa elevator, pinindot ang buton, at tahimik na hinintay ang pagpalit ng numero hanggang sa makarating sa palapag ko.
Nakalimutan mo na ba kung gaano siya kalabo pa noon, Freesia?
Cloud ang pangalan niya pero abo ang mga mata niya. At ang mga ulap, hindi dapat nagkukulay abo.
BINABASA MO ANG
Beneath the Clouds (STATION Series #1)
Romance"Look at the sky and remember me." Yearning had always filled the heart of Freesia Fuentabella. Ever since she returned to her hometown to continue her studies, she felt the place had more to offer, particularly for her memories. Backed by longing...