Kabanata 36
Card
After my plane ticket was confirmed, I spent the rest of my days thinking.
Evaluating. Reasoning with myself.
Tama ba ang desisyon ko na bumalik? Tama ba na ang kakulangan ng rason ang maging dahilan ko para bumalik? Ang kagustuhan na mabigyan ng dulo ang lahat? Ang pangangatwiran na tama ang ginagawa ko at para 'to sa kapakanan ng pag-iisip ko?
Sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko. Hindi ko alam kung pinipilit ko bang hanapan ng rason ang lahat ng ginagawa ko, pero pakiramdam ko ay gano'n.
Kaya hinayaan ko na lang ulit. Kasi ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may rason kung bakit nandito.
"Window seat nga pala iyo," komento ni kuya nang mahanap ang assigned airplane seat. Maswerte na lang at bakante pa ang katabi niya.
Umatras ako para padaanin siya sa upuan. Napataas siya ng shades dahil do'n.
"I don't like the window seat, kuya," seryoso kong sabi.
He stared at me with his sharp eyes. Kahit ilang beses na niyang ginagawa 'yon, hindi ko pa rin nakasasanayan.
"Okay. I'll take it."
Gumalaw siya mula sa pwesto patungo sa window seat ng eroplano. Pinanood ko siyang makaayos ng pwesto bago umupo sa tabi niya. Tahimik ko namang inilagay ang bag sa hita at inayos ang neck pillow sa leeg.
My brother bobbed his head as he listened to the music in his earphones. Ang shades na suot-suot kanian ay nakasabit na sa puting na pantaas. May maliit na embroidery ang t-shirt niya na naka-tucked in sa itim na slacks. Halatang-halata ang minimalist tattoo niya sa braso dahil sa maikling manggas. Itim din ang loafers na may gintong band.
I wore a simple, beige tank top. Dark khaki ang kulay ng slacks ko at kaparehas ng disenyo sa loafers ni kuya. Nakalugay naman ang mahabang itim na buhok ko. Dahil sa ilang taong paninirahan kasama si kuya, hindi ko maiwasang maimpluwensiyahan ng simpleng pananamit niya.
"Alam ba nina Mommy na uuwi tayo?"
Lumingon si kuya sa 'kin mula sa pagsilip sa bintana. Inalis din ang isang earphone sa tenga.
"Oo."
Nanahimik na lang ako sa pwesto at nakinig sa music. Nag-airplane mode rin ako nang masabi ko kina Ethan at Zelle ang tungkol sa flight.
After the passengers had settled in, the crews announced things regarding flight safety and precautionary measures. Nagpakilala rin ang piloto ngunit hindi ko nasundan kung ano ang pangalan dahil nilalamig.
"Sleeveless pa," komento ni kuya habang pinahihinaan ang aircon. Inabot niya rin sa 'kin ang jacket na siyang tinitigan ko.
Bomber jacket...
Nanikip ang dibdib ko dahil sa alaalang dumaan.
Nakita ni kuya ang paninigas ko kaya pinilit ko ang sariling umahon. Walang imik ko namang sinuot ang itim na bomber jacket niya at tumitig sa likod ng kaharap na upuan.
Ngunit wala ang atensyon ko ro'n.
Ang atensyon ko ay nakatuon sa pakiramdam ng materyal sa balat ko. Pinakikiramdaman kung paano kumiskis sa katawan ko, binabalot ng init at kakaibang pakiramdam. At ang kaibahang 'yon—pangungulila.
Hindi ko alam kung bakit may gano'n pa ako sa dibdib.
Nagbuntonghininga ulit ako at isinuot ang seatbelt. Pinilit ko ulit ang sarili na huwag nang isipin pa ang tungkol sa bagay na 'yon.
BINABASA MO ANG
Beneath the Clouds (STATION Series #1)
Storie d'amore"Look at the sky and remember me." Yearning had always filled the heart of Freesia Fuentabella. Ever since she returned to her hometown to continue her studies, she felt the place had more to offer, particularly for her memories. Backed by longing...