Kabanata 32

6.8K 150 7
                                    

Kabanata 32

Laban

Cloud was anxious after that day. A little more worried than before, too, and I understand why.

Bukod sa unang kita ko kay Madison noong practice, nasundan pa 'yon sa iba't ibang lugar. Minsan ay kasama niya si Kuya Thunder, kadalasan ay hindi. At sa bawat pagkakataon na makikita ko siya, hindi niya nakalilimutang iparamdam sa 'kin ang takot at kaba.

It's an unsettling feeling. I don't like it.

There's something different about her.

Pinag-aawayan na rin nila ni Kuya Thunder kaya ako na ang nahihiya.

They wouldn't fight if it weren't for me!

"Cloud," tawag ko, nag-aalala pagkatapos niyang ikwento na nagtalo ulit sila.

Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko at nagbuntonghininga. Umiling-iling bago tagpuin ang tingin ko.

"Love... sorry... na-involve ka dahil sa 'kin." Nahihiya siyang nag-iwas ng tingin.

Kinagat ko ang ibabang labi at pinisil ang kamay niya. Kumurap ako bago umiling.

"I chose to be involved... at nahihiya na ako sa 'yo kasi dahil sa 'kin, nagtatalo kayo ng kapatid mo."

"E si kuya naman talaga ang may kasalanan," sagot niya. "Sa kan'ya nakaatas ang responsibilidad na 'to tapos sa 'kin niya inaano."

"Can't you do anything about Madison?" tanong ko, naghahanap ng daan para malutas ang lahat ng 'to.

"'Yung gumagawa nga ng paraan ayaw din makipag-cooperate, e. Ewan ko ba kay kuya. Kay Madison pa yata pumapanig e alam naman niyang hindi tanggap ang babaeng 'yon."

"How about others? Talon and Draven, your cousins..."

"Sinubukan na namin pero sabi nina tito, 'wag daw iinvolve mga anak nila."

"So, you're left to deal with her because she's the daughter of your mother's sister? Kasi mas direkta ang koneksyon niyo kaysa kina Draven."

"Parang gano'n na nga." He tsk-ed. "Naman kasi 'tong si Tita Aileen, e. Kung sino-sino inaampon. Kung kani-kanino nagpapakasal. 'Yan tuloy. Palibhasa uhaw sa kapangyarihan."

Politics... People go wild over politics while other people lose their life because of it.

"Hindi ka ba talaga pwedeng mag-backout sa Regionals, love? Confirmed na kasama si Madison sa lineup, e."

Nagbuntonghininga ako at umiling. Pinaglaruan ko ang daliri niya upang pakalmahin ang pag-iisip niya.

"Sorry, I can't backout. Captain ako, Cloud. At ilang linggo na kaming nagte-training, masasayang 'yon kung aalis ako. Wala rin namang maisa-substitute kasi tine-training pa rin 'yung iba."

"Kung isa-sub ka naman, 'di ako makasisiguro na walang gagawin sa 'yo si Madison."

Napasinghap ako nang marinig ang paghikbi niya.

Sinapo ko ang mukha ni Cloud at nagulat na basa na 'yon ng luha. Pulang-pula na rin ang mata niya na parang kanina pa umiiyak.

"Cloud—"

"L-Love, sorry talaga. Sorry, sorry. Na-involve ka pa dahil sa 'kin. Tangina naman, e. Gusto ko lang naman magmahal..."

Hinila ko siya sa isang yakap, ang ulo ay nasa balikat ko. Niyakap niya naman ako pabalik bago humagulgol. Maya't maya ring pinipisil ang yakap, natatakot na mawala ako mula sa kan'ya.

"Wala kang kasalanan dito..." bulong ko, pinakakalma siya.

Ngunit hindi ko makalma ang puso ko.

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon