Kabanata 23

8K 206 36
                                    

Kabanata 23

Babae

Bola ng volleyball. Sigawan ng mga tao. Volleyball court.

Nang lumipat ang bola sa kabilang parte ng court at hindi nasalo ng kalaban, pumorma ng isang bilog habang nakangiti. Nag-thumbs up sa isa't isa bago tumango, inihahanda ang sarili para sa rotation. Pumwesto ang isang miyembro sa serving lane at inayos ang katawan, inihahanda ang sarili sa pag-se-serve.

Ang pagtalon kasabay ng paghampas ng bola.

Mabilis na pangyayari, hindi ko nasundan kung ano ang pagkakasunod-sunod. Sunod kong nakita ang matulin na galaw ng bola papunta sa isang direksyon.

Maingay. Mabilis. Mga sigawan. May tumatawag sa pangalan ko.

Lumingon ako, naguguluhan. Hindi na nakapagsalita pa dahil huli na ang lahat.

May tumawag na ulit sa pangalan ko.

"Freesia!" The voice sounded warped and distant in my head.

May nararamdaman akong pagtapik sa pisngi ko. Nang idinilat ko ang mata ay nanlalabo ang paningin ko, hindi alam kung ano ang tamang pigura na nasa harapan.

"Freesia! Thank God you're awake."

Nanatili akong nakatitig sa nag-aalalang si Cloud, ang mukha ay kumaklaro na sa paningin. Nang mapansin naman niya ang paninitig ko sa mga abo niyang mata, tsaka lang siya nagpakawala ng malalim na buntonghininga.

I looked around and saw different pair of eyes on me. Puno ng pag-aalala ang mukha nila, kasama na ro'n ang pinsan kong si Zelle.

I felt a hand on my back. Nang iginala ko pa ang tingin ay tsaka ko lang napansin na salo-salo ako ni Cloud. Nakalapag naman ang hita ko sa buhanginan kaya hindi mahihirapan sa pagsuporta sa 'kin.

Ang problema nga lang, hindi ko masuportahan ang sarili ko. Wala pa rin ako sa wisyo at ang gulo pa rin ng utak ko.

That memory from earlier... was that from a volleyball match? Sa Regionals?

"What happened?" tanong ko, unti-unting umaayos ng pwesto.

Cloud shouldn't be here. Dapat inaalala niya muna ang sarili niya.

Iyon ang huli naming pinag-awayan.

I heard him sighing. "Nahimatay ka kanina. Hindi dapat ako nag-walkout sa 'yo."

"Walkout?"

Tsaka ko lang napansin na nandito pa rin ako sa huling pwesto namin ni Cloud. Pwesto sa dalampasigan na malayo sa mga kabanda niya.

Kaya lang yata sila nandito dahil nagulantang kay Cloud. Puno rin ng pag-aalala ang mukha nila.

Inabutan ako ni Sebastian ng tubig na pinasalamatan ko naman. Dahan-dahan akong uminom habang pinakakalma ang sarili.

"Okay na ba pakiramdam mo?" tanong ni Sebastian sa 'kin, ang berdeng mga mata ay nag-aalala.

I slowly nodded. "Medyo groggy pa pero kaya ko naman."

"Nagulat kami. Bigla kasing sinigaw ni Cloud 'yung pangalan mo," he explained.

"Matagal ba akong nawalan ng malay?"

"Ilang minuto rin." There was an apologetic smile on his face.

Nang ibinalik ko naman ang tingin kay Cloud ay mas pansin ko ang pagsisising nando'n. Kahit na padilim na ang paligid, mas madilim pa rin ang ekspresyong nasa mukha niya.

Lalo akong nasaktan dahil do'n.

I touched his hand.

Napunta ang tingin niya sa 'kin. "Freesia—"

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon