Kabanata 3
Kabanda
Mabilis kong nahanap sina Elgene at Quinley na kalalabas pa lang sa isang clothing store. Iritable pa ako nang makarating sa kanila kaya tinawanan ako ni Quinley.
"Oh? What's with the look? Nakabili ka naman ng milk tea, ah?"
Kinuha ni Elgene ang hawak niyang paper bag at nagsimula nang maglakad. Nakabusangot naman akong sumunod sa kan'ya.
"Nothing. May nang-inis lang sa 'kin," iritable kong sabi. "Ang gulo-gulo niya!"
"And sino naman 'yon?"
Nagpupuyos ko siyang tiningnan. "Nakilala ko lang naman sa park ng Hensonville tapos in-approach niya ako!"
She looked at me and urged me to go on.
"Tapos inabot sa 'kin ang jacket niya. Nakita ko ulit kanina sa may Dakasi tapos hinihingi ko ang personal information niya para maibalik ko jacket niya. Alam mo sagot niya? Sabi niya, sa Trinity ko na lang daw ibigay!"
Nagpupuyos na ako sa inis habang ikinukwento 'yon kay Quinley. Hindi ko napansin kung ano ang reaksyon niya dahil abala ako sa pagsipsip sa inumin.
"Trinity?"
Nilunok ko ang iniinom. "Yes! At sinabi pa sa 'kin na sabi raw ng may-ari ng jacket, sa Trinity raw kami magkita kasi ro'n naman ako mag-aaral. I asked him how he knew about it, ang sagot naman niya, nalaman daw niya sa source niya. Nang tinanong ko naman kung sino ang source niya, sabi niya 'yung kabanda niya!"
Punong-puno na naman ako ng irita habang inaalala 'yon!
Bumaling ako kay Elgene, naalala na may nabanggit ang lalake tungkol sa pagbabanda. "Hey, nagbabanda ka, 'di ba?"
Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa 'kin. Nagtataka siyang tumango.
"Do you know a guy with gray eyes? I'm just taking my chances since he told me that he's in a band—"
"Si Cloud ba?"
"Cloud?" Natigilan ako. Naigting ko ang panga nang may maramdaman na naman sa dibdib.
What is this... longing that I feel?
Suminghap ako at umiling. "That's the guy's name?"
"Oo. Bakit? Anong ginawa sa 'yo?"
I looked away and started walking. "Ginawa lang niya akong iritable."
We went home afterwards. Hindi na rin nila ako tinanong tungkol pa ro'n na siyang ipinagpasalamat ko.
Nang makarating sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto. Naghanap ako ng paper bag na mapaglalagyan ng jacket at naghanap din ng maliit na papel para masulatan ng note ko para sa kan'ya.
Sisiguraduhin kong doon ko ibubuhos ang lahat ng irita ko sa kan'ya!
To you who owns this jacket.
Hindi ko alam kung maarte ka sa gamit mo pero gusto ko lang ipaalam sa 'yo na alagang-alaga ang jacket na ipinahiram mo sa 'kin. Hinandwash ko pa 'yan sa takot ko na matastas ang tahi ng jacket at ng patch. Hindi ko rin dinryer kasi nga baka may matastas. Maingat ko ring piniga at pinatuyo ko sa ilalim ng araw. Gumamit din ako ng fabric softener kaya mabango 'to!
Tinapos ko ang sulat do'n bago ipinasok sa loob ng paper bag. Maingat 'yong nakapatong sa itaas ng jacket niya na maayos ang pagkatutupi. Itinupi ko pa 'yon sa paraan na itinuro sa 'kin ni Kuya Niel.
Si kuya rin ang dahilan kung bakit ko alagang-alaga ang jacket na ipinahiram sa 'kin. Iniisip ko na baka kasing-arte niya si kuya.
Pero kinakatwiran ko pa rin ba 'yon kahit na may hinuha ako kung ano ang totoo?
BINABASA MO ANG
Beneath the Clouds (STATION Series #1)
Romansa"Look at the sky and remember me." Yearning had always filled the heart of Freesia Fuentabella. Ever since she returned to her hometown to continue her studies, she felt the place had more to offer, particularly for her memories. Backed by longing...