Kabanata 13

10.6K 314 46
                                    

Kabanata 13

Court

I was discharged from the hospital the next day. Ayaw ko rin naman nang tumagal pa ro'n dahil hindi ko maalis sa isipan ko ang madilim na mukha ni Kuya Niel.

It looked as if I don't know him... and it scared me because I had no reason to think that way.

O baka meron naman, iwinawaksi ko lang sa isipan ko dahil takot akong malaman kung ano ang totoo.

Nevertheless, I tried my best to focus on my academic works instead.

Nagawa ko naman nang maayos kaya nalinga ang pag-iisip ko mula ro'n. Isama pa na napuri kami ng professor sa isinagawang event, unti-unti ko nang naaalis sa isipan ko ang nangyari sa ospital.

"Hey, sinabi sa 'kin ni Cloud na nahimatay ka raw noong Sabado. Why?" tanong ni Maxinne nang makaupo sa bench malapit sa quadrangle.

I sighed and fixed my things. "It's... nothing. Migraines lang naman, na-stress siguro ako masyado. My brother said it's nothing serious."

She nodded and looked away.

Nagbuntonghininga ako at iniikot ang tingin sa paligid.

Mula sa pwesto na may lilom ng puno ay tanaw ang malaking fountain na nasa gitna. Anim na estatwang anghel ang pumapalibot doon. Mayroon ding bulaklak sa paanan ng fountain habang ang pangatlong lebel ay may estatwang babae kung saan ang pinakatuktok ay may bird bath.

"Freesia," she called. I looked at her. "Paano mo nakilala si Cloud?"

Pain darted to my chest. "He approached me at the subdivision's park. Nagkwento siya tungkol sa girlfriend niya at..."

I stopped talking.

No. Rather, I refrained myself from talking.

I don't know if it's because of the tight knot in my chest or the light ache at the back of my head... o talagang ayaw ko lang tanggapin ang katotohanang may girlfriend si Cloud.

"Pinahiram ako ng jacket. 'Yun lang," pagtatapos ko, hindi na nakayanan pa ang kirot sa dibdib.

Pansin ko na mula sa araw na ma-discharge ako, mas lumala pa ang paninikip ng dibdib ko. Ang intensidad no'n ay nagpaniniwala sa 'kin na mayroon talagang katotohanan sa likod ni Cloud.

"You know what..." She sighed. "Cloud only had one girlfriend... and he's still holding onto her as if she's his life."

Nag-iwas ako ng tingin nang makaramdam ng hapdi sa puso. "That's nice."

"Ang hirap ng ginagawa niya, to be honest, but I applaud him for his perseverance. Bihira na lang sa mga tao ang matiyaga."

Hindi ko alam kung bakit puno ng panghihinayang ang boses niya. Ngunit alam ko kung bakit nanikip na naman ang dibdib ko.

Tumayo siya at nginitian ako.

"Anyway, I'm going to the cafeteria. Pupuntahan ko ulit si Seb because he's asking something from me again..." Humalakhak siya. "Gusto mo bang sumama? Cloud's there. Buong banda nila nando'n. It's one of the rare times where their free time match. Alam mo naman, dalawa lang sa kanila ang same program."

Suminghap ako at nakita ang sarili na tumango na lang. Hindi ko rin alam kung bakit pero nahanap ko sa sarili na sumama sa kaniya.

Along the way, Maxinne told me a few stories about the band.

Ang sabi niya, si Cloud daw talaga ang bumuo ng banda. Siya rin daw ang nag-recruit at nagkataon naman daw na na-recruit ang pinsan niya kaya nakasama. Kagagawa lang daw ng banda bago mag-college at mabuti naman daw na nakakapag-practice pa sila.

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon