Kabanata 1

39.2K 850 232
                                    

Kabanata 1

Bench

The familiar sight of the Angeles City welcome arch greeted me.

Kinusot ko ang mata upang maliwanagan sa paligid. Sinipat ko ng tingin ang mga nadaraanan at unang napansin ang mga nagsisilakihang puno. May nadaraanan din kaming mga tindahan na karamihan ay nagbubukas pa lamang.

Humikab ako at inayos ang pagkalalagay ng earphones sa tenga. Sinilip ko ang relo sa pulsuhan at napansing alas sais na ng umaga.

Sa pagkaaalala ko, umalis kami sa bahay ng alas tres ng madaling araw. Ang rason ni Daddy, ayaw daw niyang maabutan ng traffic lalo na't dadaan kami sa EDSA.

"Gusto niyo na bang kumain na?"

Tiningnan ko ang nakaupo sa shotgun seat. Si Mommy pala 'yon. Si Daddy naman ang tahimik na nagda-drive.

Umayos ako ng upo at pinasadahan ng tingin ang kapatid ko. Nakadungaw sa labas si Kuya Daniel habang bahagyang gumagalaw ang ulo dahil sa pagpapatugtog. Dinig na dinig ko pa ang ilang beats na nagmumula sa earphones niya kaya alam kong hindi niya narinig ang sinabi ni Mommy.

Tinapik ko si kuya. Bumaling siya sa 'kin, panandaliang nawala ang kaonting tugtog sa hangin.

"Tinatanong ni Mommy kung gusto na nating mag-breakfast," saad ko sa kan'ya.

He slightly nodded before he put the earphones back in his ear. "Sure..."

Tumango si Mommy at bumaling kay Daddy pagkatapos. Narinig ko pa ang bilin niya na tumigil sa susunod na gas station. Sinunod ni Daddy 'yon.

Pamaya-maya pa ay dumating na kami sa gas station. Nag-park muna si Daddy sa pwestong malapit sa kainan bago kami bumaba ng sasakyan.

Unang humampas sa katawan ko ang malakas at malamig na simoy ng hangin, hinihila akong matulog muli. Napahikab ako bago makaramdam ng pagbigat ng katawan.

Inakbayan pala ako ni Kuya Daniel habang itinatago niya sa bulsa ang cellphone.

"Mag-inat-inat ka. Tatlong oras kang nakaupo," payo niya.

Ngumiwi ako. "Hindi kita gym instructor."

Umismid siya. "Oo, kasi kapatid mo 'ko."

Ngumuso na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod kami kina Mommy papunta sa isang kilalang café.

Pagkarating do'n ay sumalubong ang amoy ng kape. Dinig din ang pag-ugong ng makinang ginagamit para madurog ang coffee beans. Malamig din ang hangin at may pumapailanlang na malumanay na jazz music sa paligid.

"Daniel, Freesia, occupy a table. Kami ng Daddy niyo ang pipila," saad ni Mommy.

Hindi na ako nakaalma pa dahil kinaladkad na ako ni kuya papunta sa isang pwesto. Busangot akong umupo ro'n, sinasamaan ng tingin si kuya.

"Parang matatanggal leeg ko!" naiirita kong sabi sa kan'ya.

"'Di naman. It's still intact, see?" balewala niyang sabi bago sumandal sa upuan at dumekwatro. Inabala niya ang sarili sa pagse-cellphone.

Sa inis ay inalis ko ang tingin kay kuya. Inilibot ko na lang ang tingin sa paligid at napansing iilan pa lamang ang mga tao. Naaabot na rin ng sikat ng araw ang pwesto namin dahil sa floor-to-ceiling na bintana. Hindi naman siya nakasisilaw, nakadadagdag pa nga sa pagka-kumportable sa paligid.

I sighed and inhaled the familiar scent of coffee beans. It's been a while ever since I've been here. Ang madalas ko kasing pinupuntahan noong nasa Batangas ay mga milktea shop. Nakalimutan ko na tuloy ang lasa ng kapeng gawa ng mga barista.

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon