Kabanata 31

6.8K 156 6
                                    

Kabanata 31

Balisa

Hindi ko type si Cloud kaya hindi ko alam kung bakit ko siya sinagot.

Alam kong makulit siya pero hindi ko naman alam na pagdating sa panliligaw ay makulit din siya!

"Hindi ko alam kung paano ako nagkagusto sa 'yo," sagot ko habang nakalagay ang kamay sa balikat niya.

Cloud pulled me closer as he laughed. Nag-make face pa at inayos ang pagkahahawak sa kamay ko.

"Ako rin 'di alam kung paano ako na-in love sa 'yo, e," balik niya, may nakalolokong ngisi sa labi.

I rolled my eyes at him and pulled away from the position. Magkaroroon daw muna ng short break dahil kanina pa kami nagpa-practice ng cotilion.

I went to my bag to get a bottle of water. Sumunod naman si Cloud sa tabi ko, pumapamewang habang nakatitig sa 'kin.

Itinaas ko ang isang kilay. "What?"

"Sana all tubig."

Ngumiwi ako. "Ano ba ang kailangan mo sa 'kin? Ang gulo-gulo mo talaga."

Ngumuso siya at uminom mula sa tubigan ko. Inirapan ko ulit siya dahil do'n.

"Nakita ko diary mo."

Muntik na akong masamid mula sa tubig na nilulunok. Pinakawalan naman niya ang butas ng tubig at tinawanan ako. Inilagay pa ang kamay sa likod ko, kunyari ay pinaaayos ang paghinga.

"Wala akong diary!" depensa ko, nahihiya.

"'Yung notes mo sa phone mo," natatawang sagot niya. "'His name is Cloud, and his eyes are gray.' pala, ha? Poetic ka na pala, love."

"At least hindi corny," balik ko, iniirapan ulit siya.

Sinapo niya ang dibdib, kunyari ay nasasaktan. "Ikaw, love, ha! It hurts here in my lubdub. Ilang beses mo na akong sinasaktan, 'di ka ba naaawa sa boyfriend mo?"

Hinablot ko ang tubigan mula sa kan'ya at nagpunta sa water dispenser. Naabutan ko si Therese ro'n na kumukuha ng tubig.

"Hindi kita boyfriend."

"Aray naman, bebe koh!"

I snapped my head towards Cloud's direction. The only thing that greeted me is his mischievous grin!

Ano ba naman 'to? Ang kulit-kulit talaga!

"Akala ko titino na pinsan ko kapag naging kayo na. Hindi pala," komento ni Therese, ang tono ay bigong-bigo.

Nagbuntonghininga ako habang kumukuha ng tubig. "Akala ko rin, e. Lalo pa yatang lumala."

She laughed at me as she drank from her water. "Anyway, thanks nga pala sa pagpayag na sumali sa cotillion ko, ha? Kokonti lang kasi ang mga ka-close ko talaga."

I smiled at her. "Ikaw lang 'yung ikinatuwa ko nang makilala si Cloud."

"It hurts here in my lubdub!"

"Cloud naman!" paninita ko nang sumingit siya.

Pakiramdam ko ay tatanda ako nang maaga dahil sa lalakeng 'to!

Narinig ko ang pagtawa ni Therese. Nahilo ko naman ang ulo dahil pakiramdam ko ay sumasakit 'yon.

"Ang kulit mo talaga! Mas makulit ka pa sa sanggol."

Binalewala niya ang sinabi ko at kumuha ng plastic cup upang kumuha ng tubig. Hindi makapaniwala ko 'yong tiningnan.

Kita mo! Pwede naman pa lang kumuha ng kan'ya tapos umiinom pa mula sa tubigan ko? Ang corny-corny na nga, ang kapal-kapal pa ng mukha!

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon