Kabanata 39

7.6K 155 16
                                    

Kabanata 39

Party

See u at the party ;*

M.

I sighed before I flicked the card using my hands. Maingat ko 'yong inilapag sa lamesa at nag-alcohol dahil may nakitang talsik ng dugo. Kinuha naman ni Ethan 'yon habang naka-gloves.

"See you at the party raw," saad niya. "Ano siya, magho-host ng party? Birthday ba? Malapit na ba mag-birthday pinsan mo, Cloud?"

Tinakapan ko ang ilong nang umalingasaw ang mabahong amoy. Sinamaan ko ng tingin si Cloud nang binuksan niya ulit ang kahon.

"Close that. Ang baho," pagrereklamo ko habang itinutulak siya paalis ng kwarto. Wala siyang nagawa kun'di sumunod at dalhin ang kahon sa labas.

Nagtungo ako sa bintana upang buksan 'yon at palabasin ang mabahong amoy. Narinig ko naman ang pag-angal ni Ethan dahil nakabukas daw ang aircon.

Sinamaan ko siya ng tingin at inilabas ang ulo upang makalanghap ng hangin. Naghalo sa ere ang amoy ng kahon, ng dugo, at ng patay na tuta. Makukulong sa kwarto ang amoy no'n kung hindi ko bubuksan ang bintana!

"Hindi ako sanay sa amoy ng patay na tuta!" reklamo ko at nagbuga ng hangin sa labas.

"Buti nga 'di putol na katawan ibinigay sa 'yo."

"Ethan!"

Nakita ko ang pagbalik ni Cloud mula sa pagdidispatsa ng kahon na may patay na tuta. Nawala siya sa paningin ko dahil nagpunta sa likod. Maghuhugas yata ng kamay.

Umalis ako mula sa pagkadudungaw ngunit napangiwi agad dahil nando'n pa rin ang amoy. Dali-dali akong nagpunta sa bag upang hanapin ang alcohol bago ini-spray sa paligid.

Ngumiwi ako. "Wala bang air freshener si Daddy?"

Humalakhak si Ethan bago naglabas ng isang can ng air freshener. Maingay niya 'yong ini-spray sa paligid. Sa sobrang dami ay nalalasahan ko na.

"Ano ba 'yan! Sala-sala ka naman!" pagrereklamo ko at bumalik sa bintana.

Kung hindi man ako ma-suffocate sa amoy ng patay na hayop, masu-suffocate naman ako sa amoy ng air freshener!

Ano ba naman 'tong pinsan ko? Nakaiirita pa rin!

Umubo ako sa labas dahil nalasahan ko na nga ang air freshener. Binuksan ko rin ang isa pang bintana upang libreng makalabas ang hangin.

"Patayin mo na nga muna 'yang aircon! Mag-electric fan muna para may ventilation," utos ko habang nakadungaw sa labas.

Bwisit talaga 'tong si Ethan. Pareho sila ni Cloud na nagpasasakit ng ulo ko!

"Okay n—" Natigilan si Cloud dahil naubo. Malaki niyang binuksan ang pinto at umatras para roon umubo. Nang matapos ay pumasok siya sa loob, kunot ang noo habang pinipisil ang ilong.

"Alam ko na lasa ng air freshener. Hindi lasang dagat," komento niya.

Ngumiwi si Ethan at inilapag ang air freshener sa lamesa ni Daddy.

"P're?" naguguluhan niyang banggit.

Cloud shrugged. "Gusto ko 'yang tikman noong bata ako, eh. Kaso malalagot ako kay Mama. Ngayon na natikman ko na, masasabi kong kumpleto na childhood bucket list ko."

Pareho kaming napaungot ni Ethan dahil sa narinig. Napairap naman ako sa ere dahil walang kwenta na naman ang lumalabas mula sa bibig ni Cloud.

I thought he already matured, but I was wrong. Why did it even cross my mind when he dropped his card in the wishing fountain, anyway?

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon