Kabanata 16

9K 296 28
                                    

Kabanata 16

Pwede

Mabilis akong inihatid sa bahay pagkatapos no'n.

Tanong nang tanong sina Maxinne at Zelle kung kumusta ba ako, wala naman akong ibang nasagot kun'di ang pagkatulala. Kaya napagdesisyonan nilang tapusin na ang paghahanap ng gowns dahil wala rin namang mahanap.

Pagkauwi ay dumiretso ako sa kwarto at humiga sa kama, ang mata ay nakatitig sa kisame.

Punong-puno ako ng katanungan kung bakit may nararamdaman akong takot sa dibdib. May hinuha akong nasa isipan ngunit kulang pa ang mga nalalaman ko para makumpirma nga 'yon.

Ngunit may isang bagay akong hindi maalis—ang paniniwala na may kinalaman ang babae sa nangyari sa 'kin noon.

She reeked of anger. Her actions, too. Isama pa na kung paano nag-reaksyon ang katawan ko sa boses pa lamang niya, alam kong may ginawa talaga siya sa 'king masama.

But what was it about and when did it happen? She mentioned something about the Regionals. Volleyball player din siya. Ibig sabihin, nakalaban ko siya noon? Pero anong taon?

First-year college? Ang taon kung saan wala akong maalala.

She's a Tarquez. Iyon ba ang sinasabi ni Kuya Niel sa 'kin? Isama pa na kasama ng babaeng Tarquez na 'yon si Thunder, ang pangalang nabanggit din ni kuya.

Kapatid ba ni Cloud si Thunder? Pinsan? Magkakulay sila ng mata.

Gustohin ko mang tanungin si kuya, alam kong lilituhin na naman niya ang utak ko. At dahil alam niya ang ugali ko, paniguradong sasabihin niya sa 'kin, "Gusto mo ba talagang malaman?"

Paniguradong 'hindi' ang magiging sagot ko.

When did my brother and I turn into this?

I sighed and looked around the court. The familiarity that it gave me was confirmed by the familiarity of my body.

Nang pumasok ako rito sa volleyball court para sa gaganiping tryouts, alam kong hindi ko maitatago sa sarili ang katotohanang nanggaling na talaga ako rito. Kahit na medyo malabo sa isipan ko, kung ililibot ko ang tingin sa paligid ay maibabalik naman.

Hindi ko maiwasang maalala ang nakaraan ko.

I remember waking up a year ago with a groggy feeling. Parang mabigat ang katawan ko noon kaya hindi ako makagalaw. May benda rin yata ang ulo ko, hindi ko na gaanong matandaan. Gulong-gulo pa ako no'n kasi bakit ako sa nasa ospital? Wala akong maalala kung bakit ako napunta ro'n.

Nang magising naman si Mommy sa tabi ko ay puno ng luha ang mukha niya. Mabilisan niyang tinawag ang doctor at sinabing gising na raw ako. Nang tinanong ko naman kung ilang oras na akong tulog, sinabi naman niyang tatlong araw daw akong hindi nagising.

I couldn't believe it, especially when she told me the reason why I was here.

They say that I got into a car accident. I was walking across the street when a car lost its brake. Hindi raw ako makagalaw no'n sa pwesto kaya nabangga ako. Bahagya akong kumbinsido dahil kapag nahaharap sa nakagugulat na pangyayari, hindi maiiwasan ng tao na manigas sa kinatatayuan.

Luckily, the driver compensated for the cause. Sila raw ang nagbayad ng hospital fees.

But I wasn't convinced. I never risked convincing myself, either, because the anxiety and fear weren't there.

Hindi ako naniniwala. Para kasing gawa-gawa lang nila ang pagkakataon. Hindi ko rin naman alam kung dapat bang masakit ang buong katawan ko kung nabangga talaga ako. Wala rin naman akong galos sa katawan kun'di kaonting pasa lang.

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon