Kabanata 30

7.3K 168 16
                                    

Kabanata 30

Palit

Hindi ko na dinala pa ang jacket pagkatapos noong araw na 'yon.

Wala rin namang saysay kung bibitbitin ko araw-araw. Hindi lang ako mapeperwisyo kun'di maiirita pa sa mga matang tingin nang tingin sa 'kin!

Magmula nang dinala ko ang jacket ng lalakeng feeling cool dahil naka-skateboard siya, hindi na ako pinatahimik ng babaeng nagtanong sa 'kin. Kahit na hindi ko na dinala kinabukasan, nananatili pa rin ang mapanuring tingin nila. Binabanggit nang binabanggit ang pangalan na 'Cloud' na hindi ko naman alam kung sino.

I just don't get it.

Kung kanila itong jacket na ninakaw ng lalake, e 'di dapat kinuha na nila 'to sa 'kin!

Kung hindi naman gano'n at sa Cloud nga ang may-ari, bakit hindi na lang nila sabihan si Cloud na na sa 'kin ang jacket niya? Para naman mapuntahan ako rito at maihampas ko sa kan'ya itong jacket na ipinagmamalaki niya!

Ngunit nang magdaan ang ilang araw na walang Cloud na dumarating, naintindihan ko na wala talaga silang plano na kuhanin 'to mula sa 'kin.

But what's with the stares?! That's so rude!

Iritable at gustong magpahinga, nagpunta na lang ako sa isang coffee shop. Katatapos lang naman ng nag-iisang klase ko ngayong araw kaya imbes na mairita sa university, mag-aaral na lang ako.

I ordered a caramel macchiato and a waffle. Nang makaupo sa pwesto ay natanggap ko ang text ni Quinley, tinatanong kung nasaan ako. Nang binanggit ko na nasa coffee shop, sinabi naman niya na pupunta raw siya rito.

I said ok and settled on my seat. I put out some of the materials that I needed to read for the exam before I put my phone down. Magsisimula na sana ako sa pag-aaral ngunit marahas na tumunog ang wind chimes ng café. Pinaglalaruan yata.

Imbes na mapahinga ang utak ko, lalo akong nairita.

What is with people and their irritating ways? Hindi ko alam kung bakit ang iritable nila ngayong araw!

Nagtuloy-tuloy sa pagpasok ang lalakeng pinagtripan ang wind chimes. Hindi ko alam kung bakit lalo akong nairita nang makitang naka-baseball cap siya at shades. Iniwas ko na lang ang tingin para patahimikin ang sarili.

I think I'm going to get my period.

Ibinalik ko ulit ang atensyon sa pagbabasa ng libro nang may naramdamang tumigil sa gilid ko.

Humugot ako ng hininga, nairita ulit dahil maiistorbo na naman, bago dahan-dahang nag-angat ng tingin. Hindi na ako natuwa pa nang makita ang lalakeng naka-shades kanina. At ngayon, ang sombrero naman ay nakabaliktad na.

"Anong kailangan mo sa 'kin?" tanong ko, iritable na.

Ang dami-daming upuan sa paligid, huwag mong sabihin na makihahati siya sa pwesto ko?

Nang ngumisi siya ay naningkit ang mata ko. Hindi ko maiwasang magkaroon ng hinuha sa likod ng isipan.

His smile is familiar. Alisin lang niya ang shades at makukumpirma ko na.

"What's with the shades? Hindi ba 'yan pinatanggal ng guard nang pumasok ka?"

"Tatanggalin na po, boss," saad niya bago tanggalin ang shades. Isinabit niya 'yon sa kulay asul na pantaas.

Umawang ang bibig ko, pakiramdam ay pinaglalaruan.

"May lahi ka bang stalker?"

Humalakhak siya. "Wala. Pero may lahi ka bang keyboard? Type kasi kita."

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon