Kabanata 37

7.7K 182 23
                                    

Kabanata 37

Mandamay

"Kuya, bakit iba ang address?" Iyon ang bungad ko kay kuya pagkababa ng sasakyan.

My brother arrived a few minutes after my encounter with Cloud. Mabuti na lang at hindi niya nakita ang luhaan kong mukha dahil alam kong magtataka 'yon. Nag-arkila naman kami ng taxi pagkatapos.

"Dito na, ah," balewala niyang sabi habang ibinababa ang bagahe. Tinulungan din siya ng driver.

Umatras ako upang maipwesto nang maayos sa kalsada ang mga maleta. Nakangiwi ko pa ring tinitingnan ang malaking gate na nasa harapan.

Ibang-iba mula sa nakasanayan ko bago umalis.

Did they renovate the house? It's impossible. Iba rin naman ang lokasyon ng kinatitirikan ng bahay pero sigurado akong Angeles pa rin 'to. May nadaanan pa nga kaming pamilyar na daan.

Nang makaalis ang taxi ay kinulit ko ulit si kuya. Katulad kanina, binalewala lang niya ang tanong ko at pumasok nang pinagbuksan ng gate. Gulong-gulo naman akong pumasok nang makita ang pamilyar na kasambahay.

"Kuya?" pagtatawag ko nang makapasok na siya sa walkway. Mas maliit 'yon kung ikukumpara sa mansyon nina lolo.

Nagpakawala ako ng hininga at hinila na lang ang maleta. Naglakad ako patungo sa pinto hanggang sa salubungin nina lolo.

Within the years of living abroad, I was only able to see my family virtually. Hindi na kasi sumakay ng eroplano sina lolo't lola. Ayaw rin namang magbakasyon nina Mommy sa Germany dahil ang katwiran nila, wala raw mag-aalaga kina lola. Medyo humihina na kasi ang katawan nila kaya mas maingat na kung ikukumpara noon.

Kalmadong niyakap ni kuya sina lolo. Naguguluhan pa rin akong lumapit sa kanila at yumakap din.

"Maayos ba ang naging flight niyo, Daniel?" tanong ni lolo habang may hawak na tungkod.

"Opo, lolo. Jetlag lang."

Mahinang natawa si lolo. "Ah, gano'n ba. O siya, magpahinga na muna kayo."

Mahigpit akong niyakap ni Mommy nang makapunta ako sa harapan niya. Hinagod at tinapik din ang likod ko bago pakawalan.

"Mommy..."

"I missed you, anak. Mabuti at ligtas kayong nakauwi."

Nagbuntonghininga ako. "May pasalubong po kami ni kuya sa inyo."

Panandalian akong umalis at kinuha ang mga plastic bag. Si kuya naman ay abala sa paglalagay ng maleta sa isang pwesto.

We went to the salas and settled there. Inilapag ko naman sa sahig ang mga pasalubong dahil okupado ang kahoy na lamesa. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makaupo sa malambot na couch.

"Do'n ka kaya muna sa kwarto mo, Freesia? Nang makapagpahinga," saad ni lola.

Umiling ako at itinali ang buhok. "Medyo sumakit po ang ulo ko kakatulog. Dito po muna ako sa baba."

"Then, I'll go upst—"

"Daniel, dito ka muna."

Inikot ko ang tingin sa sala at nakitang mas simple ang disenyo ng bahay kaysa sa rati. Hindi rin naman mukhang renovated dahil nagkaroon ng ikalawang palapag. Sa pagkatatanda ko, hindi pwedeng lagyan ng second floor ang mansyon nina lolo dahil hindi iyon itinayo para ro'n.

"Ni-renovate po ba 'to?" tanong ko kahit alam kong 'hindi' ang magiging sagot nila.

Nagbuntonghininga si Mommy at mukhang nag-aalanganin na sagutin ang tanong ko. "Hindi."

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon