Kabanata 19

9.1K 272 17
                                    

Kabanata 19

Concrete

Ang kasiyahan ay hindi rason upang itago ang kalungkutan.

Naintindihan ko ang bagay na 'yon tuwing kasama si Cloud. At hinding-hindi 'yon mawawala sa isipan ko hangga't pinepeke ni Cloud ang ngiti niya.

I know that he has reasons to fake his smile—it's valid. I understand where he's coming from.

Nasasaktan siya, eh. At mas gusto niya ang daang 'yon upang mas maprotektahan ang sarili niya. Ayaw niya rin sa katotohanan kaya gano'n na lang kung makaakto.

Ang pinakamasiyahing tao ang pinakamalungkot.

Ano kaya ang tumatakbo sa isipan niya habang pinipilit ang sarili niyang maging masaya? Gaano kasakit sa dibdib 'yon? Nakahihinga pa ba siya nang maluwag? Alam pa ba niya ang kaibahan mula sa pekeng kasiyahan at tunay na kasiyahan?

Kahit na gaano kaingay ang utak ko upang magtanong, gano'n naman katahimik ang bibig ko.

I can never confront him about it. Pakiramdam ko ay wala akong rason para mangialam sa problema ng iba. Ang tangi ko lang magagawa ay manahimik hangga't hindi pa tamang oras.

Nagbuntonghininga ako habang pinanonood si Cloud na tawa nang tawa habang nakikipagbiruan sa mga kausap niya. Kumuha raw siya ng additional units kaya nakasama ko siya sa course ko na 'to. Kung paano siya pinayagan ay hindi niya kinlaro sa 'kin. Nakuntento na lang siya sa pag-iwas sa katotohanan sa likod no'n.

Katulad ng pag-iwas niya sa katotohanan sa pagitang naming dalawa.

But I didn't bother myself with it for now. Gusto ko munang pagkatiwalaan ang sarili ko para alam ko kung hanggang saan ang kaya ko.

Nang mapansin ni Cloud ang tingin ko ay umalis siya mula sa pakikipag-usap.

Tumabi siya sa 'kin, inookupa ang dating upuan ni Maxinne. Pinalipat naman niya si Maxinne sa ibang pwesto.

"Love," bungad niya sa 'kin, ang mukha ay puno ng pag-aalala. "Lalim ng iniisip mo?"

Ngumiti ako at umiling. Nagpakawala siya ng maliit na ngiti at inayos ang buhok ko, ang pag-aalala sa abong mata ay tumindi.

"Stop overthinking, love..." marahan niyang sabi habang hinahaplos ang kamay ko.

Lumakas ang tibok ng puso ko nang maramdaman ang pamilyar na emosyon. Palihim din akong humugot ng hininga habang ninanamnam ang gaan sa pakiramdam.

Nawala na naman ang butas na nando'n.

Ang galing mo talaga, Cloud.

"'Wag ka na mag-overthink, love. Masama 'yon."

Bumaba ang tingin niya sa daliri kong pinaglalaruan niya. Ang bawat haplos ay punong-puno ng pag-iingat at pagmamahal.

Nakaliliyo sa pakiramdam, pinupunan ang pangungulilang nasa dibdib. At ang puso ko, walang ibang ginawa kun'di matuwa, pinakikiramdaman ang lahat ng pagmamahal na nararamdaman.

Masarap ngunit masakit sa dibdib. Ang paghihintay sa mga susunod na araw ay nagdadala ng pagod sa katawan ko.

Gusto ko na talagang... malaman ang lahat.

Inusod niya ang upuang katabi ko at ipinatong ang braso sa likod ng upuan. Ramdam ko ang presensiya niya sa aking gilid, ang balikat ko naman ay tumatama sa kan'yang dibdib.

Nang pasimple akong lumapit upang maramdaman ang pagkakumportable, iyon naman ang paglapit ni Cloud.

Namula ang mukha ko, nahihiya sa ginawa. Hindi naman niya pinansin 'yon dahil pinaglalaruan pa rin niya ang daliri ko.

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon