Kabanata 2
Gray eyes
Look at the sky?
Kunot-noo kong tiningala ang langit. Naningkit ang mata ko dahil bahagya akong nasilaw sa papalubog na araw. Inalis ko na lang ang tingin mula roon para ibalik ang tingin sa kausap ko. Hindi ko na siya naabutan dahil naglalakad na siya paalis!
"Hey! 'Yung jacket mo!" sigaw ko.
Nagbibingi-bingihan yata siya dahil nagpatuloy lang siya sa paglalakad!
"Mister—" Umabante ako ngunit natigilan nang may naramdamang tumulo.
Napasinghap ako. Mabilis kong chineck ang likod at nakitang may mantsa ang pambaba ko!
What? I have my period? Ang alam ko may suot ako!
Mabilis kong itinali ang jacket sa bewang at napagdesisyonang umuwi na.
Pababayaan ko na ang lalakeng 'yon! Hindi ko ibabalik ang jacket na 'to sa kan'ya kasi hindi ko naman alam kung saan siya hahagilapin!
Tumakbo na ako kahit na lumalakas ang pagtulo sa pagitan ko. Binalot din ako ng hiya dahil sa nangyari. Itatago ko na lang 'yon sa pamumuri ng sarili dahil hindi naligaw!
I know there's nothing wrong with having my period because it's normal, pero hindi ko alam kung bakit ako nahihiya na nakita niya 'yon.
It shouldn't be a big deal, right? Besides, natatagusan naman din siguro ang nanay niya. Baka nagkataon lang na mas malakas ang sa 'kin...
Nirarason ko pa ang kahihiyan ko.
I groaned in frustration. Kaasar naman!
"O, Freesia, bakit ka tumatakbo?" bungad sa 'kin ni Mommy nang maabutan akong papasok ng mansyon.
"Umaambon na po," palusot ko. Naramdaman ko ang pamumula ng mukha dahil dumaan sa isipan ko ang nangyari kanina.
Get a grip, Freesia! Tama na nga 'yang kahihiyan!
Nilunod ko ang gumagapang na kahihiyan sa pamamagitan ng pag-shower. Nanlalagkit ako sa baba kaya napagdesisyonan kong maligo na lang ulit. Kinusot ko rin ang panty na namantsahan dahil pantyliner pala ang naisuot ko!
Hindi ko naman inaasahan na ngayon ang dating ng regla ko. Inaasahan ko na bukas pa kaya pantyliner lang ang isinuot ko.
But at least I wore something...
Hinding-hindi na yata mawala ang kahihiyan ko dahil sa nangyari kanina.
Nang matapos sa pagligo ay tinanaw ko ang jacket na mabilis kong inilapag sa kama. Hahakbang na sana ako ngunit naramdaman ko ang pag-init ng puson ko.
I hate it so much. Ang lakas ng regla ko tuwing first day!
When I successfully reached my bed, I picked up the jacket and inspected if there were any stains. Mabuti na lang at wala. Pero lalabhan ko pa rin 'to bago itago.
My eyes caught the sight of two patches on the jacket—a yellow smiley face patch and a white cloud patch. Hindi naman mukhang worn-out ang patch kaya pwedeng masabing bago-bago pa.
Pero ibalik ko kaya? Mukhang bago pa. Baka nahihiya 'yung lalake para sa 'kin kaya ipinahiram niya ang jacket niya?
Pero paano ko naman 'to ibabalik? Saan ko siya hahanpin? Sa panaginip ko? Napaka-imposible naman no'n dahil hindi porke't nakikita ko siya sa panaginip ko ay parte na siya ng memorya ko!
I let out a frustrated sigh when I felt bothered, again. Nakaramdam ako ng pag-usbong ng inis sa dibdib ko dahil hindi ko mahanapan ng rason ang dahilan ng pag-aakto niya. Isama pa na alam niya ang pangalan ko. Pati na rin ang sakit sa mata niya habang tinitingnan ako.
BINABASA MO ANG
Beneath the Clouds (STATION Series #1)
Romance"Look at the sky and remember me." Yearning had always filled the heart of Freesia Fuentabella. Ever since she returned to her hometown to continue her studies, she felt the place had more to offer, particularly for her memories. Backed by longing...