Kabanata 10
Shared
Puno ng kalituhan ang isipan ko pagkatapos ng event noong araw na 'yon.
Mabilis na lumapit si Cloud sa 'kin nang matapos sila. Bahagya pang nangulit kaya sumakit ang ulo ko. Nang matapos naman ang event ay nanatili rin siya ng ilang oras pa para tumulong sa paglilinis ng ilang gamit. Nagbigay pa ng suhestiyon na ihatid ako pauwi kaya hindi na ako makapagreklamo pa.
Katulad ng dati, hindi niya rin naabutan sina lola dahil naghahapunan na nang makauwi ako. Dumiretso na ako sa lamesa pagkatapos magpaalam kay Cloud dahil tinatawag na ako.
I woke up late the next day. Masyado kasi akong pagod sa pag-aasikaso ng event kagabi. Dahil do'n ay nakapag-brunch ako kasabay nina lolo't lola. Sina Mommy't Daddy naman ay nasa Batangas dahil may inaasikaso raw roon. Si Kuya Niel naman ay nauna na sa kumpanya kasama si lolo.
"Kumusta ang gising, apo? Nakapagpahinga ka ba nang maayos?" bungad ni lola nang maupo ako sa hapagkainan. "Late ka na pa lang nakauwi kagabi, hindi ko na rin nakumusta kung ano ang nangyari sa event niyo kahapon."
I smiled at her and took a piece of bread. "Opo, lola. Nakapagpahinga naman po. Ang ganda nga po ng gising ko ngayong umaga. Sa event naman po, wala naman pong problema."
She nodded before she took a sip from her glass of water. "Hindi ka ba ginugulo ng mga anak politiko ro'n?"
"Hindi naman po. Hindi ko rin naman po ramdam na may mga gano'n."
"Mga Tarquez, hindi rin?" nag-aalala niyang tanong, may kung anong emosyon sa mata.
Bigla akong nakaramdam ng kaba sa puso.
Hindi ko alam kung dapat ko ang isugal ang sarili sa pagtatanong tungkol do'n.
Sa huli, mas pinili kong itanong ang bagay na 'yon dahil sa ibang katanungan na tinimbang ko sa isipan.
"Sino po ba ang mga Tarquez? Nabanggit po sa 'kin 'yon ni kuya bago pa po magsimula 'yung pagpasok ko."
Nagtagal ang tingin sa 'kin ni lola bago nagbuntonghininga. Tumango rin siya pagkatapos.
"The Tarquez is one of the powerful political families, apo. Ilang taon nang matunog ang pangalan nila dahil do'n kay Gerard Tarquez. Delikado rin silang makasalamuha dahil may koneksyon sila sa mga drug trades at smuggling. Marami rin silang ilegal na gawain kaya malakas ang kapit nila sa black market."
Drug trades and illegal market...
"Nandito po ba sila ngayon?"
Naguguluhan ako sa paraan ng pagtingin ni lola. Mukhang nag-aalala at natatakot para sa 'kin.
"Oo," simple niyang sabi.
Binalot ako ng kaba. Biglang nanlamig ang dulo ng daliri ko.
Lumakas ang tibok ng puso ko, may kung anong takot na bumabalot do'n. Hindi rin ako makagalaw sa pwesto dahil unti-unti na akong nanginig sa kaba.
What is wrong with me? Noong binanggit ni kuya ang apelyidong 'yon ay hindi naman ako nakaramdam nito. Siguro ay dahil nasa ibang bagay ang isipan ko noon. Ngayon na ito lang ang nasa isipan ko, paniguradong iyon ang dahilan.
"Hija," pagtawag ni lola nang matahimik ako. "Hangga't makakaya, umiwas ka sa problemang anak politiko. Tayo-tayo lang ang magtutulungan at magliligtas sa isa't isa dahil alam mo naman ang karakter ng pamilyang pinanggalingan mo."
Tumango ako habang pinakakalma ang sarili.
Narinig ko ang pagbuntonghininga ni lola. "Pasensiya ka na. Hindi ko dapat binanggit ang mga Tarquez sa 'yo."
BINABASA MO ANG
Beneath the Clouds (STATION Series #1)
Romance"Look at the sky and remember me." Yearning had always filled the heart of Freesia Fuentabella. Ever since she returned to her hometown to continue her studies, she felt the place had more to offer, particularly for her memories. Backed by longing...