Kabanata 7

12.6K 400 39
                                    

Kabanata 7

Alamin

Someone is ruling over him...

Kumirot ang ulo ko kaya nasapo ko 'yon. Nakita ko ang paggalaw ni Cloud sa gilid ko. Mabilis siyang napunta sa pwesto ko at hinagod ang likod ko.

"Freesia..." nag-aalala niyang tawag.

Itinaas ko ang kamay. "I'm... I'm okay..."

I heard him murmur something. I wasn't able to comprehend it because I was busy with my headache.

I did some rhythmic breathing exercises to calm myself. Ginawa ko 'yon nang ilang beses hanggang sa tuluyang kumalma.

"Tuwing kailan?" tanong niya.

Nagtataka ko siyang nilingon. "What?"

"Tuwing kailan sumasakit ulo mo?" Seryoso na muli ang tono niya.

I felt trapped when I looked at his gray eyes. Naramdaman ko na naman ang unti-unting paghigop no'n sa kaluluwa ko.

"I-I'm not sure..." Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. "I-I just... it's just there, Cloud. It happens without any..."

Hinila niya ako sa isang yakap. Awtomatikong kumalma ang malakas na tibok ng puso ko. Nakaramdam ako ng emosyong bumalot sa katawan ko.

"Dito lang ako, Freesia... Dito lang ako palagi sa tabi mo..."

Tuluyan nang nawala ang kirot ng ulo ko.

Cloud was worried that's why he walked me home. Nagsisisi raw siya at wala siyang dalang kotse o kung ano para hindi na ako maglakad. Sinabi ko naman na okay na ako kaya 'wag na niya masyadong isipin.

Ako ang nagsabi sa kan'ya no'n pero sa 'kin na napunta ang pag-iisip.

How does he know my grandparents' house? And how does he know that I live here?

The mystery that lingered around him should be enough as a reason for me to stay away from him. But now that he'd given me a lot of reasons to do that, another reason flourished that's why I can't do it.

Kasi alam ko ang pinapasok ko tuwing kasama siya, pero ako na mismo ang nagtatago no'n dahil gusto ko ang kinalalagyan ko ngayon. Ang araw-araw na pangangamba at takot. Ang araw-araw na pagkukwestiyon sa mga bagay na tungkol sa 'kin. At kahit na gaano ko gustong isugal ang sarili para magtanong upang makakuha ng rason, ako na mismo ang nagkakait sa sarili no'n.

Luckily, my grandparents weren't around when we arrived. Walang taong kukwestiyon sa presensiya ni Cloud na siyang ipinagpasalamat ko.

"Thank you..." I told him.

Nagbaba siya ng tingin sa 'kin mula sa pag-iikot ng tingin sa mansyon nina lola. Malamlam muli ang mata niya.

"Walang anoman..."

Nginitian ko na lang siya nang may makumpirma ako sa dibdib. "Thanks again, Cloud. Ingat ka pauwi..."

He nodded at me. "Ikaw rin..."

Tumalikod na ako at pumasok sa loob ng bahay.

The next day, I headed to class. Nagpahatid na ako sa driver nina lola dahil hindi na ako masusundo nina Quinley at Elgene. Magkaiba na raw kasi ang schedule nilang dalawa.

"Good morning!" bati sa 'kin ni Maxinne.

I smiled and took a seat beside her. Inayos ko ang ilang gamit para sa isang klase ngayong araw.

"Good morning din," I greeted back.

The professor arrived a few moments later. Late rin ng ilang minuto.

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon