Kabanata 38

7.7K 158 22
                                    

Kabanata 38

Confrontation

After Cloud and I reconciled, he brought me home. Sinabi niya na kaya raw niya alam kung saan ang bagong tirahan ay dahil kasama na siya sa plano noon pa.

Hindi ko makapaniwalang tiningnan si Cloud.

Akala ko hindi pa siya involved?

I felt betrayed. The feeling of betrayal was intensified because of my cousin's mocking stare!

"Oh, my dear cousin, Freesia!" he mockingly called with his arms spread out. "Simangot ang pasalubong mo sa 'kin mula Germany? Ang pangit naman—"

Sinulyapan ko si Cloud. "Akala ko..."

He looked apologetic when he looked at me. "Love—"

Tinaas ko ang isang daliri nang makita sina Daddy. "Mamaya tayo mag-usap."

Bumalik ang galit ko nang makitang handa yata si Daddy tungkol sa pag-iisip na 'to. Nadagdagan pa nang makita ko si Tito Redentor!

He gave an apologetic smile before he went to my father's direction. Binanggit pa niya ang presensiya niya bago sumama papunta sa isang lugar.

Ibinalik ko ang tingin kay Ethan. Mabilis niyang itinaas ang dalawang kamay bago ako tawanan.

"Bakit ininvolve niyo na naman si Cloud dito?!" frustrated kong tanong.

Kagagaling ko lang sa pag-iyak kanina at mukhang maiiyak pa ako dala ng inis!

"Chill, cous, chill! Mag-eexplain naman kami tungkol dito," natatawa niyang sabi.

Umabante ako. Umatras siya.

"Kailan? Kapag naisagawa niyo na?" Tahip-tahip ang inis sa dibdib ko. "Hindi niyo na naman ako iinvolve rito? Kailan ba kayo magsasawa sa gawaing na 'yan, ha? Hirap na hirap ako rito, oh!"

Presko siyang umiling at inakbayan ako. Naiirita ko 'yong inalis dahil galit na galit ako sa pagtatrato nila sa 'kin!

"Gaano niyo na katagal 'to pinaplano, ha? Magmula nang umalis ako papunta sa Germany?"

"'Di naman kami gano'n ka-prepared. Manghula ka p—"

Binatukan ko siya dahil sa inis. "Ethan naman! At pahuhulain mo pa ako tungkol dito?!"

Ngumiwi siya habang hinihimas ang parting binatukan ko.

"Ang sakit, ha! Ang bigat pa rin ng kamay mo."

Nagpakawala ako ng naiiritang hinga. Mabilis akong naglakad patungo sa kwarto na pinasukan ni Daddy ngunit pinigilan ako ng paghatak ni Ethan.

"Uy, kalma nga!" May sinilip siya sa likod ko. "Wala namang regla kaya bakit galit na galit—"

Tinampal ko ang mata niya at dali-daling sumugod sa loob ng kwarto. Nang binuksan ko 'yon ay gulat na gulat na tumingin sa 'kin sina Cloud. Nakatayo sila sa harap ng lamesa habang may kaonting papel doon.

Narinig ko ang pagreklamo ni Ethan. Sinaraduhan ko siya ng pinto kaya narinig ko ang pag-ungot niya. Binalewala ko 'yon at nilapitan si Daddy.

"Ano na naman po ba 'tong pinaplano niyo, Daddy? Wala talaga kayong planong iinvolve sa 'kin dito?"

Magsasalita na sana si Daddy pero inunahan ko siya.

"At bakit ininvolve niyo na naman po si Cloud? Hindi po ba kayo naaawa sa kan'ya?"

"Love, I thought we talked about th—"

"Pero hindi ako makapaniwala na bago natin pag-usapan 'to, involved ka na!"

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon