Kabanata 18

9.3K 290 30
                                    

Kabanata18

Gig

After Cloud congratulated me because I became a part of the volleyball varsity, he insisted to drive me home. Aapila sana ako pero hinayaan ko na lang siya dahil gusto ko ang pangambang nararamdaman.

It's like I'm satisfying my guilty pleasure.

Ang pakiramdam na kasama siya ay masarap sa dibdib, nagdadala ng tuwa at kumpiyansa. Ang problema nga lang, mas gusto ko munang mangapa kaysa kumpirmahin ang haka-hakang nasa isipan.

"Freesia," he called after he stopped the car.

Nang nilingon ko siya ay puno ng pag-aalala ang mukha niya. "Mag-iingat ka naman kapag naglalaro ng volleyball, 'di ba?"

Pinuno ng kalungkutan ang dibdib ko, nasasaktan dahil sa emosyong nasa mata niya. Ang mga abo ro'n ay dumilim na naman, pinahihiwatig sa 'kin na hindi niya gusto ang nangyayari. Pinipilit lang na maging matuwa dahil iyon ang kagustuhan ko, hindi ng kan'ya.

"Marunong naman akong mag-ingat, Cloud," pangungumbinsi ko.

His worried, gray eyes stilled at me as it watched my every move. Nakangiti ko namang tinanggap ang pag-aalala niya dahil gustong-gusto 'yon ng dibdib ko.

Nagbuntonghininga siya at tumango. "Sige... pero 'wag mong kalilimutang mag-ingat, ha?"

I smiled at him and opened the car door. "Of course! Palagi naman akong nag-iingat. Salamat sa paghatid."

Pagkababa ng sasakyan ay nagpaalam ako sa kan'ya. Ayaw pa sana niyang umalis pero napilitan.

Bumusina siya bago patakbuhin ang sasakyan. Nang mawala na sa paningin ko ay pumasok ako sa loob.

Naabutan ko sila sa veranda.

Ang pagpasok ko sa volleyball varsity ang unang ibinalita ko pagkakita sa kanila. Katulad ng naging reaksyon ni Cloud ang naging reaksyon nila. Mas malala nga lang ang kay Kuya Niel dahil dumilim ang mukha niya.

Bigla akong kinabahan.

I just want to... find the missing thing inside of me.

"Hija, sigurado ka ba sa pinasok mo?" bungad ni lola, punong-puno ng pag-aalala ang mukha.

Ngumiti ako at nagmano sa kanlang dalawa. Umupo ako sa tabi ni Kuya Niel at kinuha ang throw pillow upang yakapin.

"Opo, lola. At tsaka gusto ko rin naman pong mag-volleyball kasi..."

"Gusto mo bang mag-Regionals?" biglang sabi ni kuya na siyang ikinagulat ko.

Humugot ako ng malalim na hininga, ang pangamba ay nasa dibdib na naman. Pinabibilis ang tibok ng puso, pinanginginig ang mga daliri ko.

"Daniel..." banggit na lang ni lolo.

Nanahimik kami pagkatapos no'n.

Ang dumaang katahimikan ang nagpakalma muli sa puso ko ngunit ang katanungang nagparamdam ay nagpabalik na naman.

"Lola..." tawag ko, bahagyang kinakabahan. "Paano niyo po nakilala si Cloud?"

Ibinaba ni lola ang tasa ng tsaang iniinuman niya.

Nagbuntonghininga rin bago tumingin sa 'kin. "Ayaw na naming magsinungaling, hija..."

Kinagat ko ang ibabang labi nang makuha ang senyales nila.

Masyadong mabigat ang magiging sagot kung sasabihin nila sa 'kin. Naiintindihan ko kung bakit nagdadalawang-isip sila.

"Pero pakisagot na lang po nito..." Humugot ako ng malalim na hininga. "K-Kilala ko po ba siya rati pa?"

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon