Kabanata 14

10.9K 329 52
                                    

Kabanata 14

Dalawa

I was unable to attend my next class because I was feeling unwell. Hindi rin ako nakapag-register sa volleyball tryout kaya dumiretso na lang ako sa pag-uwi.

"Ako na lang mag-re-register ng pangalan mo para sa 'yo," suhestiyon ni Cloud nang makasakay ako sa sasakyan niya.

He even asked me if he could drive me home. Pumayag naman ako dahil hindi ko na talaga kayang paganahin ang utak ko sa mga susunod na oras.

"Don't you have any classes?" nag-aalala kong tanong, ang ulo ay bahagyang sumasakit.

I feel so tired because of crying. Umiyak din naman si Cloud pero alam kong hindi naman gano'n kasakit ang ulo niya dahil mas hagulgol ako kaysa sa kan'ya.

"Wala na," sagot niya at binuhay ang makina ng sasakyan. "Papa-register ko kay Adara pangalan mo. Varsity naman 'yon."

I silently nodded before I sighed. Ipinikit ko rin ang mata nang maramdaman ang pagdating ng pagod.

"You rest for a while, Freesia. Gigisingin na lang kita 'pag nando'n na tayo."

I dozed off during the ride home. I wasn't sure if it was short, but we arrived at our house when it's already dark. It was around noon when we left.

Bahagya ring malamig ang loob ng sasakyan nang magising ako. Napansin ko ring naka-recline na ang inuupuan ko kaya hindi nangalay ang katawan ko.

The air is cold. Buhay pa ba ang aircon?

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Kuya Niel. Baka ma-discharge ang battery ng sasakyan sa ginawa niya!

"Freesia..."

"Yes?"

Nang nilingon ko siya ay tulog pa pala si Cloud.

Was he calling my name when he was asleep?

I sucked a deep breath and peeked at his sleeping face. Naka-recline rin ang inuupuan niya kaya maayos ang pagkahihiga.

"'Wag..." he murmured. "'Wag ka nang... umalis..."

I bit my lower lip when my chest hurt, again.

Umalis ba ako noon, Cloud?

"Dito ulit... promise..."

Nang hindi makayanan ay tinapik ko na ang pisngi niya. "Cloud?"

Sa isang pagtawag ay dumilat siya, ang abong mga mata ay dumirekta sa 'kin. Lumakas ang tibok ng puso ko dahil do'n.

"Freesia?" He looked confused. "Anong..."

I smiled at him and leaned back. Inayos ko ang pagka-re-recline ng upuan at ibinalik sa dating pwesto.

"Kanina pa ba tayo nakarating?" tanong ko habang pinapatay ang aircon.

I heard him groaning before he fixed his chair. Ibinaba niya ang salamin sa harapan at inayos ang buhok habang nakatingin do'n. Nang matapos ay pinatay niya ang makina at nagbuntonghininga.

"Medyo..."

"Dapat ginising mo na 'ko." Napatingin siya sa 'kin, naguguluhan. "The car's battery... baka ma-discharge."

Nanatili ang tingin niya sa 'kin bago nagpakawala ng maliit na ngiti. Humahalakhak at umiiling-iling, inabot niya ang kamay ko at tinapik 'yon gamit ang ilang daliri niya.

"Napanaginipan kita," pag-iiba niya ng usapan, ang tingin ay nasa daliri niyang nasa likod ng kamay ko. "But it's okay now. Nandito na 'ko."

Kunot-noo ko siyang tiningnan nang binuksan niya ang pinto ng sasakyan. Isinara niya 'yon at mabilis na umikot upang pagbuksan ako ng pinto.

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon