Kabanata 22

7K 221 19
                                    

Kabanata 22

Sabihin

Natulog ako na punong-puno ng katanungan, naghahanap ng rason kung bakit nangyayari ang mga bagay na 'to.

Kumbinsido naman ako sa inirason ni Daddy dahil gano'n din naman ang ipinararating ng tono niya, pero hindi ko maiwasang hanapin ang rason ni Trojan Mondejar.

It's not the first time that I've heard his name. Sa pagkatatanda ko, nabanggit ang pangalan niya noong gala. Doon ko 'yon unang narinig.

I'm not familiar with all of my parents' relatives because that's what they prefer for our safety. Iyon din ang rason kung bakit bilang lang sa daliri ang kilala kong mga pinsan.

Ang pinakamalapit na ay sina Ethan at Zelle. Sila ang madalas na bumibisita sa 'min dahil ang pamilya rin ay kapareho ng kagustuhan—ang humiwalay mula sa angkang pinanggalingan. Pare-pareho naman naming naiintindihan kaya gano'n na lang kalakas ang ugnayan sa isa't isa.

Siguro kaya kilala ni Daddy si Trojan Mondejar ay dahil kay Tito Red. Their business recently became a high-end security company that's why it's slowly gaining some big clients. Iyon din siguro ang rason kung bakit lumalawak na ang intel ni tito.

Bago ako umalis para sa tune-up ay binilinan ako ni Daddy tungkol sa pag-iingat. He said that Trojan Mondejar, given his surname, is a man that should be feared. If he wants to gain something, he's going to do it no matter what.

Halatang-halata ang pag-aalala ni Daddy sa mukha niya. Pinalubag ko naman ang loob sa pagsasabi na mag-iingat naman ako at hindi naniniwala na ako ang target ni Trojan Mondejar.

I haven't met him, anyway. At kung nakilala ko siya noon bago ako mawalan ng memorya, paniguradong magkaroroon ako ng kakaibang reaksyon sa pangalan pa lang niya. Iyon ang sinabi ng doktor ko.

Pero sa lahat ng mga hindi pamilyar na pangalang narinig ko, sa isa lang ako kinabahan.

Madison. The angry girl from the mall.

With her blazing eyes and her tone that sounded as if she knew something, I'm convinced that she did something bad to me. Hindi ko pa sigurado kung ano 'yon dahil naghahanap pa ako ng mga rason upang ikonekta sa isa't isa. Tsaka na lang ako magtatanong kapag nakumpirma ko na dahil hindi ko kayang isugal na mabali ang pinaniniwalaan ko.

Luckily, I was able to focus even if my mind was filled with things other than the tune-up. Maayos naman ang naging performance ko kaya maganda rin ang laro. Nanalo rin kami sa tune-up.

When I went to school the next day, I immediately headed to the registrar. Ibinigay ko sa kan'ya ang kulang na files habang nakatayo ako ro'n, nag-iisip nang malalim. Hindi pa nga yata ako makagagalaw mula sa pwesto kung walang nagsalita sa likod ko.

I came across Therese that day. Iniimbita niya ako sa beach party niya kaya pumayag na rin ako upang maialis ang isipan ko. Mabuti na lang at wala na akong iba pang academic requirements.

Hindi sana ako papayagan nina Mommy pero sina lola na ang pumilit sa kanila para raw makapag-relax ako dahil sa mga pangyayari. Wala rin namang ibang nagawa sina Mommy kun'di hayaan ako at sinabing nando'n naman si Cloud.

"Si Cloud?" pag-uulit ko, sinisigurado na tama ang dinig ko.

My mother sighed before she nodded. "Yes, sinabi ng batang 'yon na may inayos muna siya that's why he was unable to accompany you. Hindi ba niya nabanggit sa 'yo?"

Nagbaba ako ng tingin nang maramdaman ang sakit sa dibdib. "Hindi po."

"Good. Sinabi ko rin na huwag niyang sabihin sa 'yo para huwag kang gaanong mag-alala."

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon